Paano Mawawala ang Nginig, Ngalay, at Pamamanhid ng Kamay Ko?

September 11, 2018

Ang mga kamay ang ilan sa mga parte ng katawan na palagi nating ginagamit. Bihira ang activities na hindi nangangailangan ng tulong ng mga kamay para mapabilis at mas maging efficient ang pagtatrabaho. Dahil dito, hindi maiiwasan kung minsan ang makaramdam ng sakit sa ibang bahagi nito. Kapag nangyayari ito, madalas ay dinadaan na lang sa pagpapahinga ng nga kamay, pagpapatunog ng mga buto ng daliri, o ‘di kaya naman ay pagpapamasahe nito sa iba.

 

Saan nga ba nakukuha ang panginginig, pangangalay, at pamamanhid ng kamay? Tukuyin ang mga sanhi para mabigyan ng tamang solusyon ang mga ito na nakakaapekto sa gawin sa araw-araw.

 

Nginig, Ngalay, at Pamamanhid ng Kamay – Ano ang pinagkaiba?

 

Bago natin pag-usapan ang iba’t ibang causes ng mga ito, mas mabuti kung maiintindihan muna natin ang pinagkaiba ng bawat isa para mas matukoy kung alin dito ang inyong nararansanan.

 

Ang panginginig o tremors ay dala ng maraming sanhi. Maaaring toxin sa paligid, pagtanda, stress, pagod, at sobrang pagkonsumo ng caffeine. Ang tawag sa pinaka-common na uri nito ay essential tremor. Kadalasan, ang madalas na panginginig ng kamay lalo na kung ikaw ay gumagalaw ay umpisa pa lamang ng panginginig na mararanasan sa iba pang bahagi ng katawan dahil sa problem sa nervous system. Hindi rin naman dapat ikawalang-bahala ang panginginig ng kamay dahil maaaring senyales ito ng Parkinson’s Disease, multiple sclerosis, at iba pang kondisyon.

 

Pagdating naman sa ngalay, ito ang pangangawit at pagkapagod na nararanasan ng kamay at iba pang parte ng katawan lalo na kapag may paulit-ulit na movement na ginagawa. Pwede rin naman itong makuha sa pagiging steady nang matagal na oras. Madalas itong maranasan ng mga taong manual labor ang trabaho gaya ng pagta-type o pag-eencode, pagbabalot ng produkto, pagsusulat, at iba pa. Hindi ito dapat mapagkamalang muscle pain lalo na kung nararanasan ang ngalay sa balikat, batok, likod, at mga binti.

 

Ang pamamanhid ng kamay naman ay ang kawalan ng pakiramdam nito. Madalas dine-describe na “tinutusok” ang parte ng katawan na namamanhid. Sa English, ang tawag sa ganitong pakiramdam ay “pins and needles.” Karaniwan, ang  pamamanhid ng kamay ay hindi seryoso at nakukuha lang sa labis na pressure sa mga ugatkung nahihigaan o nadadaganan ang mga kamay.

 

Mga Sanhi ng Nginig, Ngalay, at Manhid

 

Bukod sa physical activities, mayroon ding epekto ang poor nutrition at kakulangan sa pahinga sa pagkakaroon ng panginginig, pangangalay, at pamamanhid sa kamay. Ito ang ilan sa mga posibleng dahilan:

 

undefined

Photo from Unsplash

 

 

  • Labis na pagtatrabaho at activity nang walang pahinga o pagre-relax ng kamay;
  • Kawalan sa proper warm-up, stretching, at exercise bago magsimula sa gawain;
  • Mababang blood sugar;
  • Stress;
  • Mga fracture o bali;
  • Overactive na thyroid gland;
  • Withdrawal sa pagitigil sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alcoholic beverages; at
  • Kakulangan o deficiency sa vitamins at minerals na kailangan para maging healthy and mga nerves o ugat.

 

Tips para Maiwasan ang Panginginig, Pangangalay, at Pamamanhid ng Kamay

 

Sa katunayan, ang nginig, ngalay, at pamamanhid ay hindi dapat ikabahala maliban na lamang kung talagang nagkakaroon na ang mga ito ng masamang epekto sa pang araw-araw na buhay. Para maiwasan o maibsan ang pag-experience ng mga ito, suriin at gawin ang sumusunod na rekomendasyon:

 

  1. Magkaroon ng Vitamin B-rich diet

 

Ang Vitamin B-Complex na binubuo ng B1, B6, at B12 na kailangan ng mga nerves para maging healthy sa paggawa ng functions nila sa katawan. Sa tulong ng Vitamin B-Complex, nakakapagbuo ng protective na covering sa paligid ng nerves para makaiwas sa damage ng mga ito. Ilan sa mga pagkain na mayaman sa Vitamin B ang:

 

  • Meat kagaya ng chicken;
  • Atay;
  • Fish katulad ng tuna at salmon;
  • Shellfish kagaya ng talaba at halaan;
  • Dark green vegetables;
  • Nuts at seeds;
  • Beans; at
  • Dairy products gaya ng milk at cheese.

 

Para masigurado na magkakaroon ng sapat na mga bitamina na ito ang katawan, gawin ding regular ang pag-inom ng RiteMED Vitamin B-Complex para matugunan ang recommended daily allowance nito araw-araw, lalo na kung ang mga pagkaing mayaman dito ay ipinagbabawal ng doktor dahil sa ilang health conditions. Nakakatulong ang pag-inom nito para makaiwas sa nerve pain at  inflammation. Inirerekomenda ang 1 hanggang 2 tableta nito araw-araw. Mabuti ring kumonsulta muna bago mag-take nito.

 

 

undefined

Photo from Unsplash

 

 

  1. Mag-stretching

 

Bago magsimula ng kahit anong manual activity na ginagamitan ng kamay, ugaliing mag-stretch muna ng mga daliri para dumaloy ang dugo sa nerves at makahinga ang mga ito mula sa pressure ng pagkakagaling sa tulog.

 

Ilan sa mga inirerekomendang hand exercises ang mga sumusunod:

 

  • Close-open;
  • Paggamit ng stress ball;
  • Pagpapagpag ng mga daliri; at
  • Dahan-dahang pag-ikot ng wrists clockwise at counter clockwise;

 

Ipinapayo rin na tumigil maya’t maya para ulitin ang stretching at hand exercises para maiwasan ang pamamanhid ng kamay at ngalay sa iba pang bahagi ng katawan. Huwag manghinayang sa oras na magagamit para sa simple exercises na ito dahil mas magkakaroon ng delay sa iyong ginagawa kung manginginig, mangangalay, o mamamanhid ang mga kamay.

 

  1. Magpahinga

 

Importante ring ipahinga ang mga kamay lalo na kung dire-diretso ang patratrabaho, Kapag nasobrahan sa pressure ang nerves, ang proteksyon sa paligid ng mga ito ay masisira, lalo na kung mayroong Vitamin B-deficiency. Dahil dito, mahihirapan ang mga kamay na gampanan ang kanilang tungkulin. I-relax ang mga kamay lalo na kapag nagsisimula nang makaramdam ng pagod.

 

  1. I-manage ang stress

 

Kapag may hinahabol na deadline, quota, o oras sa paggawa ng manual labor, madalas ay nagsasanhi ito ng stress. Nakakaapekto ang ganitong klaseng tension sa performance ng mga kamay dahil kadalasan ay nakakapag-pamanhid ito. Bantayan ang mga nagiging dahilan ng iyong stress para maging handa na harapin ito.

 

  1. Panatilihin ang tamang posture

 

Nakakaapekto rin ang pagkakaroon ng hindi maayos na posture habang gumagawa ng activities para makaranas ng nginig, ngalay, at pamamanhid ng kamay. Dahil magkakadugtong ang nerves sa balikat at likod, maaaring umabot sa mga kamay ang epekto ng hindi tamang pagpwesto habang nagtatrabaho. Siguraduhing tama ang posture ng buong katawan bago pa man magsimula sa mga gagawin.

 

Hindi dapat abusuhin ang anumang bahagi ng ating katawan. Bigyang-pansin ang mga sintomas na nararanasan sa mga kamay para matukoy kung paano reresolbahin ang nararamdamang sakit o discomfort.

 

Sources:

 

https://www.ritemed.com.ph/products/rm-vitamin-b-complex-tab

https://www.webmd.com/brain/shaky-hands#1

https://www.healthline.com/health/finger-numbness#outlook

https://www.healthline.com/health/food-nutrition/vitamin-b-complex#symptoms-of-overdose

https://nervepaintreatment.org/b-vitamins/

https://www.health24.com/Lifestyle/Healthy-Nerves/The-nervous-system-Other-B-vitamins-20120721