Bakit mahalaga ang pagkain ng prutas at gulay?
July 30, 2018
Nutrition Month nanaman mga Rite Mommies! Sa ika-44 na taon ng pagdiriwang ng Nutrition Month o Buwan ng Nutrisyon, ang napiling tema ay “Ugaliing magtanim, Sapat na nutisyon aanihin!” Layunin ng ng National Nutrition Council na turuan ang mga bata ng kahalagahan ng pagtatanim at kung paano ito makakatulong sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan.
Ang pagkain ng prutas at gulay ay mahalaga dahil ito ay nagbibigay satin ng iba’t-ibang vitamins at mineral o ang tinatawag na micronutrients. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkain ng sapat na prutas at gulay ay nakakatulong sap ag-iwas ng maraming uri ng sakit, tulad ng cardiovascular diseases at cancer. May mga gulay rin na nakakatulng sa pagpapabuti ng gastrointestinal health at nagpapalinaw ng mata. Ngunit ano nga ba ang sapat na dami ng prutas at gulay na kailangan kainin para maging healthy ang mga kids?
Noong 2012, naglabas ang Department of Science and Technology (DOST) ng mas bagong Food Pyramid o Daily Nutritional Guide Pyramid. Layunin ng DOST ang masigurado na magkakaroon ng balanced diet ang mga Pilipino para makakuha tayo ng tamanagn nutrisyon mula sa mga pagkain. Mayroong iba’t-ibang pyramid o food guide depende sa edad. Para sa article na ito, magfofocus tayo sa food pyramid para sa mga toddlers (o mga batang may edad 1 hanggang 6) at mga kids (o mga batang may edad 7 hanggang 12).
Food Pyramid Para sa Mga Toddlers (1-6 Years Old)
From: http://www.fnri.dost.gov.ph/images/images/nutristat/1-6body.jpg
Kung makikita sa larawan sa itaas, ang prutas at gulay ay nasa ikatlong baiting ng food pyramid. Ang ibig saabihin nito ay ang prutas at gulay ay ang ikatlong pinakaraming pagkain na dapat kainin. Nangunguna ang paginom ng tubig kung saan kailangan uminom ng 4 hanggang 7 baso ng tubig kada araw ang ating mga toddlers. Pangalawa naman ang pagkain ng mga pagkain mayaman sa carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, at mga root crops (halimbawa: kamote at mais).
Pagdating sa gulay, rinerekomenda na kumain ng isang serving (1/2 cup) ng cooked leafy vegetable at isang serving (1/2) ng ibang gulay. Halimbawa ng leafy vegetable ay ang mga sumusunod: cabbage, lettuce, malunggay, pechay, at talbos ng kamote. Kabilang naman sa ibang gulay ay ang carrots, eggplant o talong, sayote at kalabasa.
Para sa fruits, payo ng DOST na pakainin ang ating mga anak na may edad 1-6 yeard old ng isang serving o medium-sized na prutas na mayaman sa Vitamin C tulad ng guava, pineapple, kiwi, papaya, mangoes, at orange. Bigyan din sila ng isang serving o medium-szed na ibang prutas tulad ng saging, mansanas, at grapes.
Para maiwasan ang obesity, dapat din i-encourage ang ating mga anak ng magkaroon ng regular na ehersisyo sa pamamagitan ng paglalaro o pagtakbo. Irinerekomenda parin ng mga eksperto ang pag-breastfeed ng ating mga anak hanggang sa dalawang taon gulang. Ang pagkain na nabanggit sa itaas ay dapat isabay sa pag-breast feed para lalong mapalakas at mapaganda ang paglaki ng ating mga anak.
Food Pyramid Para sa mga Kids (7-12 years old)
From: http://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/tools-and-standard/nutritional-guide-pyramid#kids-7-12yrs-old
Ang food pyramid guide para sa mga batang may edad 7 hanggang 12 na gulang ay halos pareho sa food guide para sa mga toodlers. Ang pagkakaiba nito ay ang sapat na dami ng carbohydrates, protein, sweets, oils at tubig. Pagdating sa prutas at gulay, irinerekomenda parin ang sumusunod: isang serving (1/2 cup) ng cooked leafy vegetable, isang serving (1/2) ng ibang gulayisang serving o medium-sized na prutas na mayaman sa Vitamin C tulad ng guava, pineapple, kiwi, papaya, mangoes, at orange, at isang serving o medium-szed na ibang prutas tulad ng saging, mansanas, at grapes.
Mahalagang tandaan na walang prutas o gulay ang nagtatagalay ng lahat ng kinakailangan bitamina o mineral. Mas mainam ang pagkain ng iba’t-ibang uri ng prutas at gulay para makakuha ng iba’t-ibang micronutrients. Kaya lang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapapakin natin ang ating mga anak ng sari-saring prutas at gulay, lalo ng kung pihikan ang mga ito.
Sa mga ganitong pagkakataon, maaring makatulong ang mga food supplements at over-the-counter medicines para masiguradong makakatanggap ng sapat na bitamina at mineral ang ating mga anak. Ang mga multivitamins ay nagtataglay ng iba’t-ibang vitamins and minerals para mapunan ang kulang na micronutrients. Ang halimbawa nito ay ang Ritemed Multivitamins + CGF. Sa itong multivitamin syrup na may Chlorella Growth Factor na nakakatulong din magpatangkad. Mayroon din naming mga supplements na nakafocus sa pagbibigay resistensya lalo na kung hindi nakakakuha ng sapat na Vitmain C ang iyong anak. Halimbawa niyo ay ang Ritemed Ascorbic Acid, na may 100mg ng Vitaminc C sa bawat 5ml serving, at ang Ritemed Zinc-C na may vitamin C at Zinc para pampalakas ng immune system. Sa kabila ng mga ito, mas mainaman na kumonsulta muna sa doktor, bago painumin ng mga vitamins at minerals ang ating mga kids.
Sources:
http://www.dilg.gov.ph/events/Nutrition-Month/587
https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/what-should-you-eat/vegetables-and-fruits/
http://www.fnri.dost.gov.ph/index.php/tools-and-standard/nutritional-guide-pyramid#toddler