Ano ang tinatawag na “lamig” sa katawan?
Ang lamig sa ating katawan o tinatawag sa ingles na “muscle spasm” ang nagiging dahilan kung bakit hindi tayo makakilos nang maayos at feeling mabigat ang ating pakiramdam.
Sintomas ng lamig sa likod
Kapag hindi natanggal ang lamig sa iyong likod, nahihirapan tayong makakuha ng komportableng posisyon sa pagtulog
- Paninigas ng ilang bahagi ng katawan
- Pakiramdam na may naipit na ugat
- Hirap kumilos at parang mabigat ang pakiramdam
Mga sanhi ng lamig sa likod
Kapag mali ang postura, naiipit ang ating muscles o nagkakaroon ng “muscle contraction” o spasm sa ating katawan.
Tuwing tayo ay nakakaramdam ng anxiety o stress, nagiging aktibo ang stress response sa ating katawan kaya nagiging tense o naiipit ang muscles.
Minsan naman, ang sobrang pagtatrabaho o pag-eehersisyo na sinundan agad ng pagligo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng lamig.
- Mga iba pang muscular problem
Ang lamig sa likod ay maaaring magmula sa sakit sa spinal cord, nerves, o metabolic diseases (mataas na blood pressure, blood sugar, at abnormal cholesterol)
Anong muscle spasm treatment ang makatutulong sa iyo?
- Maglagay ng hot compress sa mga bahagi ng katawan na may muscle spasm
Mga alternatibong medisina sa lamig sa likod:
Ang pagpisil sa mga pressure points o ilang bahagi ng katawan na konektado sa ating lamang loob
Isa ito sa traditional na paraan ng pagtanggal ng lamig sa likod. Nilalagay ng acupuncturist ang maninipis na karayom sa mga pain points ng kalamnan upang mabalanse ang lamig at init.
Ginagamit din ang paraan na ito upang maibsan ang sakit ng ulo, para mabalanse ang blood pressure, arthritis, at iba pa.
Gamot sa lamig sa likod o muscle spasm
Kapag nakadama ng pananakit ng likod dahil sa lamig, mas mainman na bumisita sa doktor para mabigyan ng angkop na gamot.
Ganunpaman, para sa mild to moderate muscle pain, maaaring uminom ng RiteMED Paramax.
Narito ang ilan sa mga paalala sa paggamit ng Ritemed (Ibuprofen+Paracetamol) Paramax:
- Huwag lalagpas sa anim na tableta ang iinumin sa loob ng 24 oras
- Hindi ito pwedeng gamitin ng mga batang 12 years old pababa
- Huwag inumin ng sampung sunud-sunod na araw maliban na lamang kung ito ay sinabi ng doktor
- Kumonsulta agad sa doktor kung nakararanas ng pagdurugo
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng lamig sa katawan?
Ugaliing mag-inat ng katawan bago simulan ang physical activities para hindi mabigla ang kasu-kasuan o muscles
- Maayos na posisyon ng pagtulog
Ayusin ang posisyon ng pagtulog upang maiwasan ang pangangalay
- Uminom ng maraming tubig para maiwasan ang dehydration
- Magbigay ng sapat na oras para sa pahinga para makapag-relax at mabawasan ang stress
- Kung patuloy ang nararamdamang sakit, kumunsulta na agad sa doktor
References:
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paramax-ibuprofen-paracetamol-200-mg-325-mg-tab
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621781/ano-ang-tinatawag-na-lamig-sa-katawan-at-ano-ang-sanhi-nito/story/
https://www.avogel.co.uk/health/stress-anxiety-low-mood/stress/is-stress-causing-your-back-pain/