7 Snack Ideas Para sa Mahabang Biyahe

May 22, 2018

May naka plano ka na bang byahe ngayong summer? Mapa road travel man yan o plane travel, may mga pagkakataon na naiipit tayo sa byahe. Mahabang pila, malalang traffic o delays sa oras ng byahe, lahat ng ito ay posibleng mangyari. Ang mahabang paghihintay ay posibleng magdulot ng gutom. Para hindi malipasan ng gutom, dapat laging may dalang snacks para ready tayo kahit sa mga ganitong pagkakataon.

 

Anu-ano nga ba ang mga dapat tandaan kung magdadala ng on-the-go snacks?

1.Piliin ang mga snacks na madaling dalhin or ideal for travelling. Iwasan ang anumang snacks na may mabigat na packaging o lalagyan. Iwasan din ang mga snacks na malalaki ang lalagyan para hindi ito sumakop ng malaking space sa inyong bag.

2. Piliin ang mga snacks na may good nutritional content. Siguraduhin na ang mga pagkaing babaunin ay makapagbibigay ng tamang nutrisyon na siguradong kakailangan sa iyong byahe. Piliin ang mga snacks na nakakabusog na, masustansya pa. Iwasan ang mga junk foods at mga pagkaing mataas sa sugar, sodium at trans fat.

3. Kung gagawa ng sariling baon, gumamit ng sealable containers. Maiiwasan mo na ang pagtapon ng pagkain sa iyong bag, mas masisigurado mo pa na hindi masisira o madudumihan ang iyong pagkain.

4. Huwag magbaon ng pagkain na mabilis mabulok o masira. Iwasan ang ingredients tulad ng mayonnaise, kamatis, at mga leafy greens. Iwasan din ang mga pagkaing may dairy products. Ang mga pagkaing ito ay mabilis masira lalo na kung wala sa malamig na lugar. Ang pagkain ng nabulok na pagkain ay maaring magdulot ng diarrhea. Para maiwasan ito, siguraduhin na ang mga pagkaing dadalhin ay hindi kaagad masisira.

5. Para naman hindi mahirapan sa pagkain, pillin ang mga quick snacks o snacks na madaling kainin. Mas mainam kung ang mga dadalhin ay finger foods o mga pagkaing hindi nangangailangan ng kubyertos.

6. Huwag kalimutan magbaon ng tubig. Mahalagang panatilihing hydrated ang katawan lalo na sa mga mahahabang byahe.

 

Ito ang iilang mga simple travel snack ideas:

undefined

https://www.pexels.com/photo/boiled-egg-on-top-on-bread-beside-salt-shaker-160850/

 

1. Peanut Butter Sandwich

Ang peanut butter ay magandang source ng protein, fiber vitamins, minerals at phytochemicals. Ito ay hindi kaagad nabubulok at madaling ihanda. Piliin ang peanut butter na hindi mataas ang sugar para lalong maging masustansya ang pagkain. Maari din gumamit ng whole wheat bread na may mataas na fiber content sa halip na white bread.

 

2. Hard-boiled Eggs

Kung ang iyong byahe ay hindi tatagal ng mahigit sa isang araw, maaring magbaon ng hard-boiled eggs o nilagang itlog. Ang itlog ay source ng high-quality protein at mayroon ding iba’t-ibang vitamins and minerals tulad ng Vitamin D at selenium. Ito rin ay isang quick snack idea dahil madali itong kainin.

 

3. Crackers

Para sa light snack o pantawid-gutom, maaring magbaon ng crackers. Madali itong kainin at hindi mahirap baunin. Hindi din ito kaagad nasisira kaya kayang magtagal ng ilang araw. Siguraduhin lamang na i-check ang expiration date ng crackers na babaunin.

 

5. Nuts

undefined

https://www.pexels.com/photo/brown-peanuts-209345/

Ang mani at iba’t-ibang klaseng nuts ay sikat sa buong bansa. Ngunit alam niyo ba na masustansya ito? Ang nuts ay naglalaman ng protein, unsaturated fats (o ang tinatawag na “good fats”), omega-3 fatty acids, fiber at Vitamin E. Dahil sa mga ito, nakakatulong din ito sa pag-maintain ng healthy heart. Maganda itong pamalit sa maaalat na junk foods tuwing bumabyahe. Huwag lamang kalimutan na bantayan kung gaano kadami ang kinakain at iwasan ang mga mani o nuts sa prinirito. Kung may pagkakataon, piliin ang roasted kaysa sa fried.

 

6. Popcorn

Kung nakasanayan na ang pagbaon ng chips at iba pang maaalat na junk food, maaring i-substitute ang popcorn. Hindi lang ito pang-sinehan kundi magandang travel snack din. Ang pop corn ay itinuturing whole grain at mayaman na pinagmumulan ng fiber. Ngunit may ibang popcorn na tinatawag na junk food dahil sa mga dagdag na ingredients. Para sa healthier na option, piliin ang popcorn na mababa ang sodium o asin at hindi dinagdagan ng flavors (tulad ng caramel, chocolate at iba pa). Maaari rin gumawa ng sariling popcorn sa bahay kung saan gagamit ng mas kakaunting asin at cooking oil kumpara sa mga pre-packaged na popcorn.

 

7. Fruits like apples, pears or bananas

For healthy snack on-the-go, maaring magbaon ng fresh fruits. Basta piliin ang mga prutas na hindi nangaingailangan ng refrigeration tulad ng mansanas, peras at saging. Mataas parin ang mga ito sa health benefits at hindi sila mahirap baunin.

Para sa mga mahahabang byahe, hindi kailangan maging unhealthy ang baon. Maraming mga pagpipilian na pagkain katulad ng mga nasa itaas na masustansya na, pang travel pa.

 

Sources:

https://blog.cheapism.com/picnic-food-that-spoils-13923/#image=1

https://www.epicurious.com/expert-advice/road-trip-snacks-top-13-dos-and-top-7-donts-article

https://www.in.gov/isdh/21086.htm

https://www.webmd.com/food-recipes/features/nutty-about-peanut-butter#1

https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=10050

https://www.bbcgoodfood.com/howto/guide/ingredient-focus-eggs

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-disease/in-depth/nuts/art-20046635

https://www.healthline.com/nutrition/popcorn-nutrition-and-health#section3