Photo courtesy of lgen via Pixabay
Maraming iba’t ibang sanhi kung bakit tayo nagkakaroon ng muscle pain. Ilan dito ay ang labis na paggamit ng muscle sa mga physical activities o di kaya nama’y pagkakaroon ng muscle strain at muscle cramps.
Ang muscle strain o ang sakit sa kalamnan ay ang madalas na dahilan sa pagsakit ng ating likod. Ang maling posisyon sa pagtulog, maling postura ng pag-upo, maling ayos ng pagbubuhat o pwersahang pagbubuhat ng mabigat ang ilan sa sanhi ng pagkapwersa ng ating muscle sa likod.
Samantala, ang biglaang paninikip, paninigas at matinding pananakit naman ng ating kalamnan ay tinatawag na muscle cramps o pamumulikat. Bagamat walang makapagsasabi kung gaano katagal ang pananakit, apektado nito ang kalamnan sa braso, kamay, hita, paa, binti, at maging sa dibdib at tiyan.
Ipahinga ang Katawan
Una sa lahat, ihinto ang anumang ginagawa at ipahinga ang ating katawan. Mas lalo tayong makakaranas ng muscle pain kapag ipinipilit pa rin nating kumilos at magpatuloy sa activity na ating ginagawa.
Mas makabubuting umupo muna at i-assess ang nararamdaman upang makagawa ng mga susunod na hakbang. Ang pag de de-stress ay malaking tulong upang maibsan ang mga namumuong muscle tension sa ating katawan.
Pain Relievers
Maraming pain relievers na pwedeng inumin para sa muscle pain. Nariyan ang RiteMED paracetamol, RiteMED ibuprofen o di kaya’y RiteMED mefenamic acid. Maging mapanuri sa bibilhing gamot at tiyaking bumili sa mga mapagkakatiwalaang medical companies lamang.
Bagama’t makatutulong ito upang mawala ang sakit, pakiramdaman muna ang katawan kung kailangan na ba talagang uminom ng pain reliever o maaari pang ipahinga na lamang ang sakit. Hindi rin makabubuti na masanay ang ating katawan sa gamot lalo na kung palagian natin itong ginagawa.
Ipamasahe ang kalamnan
Iwasang hilutin o daganan ang kalamnan sapagkat maaaring mapilay lamang ito. Dahan-dahan lang itong ipamasahe upang lumuwag ang mga muscles. Kung namumulikat, i-stretch at tapalan ng yelo ang bahagi ng katawan na dumaranas ng sakit.
Ang marahang pagmamasahe ay malaking tulong upang mawala ang tension sa ating mga muscle at mag loosen up ang mga ito. Siguraduhing ‘wag galawin o gamitin ang kalamnan habang ito ay masakit pa. Tandaan na palaging ingatan ang bawat galaw upang hindi muling bumalik ang sakit at magpatuloy na sa paggaling.
Photo courtesy of rhythmuswege via Pixabay
Warm at Cold Compress
Maglagay ng warm compress sa likod o sa bahaging sumasakit ang kalamnan. Kung walang hot bag, maaaring gumamit ng isang bote na may lamang maligamgam na tubig, ibalot ito sa tuwalya, at ipatong o pagulungin ito sa naturang kalamnan. Bukod sa hot compress, makatutulong din sa nanakit na kalamnan ang pagligo sa maligamgam na tubig.
Ang cold compress ay para naman sa mga namamagang muscle mula sa mga extreme physical activities. Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang daloy ng dugo sa partikular na bahagi ng katawan na nagbabawas ng sakit.
Ang mga hakbang na inilahad ay ilan lamang sa mga gabay na maaaring gawin kapag nakakaramdam ng muscle pain. Ngunit, mas makabubuting umiwas tayo sa mga bagay na pwedeng magdulot sa atin ng pananakit ng kalamnan.
Bago sumabak sa matinding physical activity, mag stretching o warm up muna upang hindi mabigla ang mga muscle. Huwag din kaligtaang uminom ng tubig para hindi ma-dehydrate at uminom ng mga inuming may electrolytes habang at pagkatapos ng activity upang may sapat na suplay ng salt at minerals ang katawan. Pilitin ding magpahinga ng ilang minuto at tumigil lalo na kung sobrang mainit ang panahon.
Photo courtesy of Friedling via Pixabay
Samantala, kung napapadalas na ang pananakit ng kalamnan, maiging magpa-konsulta na sa doktor. Sa pamumulikat, maaaring mahina ang blood circulation, dehydrated, o kakulangan ng magnesium, potassium o calcium sa katawan.