Ang Zinc ay isang mineral na importante sa katawan ng mga bata dahil sa iba’t ibang benepisyo nito. Ito ay nagpapalakas ng immune system, nakakatulong sa paggaling ng mga sugat at nagsisilbing support sa growth ng mga bata.
Pampalakas ng Immune System
Ang Zinc ay nakakatulong sa pagpalakas ng immune system, kung kaya’t ginagamit na ito upang maka-iwas sa mga sakit na common sa mga bata tulad ng ubo at sipon.
Tulong sa Pagpapagaling ng Sugat
Ang Zinc ay nakakatulong upang magpagaling sa infection at minor na sugat. Mayroon din mga Zinc ointments na maaaring gamitin para sa diaper rash at iba pang skin irritation. Dahil ang mga bata ay madalas magkaroon ng mga ito, importante na nakakakuha sila ng sapat na Zinc mula sa pagkain, inumin o gamot.
Suporta sa Paglaki
Dahil ang mga bata ay nasa developing stage pa, importante na sila ay nakakakuha ng sapat na Zinc dahil nakakatulong ito sa kanilang muscle development.
Mga Pagkain na Mayaman sa Zinc
Ang beef ay mayroong omega-3 fatty acids at conjugated linoleic acid, isang malakas na polyunsaturated fatty acid na ayon sa ilang eksperto ay nakakatulong labanan ang cancer at heart disease. Maliban dito, nakakatulong ito sa blood sugar at pag-build ng muscle.
Source: https://www.pexels.com/photo/broccoli-chicken-close-up-cooking-262973/
Maliban sa zinc na nasa chicken, isa din itong magandang source ng B vitamins, kagaya ng vitamin B12, niacin, vitamin B6 at panothenic acid. Ang vitamin B12 sa chicken ay nakakaulong sa pag-maintain ng energy levels ng mga kids, nakakapaganda ng mood, nakakabuti sa heart health at nakakaganda ng skin.
Ang 100 grams ng cooked lean pork ay mayroong zinc. Maliban sa zinc, mayaman din sa protina ang lean pork, na siyang nakakatulong din sa muscle growth, perfect sa mga growing kids.
Ayon sa mga eksperto, ang mushrooms ay may kakayahang palakasin ang immune system dahil sa antioxidant activities, pagbawas nito ng inflammation, paglaban nito sa cancer, pagpapalakas nito sa puso at pagpapaganda ng brain function.
Ang cashews ay mayaman sa unsaturated fatty acids at mayaman sa protina. Ang cashew ay nakakatulong labanan ang heart disease, nakakabawas ng inflammation, nakakabuti sa mga buto at brain function. Maliban dito, ang nuts ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang dahil nakakabusog ito at nakakapawi ng cravings.
Ang chickpeas ay isang uri ng complex carbohydrate na pinagkukunan ng katawan ng energy. Maliban sa zinc benefits nito, nakakatulong din ito sa digestion sa pagtulong ng pag-usad ng mga pagkain sa digestive tract
Isa itong magandang source ng dalawang flavanoids na epictechin at catechin, na nagsisilbing antioxidant para iwasan ang inflammation at mga sakit. Dahil mayroon intong flavanoids, nakakatulong din ito sa tamang pagdaloy ng blood pressure.
Ilan lamang ang mga ito sa mga pagkain na mayaman sa zinc. Dahil ang mga kids ay pihikan sa food, posible na hindi nila nakukuha ang sapat na zinc na kinakailangan nila. Dahil dito, importante na binibigyan ang mga kids ng zinc vitamins everyday para siguradong nakukuha nila ang sapat na nutrisyon na kulang sa mga kinakain nila. Kapag sapat ang nutrisyon ng kids, lalaki silang malusog at maliski.
Sources: