Mga dapat gawin para sa Neuropathic pain

April 23, 2021

Ang neuropathy ay tumutukoy sa damage sa isa o marami pang nerves sa katawan. Nagdadala ito ng pamamanhid, pananakit, panghihina, at panginginig sa parteng apektado. Karaniwan itong nararamdaman sa mga kamay at paa. Pag-usapan natin ang iba’t ibang nerve pain, mga sanhi nito, at tamang alaga para rito.

 

What is nerve pain?

Ang nerve pain ay dala ng injury o pinsala sa anumang mga ugat sa central o peripheral nervous system ng katawan. Tinatawag ding neuropathic pain, naaapektuhan nito ang nerve fibers na nagpapadala ng signals sa iba pang nerves sa buong katawan. Dahil dito, nagkakagulo ang mga signal na naipapadala sa mga nerves sa apektadong bahagi, kaya naman nakakaramdam ng sakit sa area na ito.

 

Bakit nagkakaroon ng nerve pain?

Ang neuropathic pain ay may iba’t ibang sanhi gaya ng mga sumusunod:

 

  • Labis na pag-inom ng alcohol;
  • Pag-abuso sa ilang prescription drugs;
  • Stroke;
  • Shingles;
  • Cancer at mga treatment panlaban dito gaya ng chemotherapy;
  • Diabetes;
  • HIV;
  • Multiple sclerosis;
  • Parkinson’s disease;
  • Pinsala sa blood vessels; o
  • Ibang autoimmune conditions.

 

 

Anu-ano ang uri ng nerve pain?

 

Kapag isang nerve system lang ang tinamaan, ito ay tinatawag na mononeuropathy. Kung higit naman sa isang nerve ang tinamaan at sa iba’t ibang areas ito, multiple mononeuropathy ang tawag dito. Kapag maraming nerves ang apektado, polyneuropathy na ito.

Ang mga sumusunod ay ilan pa rin sa mga klase ng neuropathy:

 

  • Peripheral neuropathy – Mula sa pangalan nito, apektado dito ang peripheral nervous system. Ito ang uri ng neuropathy na nagsasanhi ng leg nerve pain, foot nerve pain, at maging sa mga kamay at braso.

 

  • Autonomic neuropathy – Ang tinatamaan nito ay ang mga nerves na nagkokontrol ng internal organs. Apektado rin dito ang heart health, blood pressure, at panunaw.

 

  • Focal neuropathy – Ito naman ay pinsala sa iisang nerve sa ulo, kamay, torso, o binti. Isang halimbawa nito ang Bell’s palsy.

 

 

Anu-ano ang mga sintomas ng nerve pain?

 

Ang neuropathic pain ay posibleng magdala ng mga sumusunod na senyales:

  • Pamamanhid;
  • Pangingimay o pins and needles sensation;
  • Kawalan ng pakiramdam sa pagtukoy ng mainit o malamig na mga bagay;
  • Pangangati ng bahaging apektado;
  • Pamumula ng bahaging apektado; at
  • Pakiramdam ng kinukuryente sa parte ng katawan na may nerve pain.

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/achilles-tendinitispainful-leg-ankle-joint-bonesenior-1828206233

 

 

Nerve Pain Relief

 

May mga paraan para maibsan ang sakit na dala ng neuropathy. Isa na rito ang pag-inom ng medication for nerve pain. Ilan sa mga uri ng gamot na maaaring ireseta ng doktor ang mga sumusunod:

  • Antiepileptic drugs;
  • Antidepressants; at
  • Opioids.

 

Mayroong iba't-ibang antiepileptic drugs na ginagamit para sa neuropathic pain. Siguraduhin na may prescription ng doktor bago uminom ng mga ito para sa pain management.

Maliban sa pag-inom ng gamot, may iba pang treatment laban sa nerve pain katulad ng:

 

  1. TENS machine – Ang transcutaneous electrical nerve stimulation ay humaharang sa pain signals na galing sa mga nerves na apektado ng neuropathy. Napapa-relax nito ang mga muscle at naiibsan ang pananakit.

 

  1. Acupuncture – Ito ay isang paraan para ma-stimulate ang nervous system. Sa ganitong paraan, nakakapaglabas ang katawan ng natural pain relief.

 

  1. Surgery – Sa malulubhang kaso ng neuropathy, kinakailangan nang sumailalim na sa operasyon para tuluyang matugunan ang pananakit.

 

Upang makasigurado sa pangmatagalang pain management para sa neuropathy, huwag mahihiyang kumonsulta sa inyong doktor para matukoy kung ano ang mas epektibong uri ng lunas na angkop sa inyong sitwasyon.

 

Sources:

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/neuropathic-pain#types