Mga Pagkain Na Dapat Iwasan Para Maiwasan ang Kidney Stones

June 19, 2017

Ayon sa National Kidney Foundation, isa sa kada sampung tao ay maaaring makaranas ng kidney stones. Matinding sakit ang nararamdaman ng mga nakakaranas nito, pangunahin na riyan ang hirap sa pag-ihi. Mabuti na lamang at maraming paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng kidney stones o bato.

Malaki ang role ng lifestyle changes at diet sa pagkakaroon ng kidney stones. Gaya na lamang ng karamihan sa mga sakit, ang tamang diet ay malaki ang naitutulong sa pag-iwas sa kondisyon na ito.

Ang kidney stone ay nagmumula sa pagkabuo ng ilang crystal mula sa mga kemikal na sinasala sa ihi. Kapag naipon ay saka naman lalaki ang crystal. Kapag tuluyang lumaki ang crystal, ito ay babara sa urinary tract ng tao. Magreresulta ito sa masakit na pag-ihi ng sinumang meron nito.

Karamihan ng mga kidney stone ay nagmumula sa calcium na humahalo sa oxalate o phosphorous. May isa pang klase ng kidney stone na namumuo naman mula sa uric acid na resulta ng pag-metabolize ng katawan ng protina.



Paraan ng Pag-iwas

 

  1. Manatiling hydrated

    Malaki ang epekto ng pag-inom ng sapat na tubig kada araw sa pag-iwas sa pagkakaroon ng kidney stones. Pinaparami ng tubig ang ihi na siya namang babawas sa mga kemikal na maaaring mamuo bilang crystal ng kidney stone. Ang recommended na iinumin kada araw ay walong baso. Bukod sa tubig, ay maaari ring sabayan ito ng fruit juices gaya na lamang ng orange juice o lemonade. Isa pang magandang epekto nito ay mayaman sa citrate ang mga inuming ito na nakakapigil sa pagbuo ng kidney stone.

     

  2. Kumuha ng sapat na calcium

    Para makaiwas sa pagkakaroon ng bato o kidney stone, malaki ang papel ng pagkakaroon ng sapat na calcium sa diet. Ang kakulangan nito ay magdudulot ng pagtaas ng oxalate levels na ikabubuo ng mga bato. Ayon sa isang pag-aaral ang mga lalaking nasa edad 50 pataas ay kailangan ng 1,000 mg ng calcium kada araw at ito naman ay sasabayan ng sapat na Vitamin D para sa calcium absorption.

    Madali lamang mapunan ang calcium sa diet ng Pilipino. Maraming pagkain at sahog sa ating pang-araw-araw na putahe ang mayaman dito. Ilan sa mga ito ay ang gatas, keso, at yogurt. Sa mga gulay, ay pwede itong makuha sa isang tasa ng malunggay.

 

undefined

 

  1. Bawasan ang mga pagkaing mataas sa sodium

    Ang diet na mataas sa sodium ay nakakapagpataas ng posibilidad na magkaroon ng kidney stones ang isang tao. Kailangang limitahan ang pagkakaroon ng sodium sa katawan dahil ito ay nakakapagpadami ng calcium sa ihi. Ayon sa isang pag-aaral, maipapayo na limitahan lamang sa 2,300 mg ang sodium sa daily diet.

    Ito ay hindi gaano kadaling maabot sa diet ng mga Pilipino dahil sa hilig sa maaalat. Dagdag pa riyan ang pagkahilig sa pagkakaroon ng sawsawan kada kainan gaya na lamang ng patis o toyo. Ang mga potato chips at snacks na maaalat ay malakas ring makapagpataas ng sodium sa katawan kaya kailangan itong limitahan.

    Para sa healthier na meryenda, maaaring sumubok ng ilang alternatibo gaya na lamang ng nilagang saging, carrot sticks, o di naman kaya ay oats.

     

undefined

 

  1. Limitahan ang pagkain ng animal protein

    Ang mga protinang mula sa animal products ay nakakapagpataas ng level ng uric acid sa katawan. Makabubuti kung lilimitahan ang pagkain ng karne, isda, manok, at itlog. Ang diet na mataas sa protein ay nakakapagpababa ng citrate sa ihi na pumipigil sa pagbuo ng kidney stone. Hindi lamang ito makabubuti sa bato kundi maging sa blood pressure na rin.

 

Maraming uri ng pagkain na maaaring makapagdulot ng pagkabuo ng kidney stones sa katawan. Ang chocolate, tsaa, at mani ay mayaman sa oxalate samantalang ang softdrinks naman ay mataas ang phosphate, pareho silang makakapagbuo ng kidney stones. Hindi naman kailangang tuluyan ng iwasan ang mga pagkaing nabanggit, ang mahalaga ay ang pagkain sa mga ito moderasyon.

Sources: