Mga Pagkaing Mayaman sa Iodine

June 19, 2017

Photo from NDTV

 

Ano ang Iodine?

 

Ang iodine ay isang klase ng mineral na importante sa produksyon ng mga hormone na nagmula sa glandulang thyroid. Ang mga hormone na ito ay ang responsable sa pag-regulate ng ng takbo ng thyroid, pagsuporta sa maayos na metabolism, pagtulong sa paglaki ng katawan at pag-iwas sa mga chronic diseases gaya ng cancer. Ang katawang ng isang tao mayroong 20 hanggang 30 miligrams ng iodine na matatagpuan sa thyroid gland, sa baba ng tinatawag na voice box. Ang ilang iodine ay nasa mammary glands, salivary glands, stomach lining at dugo.

 

Kahalagahan ng Iodine sa Katawan

 

Ang mababang intake ng iodine ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng goiter o di kaya'y pagkaduling, pagkabingi, pagkapipi, pagbaba ng intelligence quotient at pagbagal sa paglaki ng mga sanggol. Ang sobra o kulang sa iodine ay parehong nakapagdudulot ng problema sa produksyon ng hormone sa glandulang thyroid na humahantong sa hypothyroidism. Ang katawan ng isang adult ay kailangan ng 150 mcg na iodine kada araw, 200 mcg naman ang dapat para sa mga buntis at nagbbreast feed na nanay.

 

Pitong Pagkaing Mayaman sa Iodine

 

Natural na nakikita ang iodine sa ilang mga pagkain kung kaya’t importanteng maging bahagi ito ng araw-araw na diet plan.

 

1. Iodized Salt

Ito ang pinakamainam na source ng iodine. Ang isang gramo ng iodized salt ay nagbibigay sa katawan ng 77 mcg at 0 calories. Maaaring ito ang gamitin pampalasa ng mga lutuin.

 

2. Dried Seaweed

Ang seaweed o tinatawag ding nori ay isa ding mainam na source ng iodine. Karaniwan itong natatagpuan sa mga Japanese food kaya nga nori. Mayroon itong mataas na lebel ng iodine. Nasa 20 hanggang 2,000 mcg iodine ang taglay ng isang gramong seaweed. Ang iba ay ginagawang snack ang seaweed ngunit importanteng kainin ito in moderation.

 

undefined

 

Photo from Korea Bizwire

 

3. Lamang Dagat

Ang mga seafood gaya ng isdang bakalaw, tuna, at hipon at mayaman sa iodine. Ang isdang bakalaw o cod fish ay mayroong 100 mcg sa kada 85 na gramo nito. Mayaman ang cod sa omega 3 fatty acids, protein folate at potassium. Samantala, ang 85 na gramo hipon ay may taglay na 35 mcg. Ang isang lata ng tuna na nakababad sa mantika ay mayroong 17 mcg ng iodine. Ang mga taong hindi kumakain ay mataas ang risk magkaroon ng iodine deficiency.

 undefined

 

 

4. Dairy products

Ang isang tasa ng gatas ay may taglay na 56 mcg ng iodine samantalang ang 25 na gramo ng keso ay mayroong 12 mcg. Ang isang cup ng yogurt ay nagtataglay ng 154 mcg na iodine at 154 calories. Ang gatas ay mayaman din sa ibang minerals gaya ng phosphorus, folate, manganese, magnesium and potassium at mainam na source ng calcium at vitamin D.

 

5. Patatas

Ang isang buong patatas na may katamtamang laki ay maaaring makuhanan ng 60 microgram ng iodine, ito ang 40% ng daily recommended value. Mayaman ang patatas sa fiber, minerals, potassium at ibang bitamina na kailangan ng katawan.

 

6. Prutas

Ang mga prutas gaya ng saging at strawberry ay maaaring paging source ng iodine. Hindi lamang energy-booster ang saging, ito din ay nagtataglay ng 13 mcg ng iodine. Ang isang cup naman ng strawberry ay mayroong 13 mcg.

 

7. Itlog

Mayroong 24 mcg ng iodine ang isang malaking nilagang itloy. Maaari itong ilagay sa salad kasama ng keso para makuha ang mga benepisyo ng iba pang mga sangkap gaya ng gulay.

 

Kung hirap makuha ang recommended daily intake ng iodine, mayroong mga iodine supplements na mabibili. Karaniwang hirap makuha ng mga nagdadalang tao ang mga tamang level na iodine kung kaya't madaming multivitamin at supplements ang mayroong iodine. Ang supplement ay dapat nagtataglay ng 140 hanggang 150 mcg.

 

Mga Tips Para Mapanatiling Nasa Normal na Level ang Iodine

 

  • Hangga't maaari mga organic na pagkain ang kainin. Hugasan ng mainam ang mga gulay at prutas para maalis ang pesticide at ibang kemikal.

  • Iwasang uminom at kumain sa plastic containers.

  • Panatilihing chemical-free ang mga produktong ginagamit sa katawan.

 

 

Sources:

  • http://www.philstar.com/probinsiya/2016/01/15/1542669/pagkaing-mayaman-sa-iodine-tangkilikin-nnc
  • https://www.bda.uk.com/foodfacts/Iodine.pdf
  • http://www.healthbeckon.com/iodine-rich-foods/
  • http://www.globalhealingcenter.com/natural-health/iodine-foods/
  • https://draxe.com/iodine-rich-foods/
  • http://www.webmd.com/vitamins-and-supplements/iodine-uses-and-risks#1
  • http://kalusugan.ph/kahalagahan-ng-iodine-at-mga-pagkain-na-mayaman-dito/
  • http://www.philstar.com/probinsiya/2016/01/15/1542669/pagkaing-mayaman-sa-iodine-tangkilikin-nnc