Ang pananakit ng likod ay karaniwang nararanasan ng mga tao. Ito ay dulot ng iba’t-ibang mga gawain na gumagamit ng ating mga kalamnan at buto. Alamin kung paano alagaan at gamutin ang back pain. | RiteMED

Ang pananakit ng likod ay karaniwang nararanasan ng mga tao. Ito ay dulot ng iba’t-ibang mga gawain na gumagamit ng ating mga kalamnan at buto. Alamin kung paano alagaan at gamutin ang back pain.

August 13, 2019

Ang pananakit ng likod ay karaniwang nararanasan ng mga tao. Ito ay dulot ng iba’t-ibang mga gawain na gumagamit ng ating mga kalamnan at buto. Alamin kung paano alagaan at gamutin ang back pain.

Ang pananakit ng likod ay nararamdaman ng halos lahat ng tao. Mas maaga itong nararanasan ng mga taong sobra sa timbang, may problema sa likod (katulad ng scoliosis), may mga trabahong nangangailangan ng madalas na pagbubuhat, o hindi nagsasagawa ng tamang ehersisyo.

Lower back pain ang pananakit sa ibabang bahagi ng likod. Upper back pain naman kapag ito ay nararanasan sa bandang likod ng leeg, balikat, at shoulder blades. Kadalasan, hindi malala ang sanhi ng pananakit ng mga ito at kalimitang nawawala nang kusa. Ang pananakit ng likod ay maaaring sintomas o senyales ng isang karamdaman sa buto, laman, ugat, at kasu-kasuan na matatagpuan sa mga bahaging ito ng ating katawan. Ayon kay Dr. Alf L. Nachemson, isang siyentipikong mananaliksik sa mga suliranin sa likod, dalawang bilyong pasyente sa buong mundo ang nakaranas ng kirot o pananakit ng likod at balakang sa nakaraang 10 taon. Ayon din sa kanya, dahil sa aktibong pamumuhay nasa 80% ang nakararanas ng pananakit ng likod.

Ano ang lower back pain?

Kadalasan ang pananakit ng mababang parte ng likod ay tumtutukoy sa pananakit ng lumbosacral region gaya ng intervertebral disc, facet joints, mga kalamnan, at mga litid. Maaaring kumalat ang pananakit na ito sa may puwitan at sa likod ng ating mga hita.

Mga Sanhi ng Lower Back Pain

Maraming sanhi ng pananakit ng mababang parte ng likod. Sa mga kabataan, ang pangunahing sanhi ng lower back pain ay dahil sa puwersa sa likod na nakakaapekto sa mga kalamnan, masamang pustura, at lumulubhang mga problema nito. Samantala, ang pangunahing sanhi ng pananakit ng likod ng mga matatanda ay paglubha ng mga intervertebral disc at rumurupok na facet joints.

Maaari ring makapagpataas ng risks ng pagkakaroon ng lower back pain ang mga sumusunod na kadahilanan:

  • Labis na timbang o pagiging overweight;
  • Paninigarilyo;
  • Kakulangan sa pag-eehersisyo;
  • Matagal na pagkakaupo o paghiga;
  • Maling posisyon sa pagtulog;
  • Hindi tamang pustura sa trabaho;
  • Pagbubuhat ng sobrang bigat; at
  • Pagtanda.

Ang mga sanhing ito ay maaring magdala ng mga sintomas na tumutukoy sa mas seryosong medical conditions gaya ng kidney problems, impeksyon, kanser, rayuma sa buto o osteoarthritis, at pagkaipit ng ugat o nerve impingement.

Ano naman ang upper back pain?

Ang upper back pain ay nararanasan mula likod ng ating leeg hanggang sa dulo ng ating ribcage. Ang upper back pain ay hindi gaanong karaniwan gaya ng lower back pain or neck pain dahil ang mga buto sa bahaging ito ng ating katawan ay hindi gumagalaw nang mas madalas gaya ng nasa lower back at leeg. Ang mga buto sa upper back kasama ang ating ribs ang nagpoprotekta sa ating mga vital organs gaya ng puso at baga.

undefined

Image from Pexels

 

Mga Sintomas ng Upper at Lower Back Pain

Ang pasyenteng may upper at lower back pain ay maaaring magkaroon ng mga sumusunod na sintomas:

  • Pagkakaroon ng pananakit ng kalamnan ng mababang parte ng likod at pagsakit nito matapos tumayo o umupo nang matagal;
  • Pagkakaroon ng tension sa kalamnan o muscles;
  • Pananakit sa paggalaw ng mababang parte ng likod; at
  • Pamamanhid, panghihina, o pananakit sa leeg o sa palibot ng puwitan..

Mga Hakbang upang Maiwasan ang Pagkakaroon ng Upper at Lower Back Pain

Narito ang ilan sa mga paraan  upang maiwasan ang pagkakaroon ng upper and lower back pain:

  1. Kung magbubuhat ng mabibigat na bagay, gawin ito sa wastong paraan. Ibaluktot ang tuhod at panatilihing tuwid ang likod habang binubuhat ang bagay. Panatilihing malapit sa katawan ang gamit habang binubuhat.
  2. Itulak at huwag hilahin ang mga mabibigat na bagay.
  3. Kung sobra sa timbang, sikaping pababain ito nang naaayon sa iyong edad, kasarian, at health conditions. Ito ay dahil hindi kayang suportahan ng likod ang bigat ng katawan kung hindi ito angkop sa kabuuang kalagayan.
  4. Kung nakaupo nang matagal na oras, siguraduhing mag-unat o stretching kada ilang minuto para ma-relax ang muscles.
  5. Sa mga babae, mas mainam ang pagsusuot ng flat shoes o mga sapatos na mababa lang ang heels (1 pulgada o mas mababa). Kung kinakailangan naman ang pagsusuot ng mataas na heels sa trabaho, siguraduhing may oras para ipahinga ang mga paa matapos ang matagalang pagtindig.
  6. Palakasin ang kalamnan sa likod sa pamamagitan ng light to moderate exercises. Maaring gumamit ng kaunting weights para mapalakas ang back muscles.
  7. Tandaan ang tamang postura. Pumili ng upuan na tuwid ang likod o may low-back support. Panatilihing mas mataas nang kaunti ang tuhod kesa sa balakang. Kung nakatayo, panatilihin ang mga tenga, mga balikat, at balakang sa isang tuwid na linya. Ang ulo ay hindi dapat nakayuko o nakatingala.
  8. Matulog ng nakapormang “S” ang katawan. Humiga nang patihaya. Mag-unan para may suporta sa ulo at leeg. Maglagay pa ng isang unan sa ilalim ng tuhod para nakataas ito. Mas komportable sa likod ang nakabaluktot ang tuhod. Kung nakatagilid naman kapag natutulog, maglagay ng unan sa pagitan ng mga hita. Ito ay para huwag bumaluktot masyado ang mga hita at mapuwersa ang likod.

undefined

                                                                           Image from Pexels

 

Karamihan sa mga nakararanas ng pananakit ng likod na nagmumula sa kalamnan, inirerekomenda ng mga doktor ang kinaugaliang paggamot​—pamamahinga, pagpapainit, masahe, ehersisyo, at, una sa lahat, mga gamot na nag-aalis ng maga at pananakit ng katawan gaya ng paracetamol at ibuprofen.

Ang RiteMED Paramax ay isang halimbawa ng gamot na maaring inumin upang maalis ang sakit dulot ng upper ang lower back pains. Ito ay kombinasyon na ng ibuprofen at paracetamol Ikonsulta muna sa doktor bago uminom nito lalo na kung mayroong maintenance medication.

 

Sources:

https://www.philstar.com/opinyon/2011/09/22/729254/masakit-ang-likod-anong-dahilan

https://www21.ha.org.hk/smartpatient/EM/MediaLibraries/EM/EMMedia/Low-Back-Pain_Tagalog.pdf?ext=.pdf

https://www.medicalnewstoday.com/articles/323839.php

http://kalusugan.ph/sakit/?k=kaalaman&a=sakit-sa-likod

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/101994409



What do you think of this article?