Mga Pagkain na Nakakatulong sa Concentration

June 30, 2018

Lahat ng tao ay nakakaranas ng pag shut down o pagka-antok sa isang araw. Hindi mahalaga kung gaano karaming kape ang nainom, o gaano kahaba ang iyong tulog. Kapag ang iyong konsentrasyon nag-shut down, maaaring makaapekto ito sa ekswelahan at trabaho mo. May mga bagay ka na hindi maiintindihan dahil kulang ka sa concentration o lumilipad ang isip mo.

Ang pagkakaroon ng concentration ay susi sa pagiging produktibo, at kung ikaw ay nahihirapan upang mapanatili ang iyong focus sa lahat ng araw, maaaring kailangan mong suriin at masusing tignan ang iyong kinakain.

Nahihirapan ka bang alalahanin ang mga bagay kagaya ng pangalan ng mga tao o ang binabasa mo tuwing nag-aaral o kaya kung nasa trabaho? Ang mga pagkain na ito ay ilan lamang sa mga maaaring makatulong sa ating concentration, brain function and memory.

1.Coffee

  • Meron itong dalawang main component na nakakatulong sa brain function - caffiene and antioxidants. .Ang caffeine ay nagreresulta sa pagiging mas alerto. Nagbibigay ito ng enerhiya upang mas makapagconcentrate ka sa iyong ginagawa. Ngunit huwag uminom ng sobrang daming kape upang hindi bumilis ng sobra ang tibok ng puso at maging hindi komportable. 

2.Sugar

  • Ang sugar ay nagbibigay ng enerhiya sa ating utak. Maaaring uminom ng juice o kumain ng prutas upang magkaroon ng glucose para sa utak. Huwag masyadong maraming asukal ang kainin dahil kapag sobra ay nakakasira ng memorya.

3.Isda

  • Ang mga isda gaya ng salmon, tuna at sardinas ay mayaman sa protina at Vitamin D. Ang Vitamin D ay kailangan sa development ng malulusog at malalakas na buto. Isa rin itong brain booster dahil mayaman ito sa omega 3 fatty acid na kailangan ng ating utak. Ang isda kagaya ng salmon, mackarel o tuna ay mayaman sa heart-healthy omega-3 fatty acids at docosahexaenoic acid o DHA. Ang DHA o docosahexaenoic ay important para sa pang-araw araw na function ng ating neurons, na siyang nakakatulong sa ating brain activity.

4.Mani

  • Ang mani ay may taglay na antioxidant vitamin E na nakakatulong upang makaconcentrate

5.Dark Chocolate

  • Mayroon ding caffeine at iba pang makapangyarihang antioxidant properties, at naglalaman ito ng natural na stimulant tulad ng caffeine nakakatulong upang mas makapagfocus.6.

6.Broccoli

  • Ang broccoli ay madaming benefits at disease-fighting properties para sa brain. Dahil ang broccoli ay mayaman sa vitamin k at folic acid, nakakatulong ito para sa pag-boost ng memory at pagpapanatili ng concentration.

7.Turmeric

  • Ang turmeric ay dahan dahang nagiging popular sa mga taong nais mapalakas ang kanilang brain function. Ang “Curcumin” ay isang active ingredient sa tumeric at pinapaniwalaan na kaya nitong dumaloy sa brain at bigyan ng tulong ang mga cells dito.

8.Avocado

  • Ang avocado ay nakakatulong na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso at pinapababa ang cholesterol sa ating dugo. Ang avocado ay mayaman sa Vitamin E at C na siyang associated sa pagpapababa ng risk na madevelop ang Alzheimer’s Disease.

9.Whole Grain

  • Ang whole grains tulad ng popcorn at whole wheat ay mayaman sa antioxidants na nakakatulong labanan o i-delay ang damage sa brain. Binabawasan nito ang panganib sa pagtaas ng plaque at nakakatulong upang mapaganda ang pagdaloy ng dugo sa katawan. May mga pagkain naman na mayaman sa vitamins na nakakatulong sa kalusugan ng brain. Maaari mong panatilihing healthy at alert ang sarili kung ang mga pagkain na ito ay isasama sa iyong diyeta.

Ang mga pagkain na kinakain natin sa araw-araw ay maykritikal na papel sa pagkakaroon ng malusog na brain function, habang tayo ay nabubuhay. Ang iba pang mga kadahilanan na maaaring makagambala sa focus ng isang tao ay ang pagkain ng masyadong marami o hindi sapat. ang mga taong hindi kumukuha ng sapat na calories dahil lumaktaw sila sa pagkain o nasa isang mahigpit na diyeta ay maaaring makaranas ng kahirap sa pagcoconcentrate na tiyak na nakaka gambala. Ang mga bata na kumain ng almusal ay may posibilidad na magkaroon ng mas panandaliang memorya kaysa sa ibang bata na hindi kumakain ng ganitong pagkain. 

Walang isang partikular na pagkain ang maaaring kainin o inumin na panandaliang makakatulong sa konsentrasyon at pokus. 

Sundin ang mga hakbang na ito upang makatulong sa pagkakaroon ng maayos na concentration:

-    Magkaroon ng sapat na tulog upang makapag focus.

-    Gawin ang kinakailangang paghahanda sa trabaho, job interview, presentation, at pati na rin sa mga exam sa eskwelahan.

-    Mag-ehersisyo upang makatulong na patalasin ang pag-iisip.

-    Mag meditate upang ma-clear ang utak at makapag-relax

-    Kumain at kumuha ng tamang balanse ng pagkain.

Upang magkaroon ng pokus at makapag-perform ng maayos sa school at trabaho, mahalaga na kumuha ng mga bitamina tulad ng B-Complex at Vitamin C.

 

Reference:

https://www.webmd.com/add-adhd/ss/slideshow-brain-foods-that-help-you-concentrate

https://www.webmd.com/food-recipes/features/foods-for-better-concentration#1

https://mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/maximize-memory-function-with-a-nutrient-rich-diet

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/multimedia/health-foods/sls-20076653

https://www.webmd.com/diet/features/eat-smart-healthier-brain