Mga Pagkain Na Mainam Pagkatapos Mag-Ehersisyo

June 29, 2017

Photo from OFW AKO

 

Ang formula sa healthy lifestyle ay 30% exercise at 70% diet. Kagaya ng intense workout at ng health diet, importante ding pagtuunan ng pansin ang pagkain na kakainin bago at pagkatapos mag-ehersisyo. Mahalaga ito sa pagburn ng calories, pag-build ng muscles at pagbabawas ng timbang.

 

Pagkain Pagkatapos ng Workout

 

Ang katawan ng tao ay nag-iipon ng sobrang energy tulad ng glycogen at protein. Kapag nagwo-workout, ginagamit ng katawan ang mga ito. Ang pagkain ng pagkaing mayroong protein at carbohydrates 30 minuto hanggang isang oras pagkatapos mag-ehersisyo ay tumutulong sa pagrepair at paggawa ng mga muscle. Mainam na kumain agad pagkatapos mag-ehersisyo dahil nababawasan ang kakayahan ng katawan na punan ang nawalang fuel ng katawan ng 50%.

 

Dahil nagdudulot ang pag-eehersisyo ng muscle protein breakdown, ang pagkain ng eksaktong dami ng protein ay nagbibigay ng amino acids sa katawan na tumutulong sa pag-repair at rebuild ng mga protina. Nagbibigay din ito ng building blocks na makatutulong sa paggawa ng mga bagong tissue sa katawan. Mainam na kumain ng 0.14 hanggang 0.23 gramo ng protina kada isang isang pound ng bigat ng katawan pagkatapos magworkout.

 

Ang glycogen ng katawan ay ginagamit bilang 'fuel' habang nag-eehersisyo at ang pagkain ng carbohydrates pagkatapos mag-exercise ay nakatutulong sa pag-replenish nito. Nakadepende sa ehersisyong gagawin kung gaano kadaming glycogen ang magagamit. Ang endutance sports gaya ng pagtakbo o paglangoy ay gumagamit ng mas madaming glycogen kaysa sa mga resistance training gaya ng bodybuilding.

 

Naririto ang mga pagkaing dapat kainin pagkatapos mag-workout.

 

 

undefined

 

Photo from Inspired Taste

 

1. Itlog

 

Ang itlog ay nagtataglay ng 70 calories at 6.3 grams ng protein. Mayroon din itong nine amino acids, Vitamin D at omega-3 fatty acids.

 

undefined

 

2. Saging

 

Ang saging ay mayroong 'good' carbohydrates na kailangan ng katawan pagkatapos mag-ehersisyo. Mayroon din itong potassium.

 

undefined

 

3. Pinya

Ang pinya ay may taglay ng bromelain, isang natural anti-flammatory na gumagamot ng mga pasa at pamamaga. Nagtataglay din ito ng Vitamin C na tumutulong sa pag-repair ng mga tissue.

 

undefined

 

4. Kamote

Ang kamote ay nagtataglay ng Vitamin A na pang tatlong-araw at 26 grams ng carbohydrates para ma-restore ang glycogen supply ng katawan.

 

undefined

 

5. Abokado

Ang fat na taglayng abokado ay mainam para sa muscle repair at B vitamin supply na kailangan sa metabolism.

 

Kung may nakabubuti, mayroon ding mga pagkain na nakakasama pagkatapos mag-ehersisyo. Narito ang ilan:

 

1. Mga pagkaing galing sa fast food restaurants

 

Ang mga pagkaing gaya ng french fries, hamburgers at hotdogs ay hindi mainam kainin pagkatapos ng isang workout. Ang fats na mayroon ang mga pagkaing ito ay nakakapagpabagal ng digestion.

 

2. Softdrinks at fruit shakes

 

Pinapabagal ng matatamis na inumin na ito ang metabolism ng katawan na hindi mabuti sa pagbabawas ng timbang. Uminom lamang ng sports drinks kung ang workout na ginawa ay nagdulot ng sobrang pagpapawis. Mainam na tubig lamang ang inumin kung nauuhaw pagkatapos mag ehersisyo.

 

Sources:

 

  • http://www.shape.com/healthy-eating/diet-tips/best-foods-eat-and-after-your-workout

  • http://www.mensfitness.com/nutrition/what-to-eat/best-post-workout-foods

  • https://authoritynutrition.com/eat-after-workout/

  • https://www.buzzfeed.com/moerder/the-14-best-things-to-eat-after-a-workout?utm_term=.pgn6MlVOZY#.tjQq2K0nG8

  • http://www.gq.com/story/what-to-eat-after-workout