Ang sirkulasyon ng dugo sa katawan ng mga tao ay mahalaga para mapanatili ang malusog na pangangatawan. Pinoprotektahan din ng dugo ang katawan laban sa mga pathogens na nagiging sanhi ng pagkakasakit. Sinasabing tinatayang 7 porsiyento ang volume ng dugo ang nasa katawan ng isang tao. Ang dugo ay binubuo ng plasma, red blood cells, white blood cells at blood platelets
Ang plasma ang naghahatid ng blood cells sa buong katawan. Pinapatili nito na normal ang blood pressure at nire-regulate nito ang temperatura ng katawan. Ang red blood cells ang siyang nagdadala ng oxygen at carbon dioxide. Ang white blood cells na tinatawag ding leukocytes o leucocytes ay mga cells ng immune system na nagproprotekta sa katawan laban sa mga nakakahawang sakit. Ang red blood cells ang may pinakamaraming bilang ng blood cells, na humigit-kumulang na 5,000,000 bawat cubic microliter. Ang hemoglobin naman ay isang iron-rich protein na matatagpuan sa red blood cells at responsible sa pagdadala ng oxygen sa buong katawan. Kinakailangan na may normal na antas ng hemoglobin sa iyong dugo upang mapanatili at maayos ang iyong katawan. Kapag bumaba ang antas ng hemoglobin, maaari itong maging sanhi ng kahinaan, pagkapagod, sakit ng ulo, kahirapan sa paghinga, pagkahilo, pawawalan ng gana at mabilis na tibok ng puso. Kung ang antas ng hemoglobin ay makabuluhang bumababa, ang kalagayan ay maaaring masuri bilang anemya at ang mga sintomas ay maaaring maging malubha. Ang pangunahing tungkulin naman ng blood platelets ay ang pagpigil ng pagdugo kapag nagkasugat ang isang tao.
Foods for the blood
Ilang paraan sa pagpapanatili ng malusog na dugo ay ang pag-eehersisyo, paghinga ng malalim at pag-inom ng maraming tubig para ma-replenish ang dugo. Nakasalalay din sa tamang pagkain ang pag-iwas sa pagkakaroon ng malusog na dugo. Ito ang ilan sa mga pagkain kailangan ng iyong katawan para sa malusog na dugo
1. Pagkaing mayaman sa iron - pinakakaraniwang sanhi ng mababang antas ng hemoglobin. Narito ang ilan sa mga pagkaing mayaman sa iron. Mga gulay tulad ng Spinach, Tofu, Asparagus, Broccoli, Green Peas, kamatis, Bell Pepper, Cauliflower, Potato at mga prutas tulad ng Watermelon, Apple, aprikot, Orange, Strawberries, Papaya, Banana, Peach, Guava, Lychee, Kiwi. Marami ding iron sa mga itlog, oyster, clams, seafood, mani, at raisins.
2. Pagkaing mayaman sa Vitamin C - Ang mga prutas gaya ng dalandan, sintores, suha at kalamansi ay kilala sa pagkakaroon ng mataas na lebel ng Vitamin C. Kinakailangan ito para magamit ng mabuti ng ating katawan ang mineral na iron. Ang mga gulay na berde at madahon, tulad ng spinach at mustasa, ay mayaman din sa mga bitamina lalo na sa Vitamin C. Maaring makakuha ng hanggang 120 mg na Vitamin C sa isang kainan.
3. Folic Acid-Rich Foods - Ang Folic acid o Vitamin B9, ay ang B-complex vitamin na tumutulong sa katawan para makabuo ng bagong healthy red blood cells. May mga tinapay, cereals at green leafy vegetables tulad ng kale, spinach, dried beans, peas at nuts na nagtataglay ng folic acid
4. Oatmeal – May mataas na fiber at mababang sodium way na nagpapababa ng blood pressure. Ang pagkain ng oatmeal sa almusal ay magandang source ng energy na kailangan buong araw.
5. Papaya – Ang papaya ay ang pinaka inirerekomendang prutas upang maatupok kapag ang platelets ay nasa mababang antas. Bukod sa pagkain ng hinog na papaya, maaari ring uminom ang samut-sari na ginawa mula sa mga dahon ng papaya. Ito rin ay kapaki-pakinabang sa pagtaas ng platelets ng dugo.
6. Pagkaing mayaman sa protina at isda – Ang pag kain ng mga pagkaing mayaman sa protina ay nakakatulong upang ang produksyon ng platelets. Ito din ay isang mahusay na pinagmumulan ng Vitamin B - 12 at zinc. Ang pagkain din ng isda at pagkaing maprotina ay nakakatulong upang mapalakas sa immune system ng katawan. Mga isda at karne na mayaman sa protina ay ang mga alimango, karne ng baka, pabo, manok. Isama ito sa iyong diyeta dahil ang mga pagkaing ito ay mayaman at pinagmumulan ng protina at zinc.
7. Sesame Oil - Ang Sesame Oil ay kapaki-pakinabang sa pagpapataas ng produksyon ng platelets ng dugo. Binabawasan nito ang mga pinsala mula sa free radicals, at nagpapabuti sa sirkulasyon ng dugo Maaaring uminom ng 1 hanggang 2 tablespoons ng sesame oil ng dalawang beses sa loob ng isang araw. Ang paggamit ng sesame oil para sa pagluluto ay din ng isang magandang ideya.
Kailangan ng ating katawan ang mineral na iron para sa pagbuo ng malusog na dugo at paggawa ng “antibodies” o mga panlaban sa impeksyon kaya kumain tayo ng mga pagkaing mayaman sa iron tulad ng atay, karne, pula ng itlog o eggyolk at mga lamang-loob. Tandaan na palagiang isama ang mga pagkaing mayaman sa mineral na iron at Vitamin C para maiwasan ang anemia sa mga bata at sa buong pamilya. Pag-iwas sa pamamagitan ng healthy lifestyle lalo na ang pag-kain ng wasto.
Para sa magandang daloy at kalusugan ng ating dugo, maaaring magpunta sa link na ito: https://www.ritemed.com.ph/products/rm-ferrous-sulfate-folic-acid-300-mg-250-mcg-tablet
Reference:
https://food.ndtv.com/food-drinks/how-to-increase-hemoglobin-7-natural-ways-1620466
http://blog.naturalhealthyconcepts.com/2013/03/27/best-foods-for-anemia-and-building-blood-infographic/
https://www.webmd.com/diet/features/food-for-your-blood#1
https://www.healthline.com/health/how-to-increase-red-blood-cells