Ketogenic Diet: Mabuti Nga Ba sa Tao ang Ultimate Low-Carb Diet na Ito?
Maraming tao ang sumusubok ng iba’t ibang diet plans tulad ng intermittent fasting at keto diet upang magbawas ng timabang. Ang mga taong naghahanap ng mabilis na paraan upang pumayat ay pinipili ang ketogenic diet.
Ang keto diet ay ang dahilan kung bakit nagre-release ang katawan ng ketones sa daluyan ng dugo. Karamihan sa mga cells ay gumagamit ng blood sugar na galing sa carbohydrates, ang pangunahing pinanggagalingan ng enerhiya. Kapag nawalan ng supply ng blood sugar mula sa pagkain, mag-uumpisa nang matunaw ang mga naipong taba sa molecules na tinatawag na ketone bodies. Ketosis ang tawag sa prosesong ito.
Sa sandaling umabot na sa ketosis, karamihan sa mga selula ang gagamit ng ketone bodies upang makabuo ng enerhiya hanggang sa magsimula na ulit kumain ng carbohydrates.
Kapag kumain ng 20 hanggang 50 gramo ng carbohydrates bawat araw, aabutin ng dalawa hanggang apat na araw bago lumipat sa paggamit ng glucose upang tunawin ang naipong taba para pagkunan ng enerhiya. Tandaan, ito ay prosesong indibidwal, at kailangan ng ibang tao ng limitadong diet upang simulan ang paggawa ng sapat na ketones.
Mabuti ba sa katawan ang Ketogenic Diet?
May mga ebidensya na nagpapakitang binabawasan ng ketogenic diet ang kaso ng seizure sa mga bata, at minsan ay kasing epektibo ito ng paggamit ng gamot.
Ang pagbabawas ng timbang ang pangunahing dahilan ng mga pasyente sa paggamit ng ketogenic diet. Ayon sa pag-aaral, mas mabilis bumaba ang timbang ng mga gumagamit ng ketogenic o very low carb diet kumpara sa mga gumagawa ng tradisyunal na low-fat diet o kahit ang Mediterranean diet. Gayunpaman, ang pagkakaiba-iba sa pagbaba ng timbang ay tila nawawala sa paglipas ng panahon
Sa loob ng maikling panahon,napapabuti din ng ketogenic diet ang pagkontrol ng blood sugar ng mga pasyenteng may type 2 daiabetes. May mas higit pang kontrobersiya kung isasaalang-alang ang epekto nito sa cholesterol level. May ilang pag-aaral na nagpapakita na tumataas ang cholesterol level ng ibang pasyente sa simula, at makikita ang pagbaba nito pagkalipas ng ilang buwan. Gayunpaman, walang pangmatagalang pag-aaral tungkol sa epekto nito sa diabetes at high cholesterol.
Mga benepisyong maaaring makuha sa Keto Diet
Ang keto food o keto diet ay maituturing na mainam na alternatibo upang lunasan ang ilang kondisyon at pabilisin ang pagbabawas ng timbang. Subalit mahirap itong gawin o sundin. Ang mga keto diet recipe ay mayaman sa red meat at mga pagkaing matataba, maaalat, o processed.
Wala pa ring kasiguraduhan pagdating sa pangmatagalang epekto sa katawan ng keto diet. Ang ilan sa mga sumubok nito ay nahirapang gawing consistent ang pagkain ng mga putaheng mayaman sa protina at fats. Samakatuwid, ang keto diet ay hindi para sa lahat. Mas mainam na pumili ng diet plan na mas angkop sa iyo o inirekomenda ng iyong doktor o fitness trainer.
Upang masigurong magiging maganda ang resulta ng pagpapapayat, piliin ang masustansiyang diet na mayaman sa sariwang prutas, laman ng karne, isda, mga butil, mani, seeds, at oilive oil. Ugaliing uminom ng maraming tubig upang mapanatili ang kalusugan at magkaroon ng mahabang buhay. Kung kinakailangan, uminom din ng supplements na nakakapagpagana sa pagkain. Humingi ng gabay sa doktor kung nahihirapang magbawas ng timbang o kung naghahanap ng amga alternatibong paraan upang pumayat.
reference:
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK499830/
https://www.health.harvard.edu/blog/ketogenic-diet-is-the-ultimate-low-carb-diet-good-for-you-2017072712089