Nahihirapan ka bang alalahanin ang mga bagay kagaya ng pangalan ng mga tao o ang binabasa mo tuwing nag-aaral? Baka makatulong ang mga pagkain na ito sayo. Ang mga pagkain na ito ay ilan lamang sa mga maaaring makatulong sa ating brain function and memory.
-
Coffee
Mahilig ka bang uminom ng coffee tuwing umaga? Good news! Dahil ang coffee ay isang mainam na pagkain para brain function. Meron itong dalawang main component na nakakatulong sa brain function- caffiene and antioxidants. Ilan sa mga epekto nito ay:
-
Increased alertness: Ang caffiene ay tumutulong i-block ang adenosine, isang chemical sa ating brain na nagdudulot ng pagka-antok.
-
Improved mood: Ang caffiene ay nakakatulong i-boost ang production ng seratonin sa katawan, na siyang rason para sa “feel good” na pakiramdam natin.
-
Sharp concentration: Dahil sa caffiene, ang mga coffee drinkers din ay nagkakaroon ng sharp concentration na nakakatulong tuwing nag-aaral. Ayon sa isang pag-aaral, noong pinainom ng coffee ang mga kalahok sa pag-aaral na ito, sila ay mas naging mas effective sa mga gawain na kinakailangan ng concentration.
-
Fish
Ang isda kagaya ng salmon, mackarel o tuna ay mayaman sa heart-healthy omega-3 fatty acids at docosahexaenoic acid o DHA. Ang DHA o docosahexaenoic ay important para sa pang-araw araw na function ng ating neurons, na siyang nakakatulong sa ating brain activity. Maliban sa brain-aiding properties ng isda, mainam ito sa diet ng isang tao dahil nababawasan ang pagkain ng red meat at iba pang protina na mataas ang saturated fat content.
-
Avocado
Mahilig ka ba sa avocado? Mabuti kung isa ito sa mga paborito mong fruits dahil mainam ito para sa brain. Ayon sa pagaaral ni Morris at kanyang mga kasamahan, ang avocado ay mayaman sa vitamin e at c na siyang associated sa pagpapababa ng risk na madevelop ang Alzheimer’s Disease.
-
Berries
Isang pagaaral na ipinakita sa National Meeting of the American Chemical Society sa Boston ay natuklasan na ang blueberries at ibang deeply-colored berries kagaya ng strawberries at acai berries ay mainam sa brain health ng isang tao. Mayaman ito sa antioxidants na siyang lumalaban sa mga toxic proteins na associated sa memory loss. Maaaring kainin ang mga berries na ito ng raw, gawing smoothie, jam o ihalo sa cereal.
-
Turmeric
Ang turmeric ay dahan dahang nagiging popular sa mga taong nais mapalakas ang kanilang brain function. Alam mo ba na ang deep-yellow spice na ito ay isang key ingredient sa curry powder at mayroon itong benefits para sa brain? Ang “Curcumin” ay isang active ingredient sa tumeric at pinapaniwalaan na kaya nitong dumaloy sa brain at bigyan ng tulong ang mga cells dito.
Dahil ito ay isang concentrated antioxidant at anti-inflamatory compound, isa sa mga benefits nito ay:
-
Helps Memory: Ang curcumin ay mainam para sa memory, lalong lalo na sa mga tao na may Alzheimer’s Disease dahil nakakatulong itong i-clear out ang mga amyloid plaques na common sa mga taong may ganitong sakit.
-
Eases Depression: Ayon sa isang pagaaral, ang curcumin ay nakatulong sa pag-improve ng depression symptoms tulad ng anti-depressant sa loob ng anim na linggo. Maaaring rason para dito ay ang curcimin ay nakakatulong sa pag-boost ng serotonin at dopamin; mga brain chemical na nakakatulong sa improvement ng mood.
-
Helps new brain cells grow: Ayon sa ilang pag-aaral, ang curcumin ay nakakatulong sa pagboost ng brain-derived neurotrophic factor, isang uri ng growth hormone na nakakatulong sa paglaki ng brain cells. Maaari itong makatulong sa pagpatagal o pagdelay ng mental decline na dala ng edad subalit nangailangan pa ng mas madaming pag-aaral para dito.
-
Dark Chocolate
Isang pag-aaral mula sa Appetite ay nagsasabi na ang pagkain ng dark chocolate once a week ay nakakatulong sa pag-improve ng memory at abstract thinking skills. Isang pag-aaral naman noong 2014 ay nagsasabi na ang diet na mayaman sa cocoa ay nakakatulong sa pag-delay ng memory loss sa mga may edad. Para maramdaman ang full benefits ng dark chocolate, piliin ang merong at least 70% cocoa solids.
-
Eggs
Ang eggs ay mayaman din sa phosphatidylserine. Ang phosphatidylserine ay sinasabing nakakatulong sa cognitive function at nakakatulong sa pag-boost ng short-term memory. Ang egg yolks naman ay mayaman sa choline, isang essential nutrient na importante sa signaling.
-
Tomatoes
Ang tomatoes ay mayaman sa lycopene isang malakas na antioxidant nakakatulong sa pag-improve ng short-term memory at prinoprotektahan nito ang cells laban sa free radical damage. Dahil nakakatulong ito laban sa free radical damage, may ilang mga pag-aaral din ang nagsasabi na nakakatulong ito sa mga taong may Dementia at Alzheimer’s Disease.
-
Broccoli
Ang broccoli ay madaming benefits at disease-fighting properties para sa brain. Dahil ang broccoli ay mayaman sa vitamin k at folic acid, nakakatulong ito para sa pag-boost ng memory.
-
Whole Grains
Kagaya ng eggs, ang whole grains ay mayaman sa choline na siyang nakakatulong sa cognitive skills at short-term memory ng isang tao. Maliban dito, isa itong magandang source for energy na nakakatulong sa mga pang-araw araw na gawain.
Madaming mga pagkain na nakakatulong sa brain. May mga pagkain na mayaman sa antioxidants na nakakatulong labanan o i-delay ang damage sa brain at may mga pagkain naman na mayaman sa vitamins na nakakatulong sa health ng brain. Maaari mong panatilihing healthy at alert ang sarili kung ang mga pagkain na ito ay isasama sa iyong diet. Importante din na malaman na lahat ng bagay ay dapat kainin in moderation para balanced ang diet.
Sources:
-
http://www.health.com/health/gallery/0,,20434658,00.html#berries-12
-
http://www.healthline.com/nutrition/11-brain-foods#section4
-
http://www.foodnetwork.ca/healthy-eating/photos/12-foods-that-improve-short-term-memory/#!chewing-gum-study
-
https://www.helpguide.org/articles/healthy-living/how-to-improve-your-memory.htm
-
https://www.saga.co.uk/magazine/health-wellbeing/diet-nutrition/nutrition/10-memory-boosting-foods