Ang kakulangan sa tama at balanseng nutrisyon o malnutrition ang isa sa mga pinakamabigat na problema sa mundo. Pag-isipan ang mga sumusunod na istatistika mula sa World Health Organization (WHO):
- Mahigit 45% ng mga batang namamatay sa buong mundo ay may kinalaman sa malnutrition
- 52 million na bata na nasa edad 5 pababa ay malnourished
- 1.9 billion na tao ay overweight o obese, habang ang 462 million naman ay underweight
Ano ang malnutrition?
Ang malnutrition ay isang kondisyon kung saan sumosobra o nagkukulang sa mahahalagang nutrients ang katawan ng tao. Bata man o matanda, posible maging malnourished kung:
- Mababa ang timbang para sa kanyang edad
- Mababa ang timbang para sa kanyang tangkad
- Pagkabansot o kulang sa tangkad para sa kanyang edad
- Nagkukulang sa mga importanteng micronutrients
- Overweight o sobra sa timbang
- Obese o sobrang katabaan
Ano ang mga sintomas ng malnutrition?
Dapat maging alisto sa mga sumusunod na sintomas para maiwasan ang permanenteng pinsala sa kalusugan ng pasyente:
- Pagbaba ng timbang
- Unti-unting pangangayayat
- Lubog ang pisngi
- Lubog ang paligid ng mga mata
- Abnormal na paglobo ng tiyan
- Fatigue o sobrang kapaguran
- Tuyo at marupok ang buhok
- Tuyong balat
- Mabagal na paggaling ng sugat
- Mabilis magalit o mainis
- Depressed at malungkutin
Ano ang mga causes ng malnutrition?
- Hindi sapat ang kinakain araw-araw o sobra naman ang kinakain araw-araw
- Kulang sa sustansiya ang kinakain araw-araw
- Hirap ang katawan na tunawin ang kinain
- Mga sakit gaya ng Crohn’s disease (pamamaga ng digestive tract), celiac disease (pamamaga at pagkasira ng small intestine)
- Sobrang pag-inom ng alak
- Problema sa pag-iisip. Kapag nakararanas ng depression, maaaring ma-develop ang malnutrition.
Konektado din ang malnutrition sa mga isyung panlipunan gaya ng kahirapan. Kapag hindi kayang bumili ng karne, gulay o prutas, napupunta madalas ang budget sa mga pagkaing kulang sa sustansiya, maaalat at matatamis.
Ano ang mga complications ng malnutrition?
Kapag hindi nabigyan ng kaukulang atensyon ang isang taong malnourished, maaaring ma-develop ang mga sumusunod na problemang pangkalusugan:
- Kawalan ng enerhiya at gana
- Palaging inaantok
- Problema sa paghinga
- Nawawalan ng malay
- Anorexia o kawalan ng gana kumain at pamomrobelma sa timbang
- Sa mga sanggol, hindi makainom o makapagsuso
- Pagsusuka pagkatapos uminom o kumain
- Mahinang immune system o depensa sa mga impeksyon
- Anemia. Para ma-check ang anemia, ikumpara ang kulay ng palad ng pasyente sa ibang tao.
- Matinding dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan
- Nagbibiyak at nagbabalat na skin
- Kombulsyon
- Hypoglycemia o mababang blood sugar
- Pagkakaroon ng mataas na lagnat (38.5°C pataas)
- Pagkakaroon ng sobrang babang temperatura (35.0°C pababa)
Paano matutulungan ang taong malnourished?
Kumunsulta agad sa doktor para maagapan ang pinasalang dulot ng malnutrition. Sa tulong ng espesyalista gaya ng dietitian, kailangang magkaroon ng mga pagbabago sa diyeta at sa araw-araw na pamumuhay.
Para sa mga bata, maaaring irekomenda ng doktor ang paggamit ng mga sumusunod:
Paano maiiwasan ang malnutrition?
- Ugaliin ang pagkain ng tama at balanse. Mas mainam kung sisimulan ang ganitong ugali sa pagkabata.
- Kumain kasama ang pamilya o mga kaibigan. Makakatulong ito sa pagpapalakas ng gana kumain.
- Pansinin ang estado ng kalusugan ng pamilya. Ilapit agad sa doktor kapag may mga sintomas ng malnutrition.
- Imbis na chichiria, gawing snack ang mga prutas
- Gawing regular ang pag-ehersisyo
- Gumamit ng mga food supplement na ayon sa payo ng doktor
IMPORTANTE: Kumunsulta muna sa doktor bago bumili at gumamit ng anumang gamot.
References:
https://childhealthcare.co.za/nutrition/protein-energy-malnutrition/what-are-the-complications-of-severe-malnutrition/
https://www.unicef.org/nutrition/index_sam.html
https://motherchildnutrition.org/malnutrition-management/info/medical-complications.html
https://reference.medscape.com/features/slideshow/malnutrition
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK361900/table/part2.ch11.sec4.table3/
https://www.unicef.org/press-releases/2018-global-nutrition-report-reveals-malnutrition-unacceptably-high-and-affects
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/malnutrition
https://www.healthline.com/nutrition/malnutrition#prevention-and-treatment
https://familydoctor.org/preventing-malnutrition-in-older-adults/