Neuropathy ang tawag sa pagkasira o hindi paggana ng nervous system ng isang tao. Ang kondisyong ito ay nagdudulot ng kirot sa iba’t ibang parte ng nervous system, katulad ng utak, spinal cord, at peripheral nerves o mga nerves na nakakalat sa iba’t ibang parte ng katawan, tulad ng mga braso, binti, daliri, at organs.
Sintomas ng Neuropathy
Ang pangunahing sintomas ng neuropathy ay neuropathic o nerve pain na madalas inilalarawan bilang burning sensation. Nagiging sensitibo rin ang apektadong lugar sa paghawak.
Marami pang sintomas ang maaaring maranasan ng isang taong may neuropathy. Ilan na dito ang sumusunod:
- Spontaneous Pain: ito ang pangingirot, panginginig, pamamanhid, o tusok-tusok na nararamdaman kahit walang stimulation. Nagdudulot ito ng kirot na mailalarawan bilang shooting, burning, stabbing, o pagkakuryente.
- Evoked Pain: ito ay ang pagdudulot ng kirot ng isang stimuli na kadalasan ay hindi naman talaga nakakasakit, tulad ng lamig o mahinay na pagdampi sa balat. Maaari din itong tumukoy sa mas matinding kirot kumpara sa normal na dala ng kalimitang nakakasakit na stimuli, tulad ng init.
- Abnormal at hindi kaaya-ayang pakiramdam sa apektadong parte ng katawan.
- Hirap sa pagtulog at emosyonal na problema dahil sa kakulangan sa tulog at kirot.
- Bawas na pagkasensitibo sa kalimitang nakakasakit na stimuli.
Sanhi ng Neuropathy
Maraming sakit ang maaaring iugnay sa nerve pain. Kaya naman hamon kahit sa mga eksperto ang pagtukoy ng tiyak na sanhi ng neuropathy ng isang tao.
Maaaring magdulot ng neuropathy ang sumusunod na sakit:
- Alkoholismo
- Diabetes
- Problema sa facial nerves
- Impeksyon dulot ng HIV o AIDS
- Karamdaman na may kinalaman sa central nervous system, tulad ng stroke, Parkinson’s disease, at multiple sclerosis
- Complex regional pain syndrome (CRPS)
- Shingles
Pwede rin namang hindi sakit ang magdulot ng nerve pain ng isang tao. Ang ilan pa sa karagdagang sanhi ng neuropathy ay ang sumusunod:
- Gamot na ginagamit sa chemotherapy
- Radiation therapy
- Phantom pain na dulot ng amputation
- Pagkaipit o pamamaga ng spinal nerve
- Pagkasira ng nerves dahil sa trauma o operasyon
- Pagkaipit ng nerves o infiltration na dulot ng tumors
Lunas Para sa Neuropathy
Source: https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-medical-team-doctors-examining-talking-1457525696
Ang pangunahing layunin ng lunas para sa neuropathy ay pagalingin ang sakit na nagdudulot nito, nerve pain relief, panatilihin ang gamit ng apektadong parte ng katawan, at pagbutihin ang quality of life ng pasyente. Upang makamit ang mga layunin na ito, sumasailalim ang isang tao sa multimodal therapy.
Ang multimodal therapy ay gumagamit ng kombinasyon ng gamot, physical therapy, psychological counseling, at, minsan, operasyon, para tugunan ang sintomas na dulot ng neuropathy. Nakadepende sa diagnosis ng doktor kung anong klase ng lunas ang kailangan ng isang pasyente.
Mga Gamot na Ginagamit Para Lunasan ang Neuropathy
Ang bawat tao ay iba-iba ang karanasan patungkol sa neuropathy, kaya naman iba-iba rin ang gamot na nirereseta kada pasyente. Inaalala rin ng mga doktor ang pangangailangan ng bawat indibidwal para maimungkahi nila ang pinakaakmang gamot sa pasyente. Narito ang ilan sa pinakapangkaraniwang gamot na nirereseta sa mga taong may neuropathy:
- Anti-seizure na gamot tulad ng Gabapentin, Pregabalin, Topiramate, Carbamazepine, at Lamotrigine
- Antidepressants tulad ng Amitriptyline, Nortriptyline, Venlafaxine, at Duloxetine
- Topical na gamot tulad ng Capsaicin at Lidocaine
Bukod sa mga gamot na nabibili sa botika, maaari ding bigyan ang pasyenteng may neuropathy ng injection ng steroids, local anesthetics, o iba pang gamot. Ituturok ito ng isang pain specialist sa parte ng katawan na may affected nerves.
Kapag hindi bumuti ang lagay ng pasyente matapos uminom o turukan ng mga gamot na inilista sa taas, maaaring gamutin ang neuropathy sa ibang paraan. Pwede silang sumailalim sa spinal cord stimulation, peripheral nerve stimulation, at brain stimulation sa payo ng kanilang doktor.
Nakakaapekto ang neuropathy sa quality-of-life ng isang tao pero madalas, hindi naman ito delikado. Kung ikaw ay nakakaranas na ng sintomas ng neuropathy, marapat lamang na kumunsulta na sa doktor. Sila lang ang tanging makakapag-diagnose ng iyong karamdaman at ang may awtoridad na mag reseta sa iyo ng gamot.
Sources:
https://www.brainandspine.org.uk/information-and-support/living-with-a-neurological-problem/neuropathic-pain/#:~:text=Common%20causes%20of%20neuropathic%20pain,side%20effect%20of%20certain%20medications.
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15833-neuropathic-pain