Back-to-school na naman mga Rite mommies! Handa na ba ang mga baon para sa iyong mga kids?
Ang home-made baon ay nakakatulong para masigurado na masustansya ang kinakain ng iyong kids habang siya ay nasa school. Kadalasan ay mas nakakatipid din kung ikaw ang baon ay home-made. Kaya gumawa kami ng easy recipes na may kasamang estimated costs. Paalala lang na ang mga presyo na nakalagay sa article na ito ay base sa mga presyo ng bilihin ngayong June 2018.
Narito ang iilang baon recipes para sa iyong mga kids:
Hamburger Mac & Cheese
Mahilig ba sa pasta ay iyong anak? Subukan ang recipe na ito na mayaman sa carbohydrates, protein at calcium. Ang recipe na ito ay kid-approved at magugustuhan din ng ibang miyembro ng pamilya.
Ingredients:
4 na burger patty
200 g or 2 cups ng Elbow Macaroni
2 tablespoons o kutsara ng butter o margarine
2 tablespoons o kutsara ng all-purpose flour or harina
2 cups ng milk o gatas
200 g ng cheese, grated
Salt & Pepper, to taste
Steps:
- Sa isang saucepan o kaldero, pakuluan ang elbow macaroni. Lagyan ng konting asin o oil para hindi ito dumikit. Pakuluan hanggang ma-luto o sundan ang instructions sa packaging.
- Habang linuluto ang macaroni, ilagay sa bowl at i-mash ang apat (4) na burger patty.
- Sa isang saucepan o kaldero, ilagay ang butter at lutuin dito ang mashed burger patties.
- Kapag luto na ang burger, ihalo ang flour o harina habang patuloy na hinahalo.
- Dahan-dahan na ihalo ang milk o gatas. Haluin hanggang kumulo.
- Idagdag ang cheese o keso. Haluin ng dahan-dahan hanggang matunaw ang cheese ng tuluyan. Hayaang maluto ng mga limang minuto.
- Idagdag ang nalutong macaroni at haluin ng maigi. Dagdagan ng salt o asin at pepper o paminta kung kinakailangan.
- Serve. Ang recipe na ito ay para sa apat na servings.
Estimated Cost:
Burger patty - Presyo ng 6 na piraso na Burger Patty = Php 49.50. Presyo para sa 4 na piraso na burger patties = Php 33.00
Elbow Macaroni - Presyo ng 200g na elbow macaroni = Php 34.25
Margarine - Presyo ng 225g na margarine = Php 37.80. Presyo ng 2 kutsara (28.3g) ng margarine = Php 4.73
All-purpose Flour - Presyo ng 200 g ng flour or harina = Php 25.00. Presyo ng 2 kutsara (28.3g) ng harina = Php 3.57
Milk - Presyo ng 1 Litro ng gatas = Php 62.25. Presyo ng 2 cups (470ml) ng gatas = Php 29.25
Cheese - Presyo ng 200 g na cheese = Php 44.50
Total Cost para sa buong recipe (4 servings) = Php 149.30.
Peanut Butter Sandwich
Photo from https://pixabay.com/en/bake-board-bread-breakfast-brown-1239113/
Alam mo ba na masustansya ang peanut butter? Mayaman ang peanut butter sa healthy fats na nakakatulong sa pag-iwas ng heart disease. Mayroon din itong protina na nakakatulong sa pagbuo ng muscles. Basta siguraduhin lamang na ang bibilhing peanut butter ay mababa sa sugar at walang added trans fat.
Gumamit ng whole wheat bread dahil ito ay may whole grains na mayaman sa fiber, vitamins at minerals. Nakakatulong ito para mapabuti ang digestion.
Ingredients:
1 Tablespoon o kutsara of Peanut Butter
2 Piraso ng Wheat Bread
Steps:
- I-spread ang peanut butter sa tinapay para gumawa ng sandwich.
- Ibalot sa tissue at ilagay sa baunan.
Estimated Cost:
Peanut Butter - Presyo ng 170 g Peanut Butter = P 68.25. Presyo para sa 1 tablespoons o 16g = Php 6.83
Whole Wheat Bread - Presyo ng 600g na Whole Wheat Bread = Php 69.00. Presyo ng 2 piraso = Php 8.63
Total Cost: Php 15.46
Fried Ham & Cheese Sticks
Sawa na ba ang inyong anak sa nakasanayang ham & cheese sandwich? Subukan ang recipe na ito para sa kakaibang paraan ng paghanda sa nakasanayang baon o merienda.
Ingredients:
4 na piraso ng loaf bread o tinapay
4 na slices ng ham
4 na slices ng cheese o keso
1 egg o itlog, beaten
Bread crumbs
Steps:
- Gamit ang rolling pin o kamay, pitpitin ang bread o tinapay.
- Pag ito ay naging manipis na, ipatong sa tinapay ang ham at cheese.
- I-roll ang tinapay na may ham & cheese para magmukha itong stick. Lagyan ng toothpick para hindi ito bumukas habang linuluto.
- Isawsaw ang rolled sandwich sa itlog.
- Balutin ito ng bread crumbs.
- I-prito.
- Serve. Ang recipe na ito ay makakagawa ng 4 na sticks.
Estimated Cost:
Loaf Bread - Presyo ng buong loaf bread (450 g o mga 15 na piraso) = Php 35.00, Presyo ng 4 na piraso = Php 10.00
Ham – Presyo ng isang pack (250 g) na Ham = Php 74.00. Presyo ng 4 na piraso o slices = Php 29.60
Cheese – Presyo ng 250g ng singles cheese (22 slices) = Php 65.00. Presyo ng 4 na slices ng cheese = Php 11.82
Egg – Presyo ng isang dosenang itlog = Php 80.00; Presyo ng isang itlog = Php 6.67
Bread Crumbs – Presyo ng 100g na bread crumbs = Php 14.50
Total Cost = Php 72.59
May mga alam din ba kayong easy-to-make tipid recipes? Share niyo rin mga Rite Mommies!
Sources:
https://www.webmd.com/food-recipes/features/nutty-about-peanut-butter#1
https://www.healthline.com/nutrition/9-benefits-of-whole-grains#section3
https://www.medicalnewstoday.com/articles/270680.php
https://www.medicalnewstoday.com/articles/271157.php
https://www.healthline.com/nutrition/10-proven-benefits-of-cinnamon#section12
https://www.healthline.com/nutrition/10-proven-benefits-of-cinnamon
https://www.honestbee.ph/en/groceries/stores/robinsons