3 Healthy Dessert Recipes

December 12, 2017

Hindi dahilan ang holiday season para itigil pagpapakain ng mga masusutansyang pagkain sa mga bata. Kaya’t para makatulong sa paghahanda ng healthy Noche Buena ngayong darating na Kapaskuhan, narito ang tatlong masusutansyang dessert recipes na pwedeng ipakain sa mga chikiting.

1.Mango Glazed Donut

Ingredients:

Para sa donut:

  • Kalahating kilo ng harina,
  • Dalawang itlog
  • Isang tasa ng gatas

Para sa toppings:

  • Isang mangga
  • Kalahating tasa ng asukal
  • Butter

Ilagay ang itlog sa harina saka ibuhos ang gatas. Haluin at imasa ng mabuti ang mixture hanggang sa magdikit dikit ang mga sangkap. Kapag maayos na ang dough, pulutin ito at iporma na pang-donut. Pagkatapos, iprito na sa kumukulong mantika.

Sa isang kawali, pagsama samahin ang butter, mangga at asukal. Haluin ito hanggang sa mag-caramelized. Saka ito ibuhos sa ibabaw ng donuts.

Ang manga na syang star sa recipe na ito ay mayaman sa Vitamin A. Ito ay nakakatulong magbigay ng malinaw na paningin at magandang balat sa mga bata. Ayon sa mga eksperto, ang isang pisngi ng mangga ay sapat na para maibigay sa katawan ang recommended intake ng Vitamin A.

Gamit ang recipe na ito, maaaring makakagawa ng apat na pirasong donut sa halagang P70.

 

2.Apple Salad

Ingredients:

  • Isang red apple
  • Isang green apple
  • Isang saging
  • Isang tasa ng pineapple chunks
  • Dalawang lata ng heavy cream
  • Isang lata ng condensed milk

 

Hiwain ang mga mansanas pagkatapos alisin ang buto. Ilagay ito sa tubig na mayroong pinigaan lemon o kalamansi para hindi agad mangitim. Hiwain ang saging.

Paghaluin ang heavy cream at condensed milk sa isang bowl saka ilagay ang mga hiniwang prutas. Haluin ng maaga.

Ang mansanas ay mayaman sa antioxidants, flavanoids at dietary fiber. Ang antioxidants na makikita sa apple ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng tsansang magkaroon ng cancer, hypertension, diabetes at heart disease.

Ang recipe na ito ay nagkakahalaga lamang ng P200 na pwedeng kainin ng pito hanggang wala katao.

 

3.Apple Crumble Pie

Ingredients:

  • Dalawang Fuji red apples
  • Tatlong kutsara ng asukal na pula
  • Dalawang kutsara ng tubig
  • Cinnamon powder
  • Anim na kutsara ng butter
  • Isang tasa ng durog na Graham crackers

 

Balatan ang mga mansanas saka hiwain. Ilagay ang hiwang apples sa kawali at isunod ang asukal, tubig, cinnamon powder. I-saute ang mga sangkap hanggang sa maging tender at brown ang mga mansanas. Pagkatapos ng labinlimang minuto, ilagay ito sa isang mangkok at itabi para lumamig.

Tunawin ang butter sa isang kawali at ilagay ang durog na Graham crackers. Haluin ng mabuti.

Sa isang bowl, maglagay ng dalawang kutsara ng mixture ng crushed Graham. I-flat ito saka ilagay ang nilutong mansanas. I-assemble ito na parang pie.

Ang apple ay tinatawag na “nutritional powerhouses”dahil sa taglay nitong iba’t ibang vitamins at nutrients gaya ng Vitamin C, B-complex vitamins, dietary diber, calcium, potassium at phosphorus.

Sa halagang 120 pesos, maaaring i-serve ito sa anim na tao.

 

Ang mga desserts na ihahanda sa Pasko ay hindi kailangang tadtad lamang ng asukal. Maaring gamitin ang mga natural na sugar ng mga prutas. Mas mainam na gawing bida ang mga prutas para masusutansyang dessert ang maipapakain hindi lamang sa mga bata kundi pati sa matatanda.

 

Sources:

https://www.youtube.com/watch?v=0TLkfrQlGWs.php

https://www.youtube.com/watch?v=HzXVu5CqiXw.php

https://www.medicalnewstoday.com/articles/267290.php

 

undefined

https://www.pexels.com/photo/red-apple-fruits-162806/