3 Healthy Budget Recipes Mula sa Ibang Bansa

August 22, 2017

Hindi maaiwasan ang pagtaas ng mga bilihin, ngunit hindi ito dahilan para ipagwalang-bahala ang nutrisyong kailang matanggap ng katawan. Hindi rin ito dahilan para maging sobrang matipid at kalimutan na ang lasa ng pagkain. Subukang maging adventurous sa pagkain at iexplore ang lasa ng pagkain ng iba’t ibang bansa

Narito ang tatlong recipes na hindi na kinakailangan pang gumastos ng malaki pero siguradong maeenjoy ng pamilya. Hindi Apangkaraniwan dahil hango ang mga ito sa mga bansang malapit sa ating puso, lalo na sa puso ng ating mga OFW.

  1. Kimbap. Ang kimbap ay ang Korean version ng sushi. Ito ay isa sa mga pinakasikat na Korean food dahil madaling gawin at pwede pang ibahin ang mga sangkap na gagamitin, base sa budget o sa availability ng mga ito. Narito ang mga sangkap na kakailanganin para sa mas murang version ng kimbap.

Ingredients:

  • Lutong kanin

  • Dried Seaweed o Nori

  • Asin, toyo o/at paminta

  • Sesame Oil

  • Carrots

  • Pipino

  • Atsarang labanos

  • Ham /o kaya maling, tuna

  • Egg omelet

Paraan ng Pagluto:

  1. Hiwain ng pahaba ang carrots, atsarang labanos, pipino, ham at egg omelet.

  2. Ilagay sa mangkok ang kanin at lagyan ng dalawang kutsaritang sesame oil.  Haluin ng marahan para sumama ang oil sa kanin.

  3. Ilatag ang dried seaweed sa ibabaw ng maliit na bamboo mat. Nasa taas dapat ang makintab na bahagi. Ilatag ang kanin sa ibabaw ng nori o dried seaweed, hanggang 2/3 ng seaweed dahil kailangan ng sapat na espasyo para mairolyo ang seaweed.

  4. Ilagay ang atsarang labanos at carrots sa ibabaw. Isunod ang ham at pipino tapos ay ilagay sa ibabaw ng ham ang egg omelet.

  5. Irolyo ang nori. Lagyan ng kaunting kanin sa dulo para masarahan ang rolyo.

  6. Pahiran ng sesame oil ang kimbap.

  7. Hatiin ang kimbap. Mas mainam kung hindi ito hahatiin ng makakapal.

Paalala, kinakailangan ng maliit na bamboo mat para mas madali ang pag-rolyo ng dried seaweed o nori.

undefined

2. Stir Fried Bean Sprouts with Tofu. Ang tofu ang isa sa pinaka-kilalang pagkain sa Asya, lalo na sa Singapore, Hong Kong at Vietnam. Ito ay dahil mura at masustansiya talaga ang sangkap na ito. Madali lamang gawin ang recipeng ito dahil tokwa at toge lamang ang pinaka-kailangang sangkap dito. Magkakatalo na lamang ang sarap nito depende sa panlasa ng magluluto.

Ingredients:

  • Toge, tanggal ang dulo

  • Tokwa, bibte size

  • Carrots

  • 1 kutsaritang bawang, hinati ng maliliit

  • Mantika

  • Oyster sauce

  • Patis

Paraan ng Pagluto:

  1. Iprito ang tokwa hanggang maging kulay light brown. Tanggalin sa kawali at itabi.

  2. Gamit ang parehong kawali, gisahin ang bawang. Idagdag ang carrots, toge, oyster sauce     at kaunting tubig at gisahin sa mataas na init sa loob ng isa hanggang dalawang minuto.

  3. Isama na ang tokwa. Lagyan ng patis, depende sa lasang gusto, at haluing mabuti.

  4. Ihanda ng may kasamang kanin para mas maenjoy ang pagkain.

undefined

  1. Chicken BBQ with Grilled Mango. Mahilig sa mga ihaw-ihaw ang mga tao sa Middle Eastern countries gaya ng Saudi Arabia, UAE, Qatar at Kuwait. Kahit mga gulay at prutas, iniihaw nila. Mahilig din silang magluto ng iba’t ibang version ng kanilang sinangag o stir fried rice. Ang recipeng ito ay isa sa mga pinakasimpleng lutuin sa Middle East na maaaring pamilyar sa mga kamag-anak nating nagtatrabaho doon.

Ingredients:

  • Chicken breasts, hinati ng pahaba

  • Manggang hinog

  • 3/4 plain yoghurt

  • 2 kutsarang lemon juice o kalamansi juice

  • 1/2 tumeric

  • 1 clove ng bawang, hinati ng maliliit

  • 2 kutsaritang asukal

  • 1 kutsartiang asin

  • 1 kutsaritang paminta

Paraan ng Pagluto:

  1. Paghalu-haluin ang yoghurt, lemon o kalamansi juice, bawang, asukal, tumeric asin at         paminta.

  2. Ilagay ang manok sa mixture at haluin ng marahan. Takpan ng plastic wrap at ilagay sa ref.     Tanggalin after 15 minutes. Pwede rin patagalin ng overnight.

  3. Initin ang ihawan sa medium na init. Tanggalin ang manok sa pagkababad at ituhog sa     mga     BBQ stick.

  4. Ihawin. Matapos ihawin ay ilagay sa plato at takpan ng foil.

  5. Ihawin din ang mangga, mga isa hanggang dalawang minuto kada side.

  6. Iserve ang mangga sa tabi ng manok. Masarap din itong kainin kung may kasamang kanin.

Ilan lamang ito sa mga recipeng maaaring gawin kung naghahanap ng kaunting adventure sa pagkain. Madali na, mura pa at higit sa lahat ay masustansiya.

 

Sources:

  • https://poea.jobstreet.com.ph/workabroad-articles/overseas_ofw_behavior.htm

  • http://www.springtomorrow.com/stir-fried-bean-sprouts-with-firm-tofu-recipe-budget-meal

  • https://www.realsimple.com/food-recipes/browse-all-recipes/chicken-skewers-grilled-mango

  • http://allrecipes.com/recipes/235/world-cuisine/middle-eastern/?page=2#2

  • https://www.thespruce.com/easy-korean-recipes-to-make-at-home-4118388

  • http://tastyquery.com/recipes-for/kimbap-filipino-recipe