Ngayong buwan ng pag-ibig, madaming magkasintahang nais makipagdate upang ipagdiwang ang natatanging buwan ng mga puso. Madaming gustong lumabas at kumain sa mga magagandang restaurant ngunit may ibang couples din naman na gusto lang manatili sa bahay at magluto ng mga healthy na pagkain. Bukod sa mga ulam, swak na swak ang mga desserts dahil sa tamis na dala nito sa mga relasyon, lalo na kung gagawin ito para sa minamahal.
- Strawberry Oatmeal Cookies
Ingredients:
- Isang (1) tasa ng instant oats
- ¾ tasa ng whole wheat flour
- 1 ½ kutsarita ng baking powder
- 1 kutsarita ng ground cinnamon
- â…› tsp salt
- 2 kutsara ng unsalted butter, tinunaw
- 1 itlog
- 1 kutsarita ng vanilla extract
- Kalahating (½) tasa ng honey
- ¾ tasa ng frozen unsweetened whole strawberries na nakahiwa na
Ihalo sa isang mangkok ang oats, flour, baking power, cinnamon, at asin. Sa isa pang mangkok, ihalo ang butter, itlog, at vanilla at haluan ng honey. Ipaghalo ang dalawang mixture at imasa ito. Ilagay ang strawberries sa mixture ng maigi. Palamigin ito ng isang oras sa ref.
Initin ang oven ng 325 degrees fahrenheit at lagyan ng baking sheet ang baking pan.
Ilagay ang cookie dough sa baking pan ng labinganim (16) na pabilog na scoop. Pantayin ang distansya ng bawat scoop sa isa't isa. Ibake ito ng 325 degrees fahrenheit ng 14-17 na minuto. Palamigin ang cookies sa baking pan ng 10 minute.
Ang Strawberries ay isang magandang pagkuhanan ng Vitamin C at K. Sagana din ito sa fibre, folic acid, manganese, at potassium. Makakatulong ang strawberries sa digestion at pangalagaan ang blood pressure, cholesterol, at blood sugar.
Mayaman naman sa carbs at fiber ang oats. Mas mataas din ang dalang protein nito kumpara sa ibang grains. Mataas din ito sa mga vitamins minerals, at antioxidants. Makakatulong ang oats sa pagbaba ng blood pressure, cholesterol, at blood sugar.
2. Chocolate Coconut Clusters
Image from Pexels
Ingredients:
- 1 (5 oz) bag Flaked or shredded coconut- unsweetened
- â…“ tasa ng coconut oil
- ½ tasa ng almond butter
- 1 kutsarita ng vanilla
- 1 tasa dark chocolate chocolate chips
Sa isang mangkok, ihalo ng mabuti ang coconut flakes, vanilla, coconut oil, at butter. Gamit ang kamay, ihulma ang mixture ng 1 inch na bilog at ilagay sa plato. Palamigin ang mixture sa ref hanggang sa tumigas ito.
Kapag tumigas na ito, tunawin ang chocolate na may 1 kutsarang coconut oil. Ilubog ang mga nahulmang mixture sa chocolate at ilagay sa plato. Palamigin ang mga ito sa ref at kainin kapag malamig na.
Mayaman sa protein, fiber, at good fats ang coconut flakes. Nakakatulong ang coconut oil sa pangangalaga sa balat at sa weight loss. Pinapalakas din nito ang immune system at tumutulong sa pag-iwas sa high cholesterol at high blood pressure. Puno naman magnesium at antioxidants ang dark chocolate na nilalabanan ang iba’t ibang diseases.
3. Strawberry Fro-Yo Cupcakes
Image from Pixabay
Ingredients:
- 1½ tasa ng cookies
- 2 kutsara ng tinunaw na butter
- 4 na tasa ng nonfat vanilla frozen yogurt
- 2½ tasa ng hiniwang strawberries
Dikdikin ang mga cookies hanggang maging pino ito. Ilagay sa isang mangkok at ihalo ang tinunaw na butter. Sa 12 baking cups, lagyan ng isang kutsarang mixture sa ibaba ng bawat tasa. Siguraduhin na dikit dikit ito at walang nakaumbok.
Ilagay naman ang yogurt at strawberries sa isang blender hanggang sa maghalo ito at maging pino ang mga strawberries. Lagyan ang bawat baking cup ng 1/4 na tasa ng mixture ng yogurt. Lagyan ng halahating slice ng strawberry sa itaas. Palamigin kita hanggang sa tumigas ito.
Dahil gawa sa gatas ang yogurt, meron itong calcium, vitamin B-2, vitamin B-12, potassium, at magnesium. Merong din Probiotics ang yogurt na natural na nakikita sa digestive system na makakatulong hindi lamang sa digestion kung hindi ay sa immune system din. Nakakatulong din ang yogurt sa pag-iwas sa Osteoporosis at ibaba ang risk ng pagkakaroon ng high blood pressure.
Hindi kailangan ng asukal para punuin ng tamis ang buwan ng mga puso. Madaming alternatibong para upang makagawa ng healthy desserts na magugustuhan ng iyong loved one. Isang magandang paraan upang maiparamdam ang pagmamahal sa kasintahan ay sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalusugan ng isa’t isa.
Sources:
https://amyshealthybaking.com/blog/2015/04/10/strawberry-oatmeal-cookies/
https://www.healthline.com/nutrition/9-benefits-oats-oatmeal#section2
https://www.bbcgoodfood.com/howto/guide/ingredient-focus-strawberries
https://wellnessmama.com/1779/chocolate-coconut-clusters/
https://www.webmd.com/food-recipes/features/benefits-yogurt
https://www.organicfacts.net/health-benefits/oils/health-benefits-of-coconut-oil.html
http://www.eatingwell.com/recipe/257675/strawberry-fro-yo-cupcakes/
https://www.healthline.com/nutrition/7-health-benefits-dark-chocolate#section5