Ang Mga Health Benefits Mula ng Pipino

September 04, 2020

Bagaman marami ang nag-aakalang ang pipino ay isang gulay, ito ay nabibilang sa kategorya ng prutas.

 

Sa katunayan, isa ito sa mga prutas na kinokonsidera na may mataas na beneficial nutrients, plant compounds at antioxidants na sinasabing epektibong panggamot at pang-pigil sa ilang mga health conditions.

 

Bukod doon, ang pipino ay low in calories at mayaman sa soluble fiber at tubig, dahil dito ang prutas na ito ay kilala bilang epektibong pagkain para mapanatili ang tamang hydration sa katawan at nakakatulong sa weight loss.

 

Ngunit hindi lang yan ang benefits ng pipino, marami pa itong mga nagagawa na nakakatulong sa kalusugan at pangkalahatang kondisyon ng iyong katawan.

 

Narito ang ilan sa mga cucumber nutrition facts na kailangan mong malaman.

 

Hydration

 

Ang pipino ay naglalaman ng 90% to 95% na tubig, kabilang dyan ay ang isang uri ng electrolytes na siyang nagpapanatali ng tamang lebel ng hydration ng ating katawan. Kadalasang nakararanas ng dehydration dahil sa kakulangan ng tubig tuwing mainit ang panahon o pagkatapos mag-ehersisyo.

 

Sa mga taong hindi madalas uminom ng tubig, ang paglalagay ng pipino at dahon ng mint ay makakatulong para mas maging kaaya-aya ito sa panlasa. Makakatulong rin ang pag-inom ng cucumber shake upang maging hydrated.

 

Ang pagiging hydrated ay mahalaga upang mapanatiling nag-fu-function ng normal ang iyong intenstine. Bukod dyan, makakatulong din ang pag-inom ng tubig o infused water para maiwasan ang constipation, pagkakaroon ng kidney stones at marami pang iba.

 

Ang pipino ay isa sa mga epektibong pagkain na makakatulong sa pag-papanatiling ikaw ay laging hydrated.

 

Pagpapatibay ng Buto

 

Isa pa sa mga health benefits na makukuha sa pipino ay ang kakayahan nitong tulungan ang pag-develop ng mga buto sa iyong katawan. Ang pipino ay isa sa mga gulay na mayaman sa Bitamina C at K.

 

Ang bitamina K ay mahalagang component upang mapanatili ang tamang lapot (coagulation) ng dugo. Ito ay nakakatulong na pag-igihin ang pag-absorb ng calcium sa katawan.

 

Ang bitamina C naman ay mahalagang sangkap sa paglikha ng collagen. Importante ito sa pagbuo ng bone matrix iyong bone matrix at pag-promote ng magandang pagtubo ng buhok at mga kuko.

 

Vitamin K helps improve calcium absorption. Together, these nutrients can contribute to good bone health.

 

Kasama ng bitamina C at K, ang pipino ay mayaman din sa  Vitamin D na mahalaga din sa pang-kabuuang kalusugan ng buto. Kung kaya’t importante na makakuha ng sapat na supply ng mga ito.

 

Panlaban sa Kanser

 

Ang pipino ay nabibilang sa pamilya ng Cucurbitaceae na uri ng mga halaman na sinasabing nagtataglay ng mataas na lebel ng bitter-tasting na nutrients na tinatawag rin na cucurbitacin.

 

Ayon sa isang artikula na nilathala ng Internation Journal of Health Services, ang cucurbitacins ay may kakayahang labanan ang pag-develop ng cancer dahil pinipigilan nito ang pagdami ng mga cancer cells.

 

Ang 133 grams na cup ng nahiwang cucumber ay naglalaman ng 1 gram ng fiber. Ang fiber naman ay nakakatutulong protektahan ang katawan laban colorectal cancer.

 

 

Antioxidant

 

Ang antioxidant ay isang compound na nag-pro-protekta sa iyong katawan laban sa free radicals na maaaring maging sanhi ng sakit sa puso, cancer, at iba pang mga nakamamatay sakit.

 

Bukod pa dyan, ang oxidative stress na sanhi ng free radicals ay ini-uugnay sa pagkakaroon ng lung at mga autoimmune disease

 

Ang mga prutas at gulay, tulad ng pipino at zucchini, ay sinasabing isa sa mga pinagmumulan ng mga beneficial oxidants. Ang mga ito ay nakakatulong para mabawasan ang posibleng pagkakaroon ng mga nasabing kondisyon.

 

Isang pag-aaral ang isinagawa upang makita ang kahalagahan ng pagkain pipino sa mga taong edad 30 pataas. Ang lahat ng kalahok sa nasabing pag-aaral ay binigyan ng cucumber powder. Matapos ang research na tumagal ng 30 araw, nakita na ang cucumber powder ay nakatulong pataasin ang antioxidant level sa katawan ng mga sumailalim sa nasabing pag-aaral.

 

Sa isa pang research ang ginawa upang suriin ang mga antioxidant properties ng pipino, nadiskubre sa nasabing test-tube study na ang prutas ay mayroong flavonoids at tannins. Ang dalawang compounds na ito ay sinasabing ilan lamang sa mga epektibong antioxidant element na humaharang sa free radical.

 

Kontra Diabetes

 

Sinasabing ang pipino ay may kakayahang makontrol at maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes. Mayroon itong mineral or substance na pinaniniwalaan na makakatulong mapanatili sa tamang lebel ang blood sugar ng isang tao.

 

Isang paniniwala na ang cucurbitacins, nutrient na matatagpuan sa pipino, ay nakakatulong maipasaayos ang metabolismo ng katawan at ang pag-release ng insulin nito.

 

Nadiskubre pa sa isang pag-aaral na ang balat ng pipino ay naging epektibong gamot upang makontrol ang ilan sa mga sintomas nito.

 

Ang fiber rin, na matatagpuan sa pipino, ay nakatutulong pag-iwas at pag-kontrol ng type2 diabetes. Ito ay ayon sa American Heart Association (AHA).

 

Makinis na Kutis

 

Maliban sa mga benepisyo nito sa kalusugan, napatunayan din na ang pipino ay epektibong sangkap upang makamit ang makinis at magandang kutis.

 

Sa katunayan, ang pipino ay isa sa mga pangunahing sangkap sa mga beauty products ngayon. Sinasabing ang pipino ay natural moisturizer dahil sa pagiging matubig nito. Bukod pa dyan, nakakatulong din ito para maiwasan ang acne breakout. Nalalabanan din nito ang early signs of aging, katulad ng wrinkles at fine lines sa mukha.

 

Ang paggamit nito bilang face pack ay makakatulong upong maiwasan ang pamamaga (puffiness) ng mukha at pagkakaroon ng eyebags. Ugaliing komunsulta sa doktor para kung ano mang uri ng allergies bago gamitin ang pipino sa face pack upang maiwasan ang ano mang uri ng side effects dulot ng alleriges.

 

 

Anti-Inflammatory

 

Ang pipino ay mayroon ding inflammatory benefits. Ang inflammation (pamamaga) ay isang paraan ng katawan upang labanan ilan sa mga bagay na nagdudulot ng injury sa isang tao. Ngunit, ang sobrang pamamaga naman ay maaaring maging sintomas ng iba’t-ibang sakit.

 

Upang maiwasan ang mga ito, ipinapayo ng mga doktor at mga eksperto ang pagkain ng pipino. Ito ay dahil na rin sa antioxidant component nito.

 

Ito ay ilan lamang sa mga kagandahang idinudulot ng pagkain ng pipino. Ugaliing kumain ng prutas at gulay kasabay ng pag-obserba sa iyong diet upang mabawasan ang tsansa ng pagkakaroon ng mga chronic diseases. Bukod pa rito, maglaan ng sapat na oras sa pag-e-ehersisyo. Ang pagsunod nito ay gumagarantiya na ikaw ay magkakaroon ng masigla, malusog at malakas na pangangatawan.

 

 

Sources:

https://www.medicalnewstoday.com/articles/283006#benefits-

https://www.healthline.com/nutrition/7-health-benefits-of-cucumber#section8