Ang lagnat o fever ay isang karaniwang sakit sa mga bata. Lubos na nag-aalala ang mga magulang sa tuwing nilalagnat ang kanilang anak. Ang makita ng isang nagmamahal na magulang ang kanyang anak na naghihirap dahil sa lagnat ay talagang mabigat sa kalooban. At dahil simula na ng pasukan at ng panahon ng tag-ulan, importanteng malaman ng mga magulang kung ano nga ba ang lagnat o fever, sintomas, sanhi at iba’t ibang paraan para maiwasan ito.
Ano ba ang lagnat?
Sa nakararami ang alam nila ay na isang sakit ang lagnat, subalit ito ay sintomas lamang ng sakit na dumapo sa katawan. Ang hypothalamus ay isang parte ng utak na may direct control sa temperature ng ating katawan. Kung may impeksyon, sakit o iba pang sanhi, nagiging aktibo ang ating hypothalamus at tinataasan nito ang temperature ng ating katawan para magbigay ng signal na mayroong karamdaman ang katawan. Bagaman ang lagnat ay normal na proseso ng ating katawan upang depensahan ito mula sa impeksyon na dulot ng mikrobyo, maaari rin na ito ay dulot ng tonsillitis, sipon at iba pang mga sakit. Kung kaya’t importante na mapasuri sa doktor ang inyong anak kapag hindi ito nawala pagkatapos ng 72 hours o three days, upang malaman ang sanhi nito at mabigyan ng tamang medication.
Mga sintomas ng lagnat
Upang maagapan ang lagnat sa bata, importanteng malaman ang iba’t ibang sintomas nito. Ang mga sumusunod ay mga sintomas na dulot ng lagnat o fever:
- Temperature na higit sa 37.8°C
- Mabigat na pakiramdam
- Pagsakit ng kasukasuan o joints
- Pagsakit ng ulo
- Pagsusuka
- Pagkahilo
- Pagkawala ng gana sa pagkain
Ano ang iba’t ibang sanhi ng lagnat?
Dahil ang lagnat o fever ay sintomas ng isang sakit na dumapo sa katawan, importante na malaman ang causes of fever para mabigyan ng tamang alaga at gamot ang bata.
Ito ang iba’t ibang pangunahing sanhi ng lagnat o fever sa mga bata:
- Trangkaso o “flu”
- Sipon o “common colds”
- Impekson sa taenga
- Impekson sa lalamunan o “tonsillitis”
- Urinary Tract Infection
- Pulmonya o “pneumonia”
- Sakit sa tiyan o “gastroenteritis”
- Bulutong tubig o “chicken pox”
- Tigdas o “measles”
- Sobrang pagkahapo o “fatigue”
- Pagbakuna o “vaccination shots”
- Kumain ng masustansyang pagkaing mayaman sa vitamins and minerals.
- Kung ayaw kumain ng kids ng gulay o prutas, maaari din itong painumin sa mga ito para masigurado na nakukuha nila ang kinakailangang vitamins and minerals para lumakas ang kanilang resistensya.
- Siguraduhin na sapat ang pahinga nito, kaya importante na sinisigurado na maaga ang mga kids matulog.
- Limitahan ang pagkain ng matatamis na pagkain para maiwasan ang tonsilitis, na maaaring magdulot ng lagnat o fever.
- Ugaliing uminom sila ng tubig para sila ay hydrated.
- Turuan at siguraduhin na naghuhugas ng kamay ang mga kids para maka-iwas sa mga mikrobyong maaaring magdulot ng lagnat o fever.
- Kung lalabas ng bahay, siguraduhin na may pabaon na kapote, botas at payong, para makaiwas sa sakit na dulot ng ulan at baha.
Mga Dapat Tandaan Kung Ang Bata ay Mayroong Lagnat
Source: https://pixabay.com/en/baby-boy-son-child-infant-1266117/
Painumin ng paracetamol
Ang paracetamol ay isang mainam na fever medicine para mapababa ang temperature at mabawasan ang pananakit ng katawan ng bata. Siguraduhin na ang gamot na ito ay angkop sa edad ng bata. Para sa mga batang edad 0-1 years old at 1-2 years old, maaaring mahirap painumin ito ng gamot, kung kaya’t maaaring gumamit ng suppository upang mapadali ang pagbigay ng paracetamol sa mga bata.
Paglagay ng cold-compress sa noo
Ang paglagay ng malamig na tuwalya sa noo ay isang mainam na fever treatment upang mapababa ang temperature ng bata kung may lagnat o fever ito.
Pag-inom ng maraming tubig
Mainam na painumin ng tubig ang bata upang maiwasan ang dehydration dulot ng lagnat.
Pagpaligo gamit ng sponge bath
Upang mapanatili na malinis at presko ang bata, maaari siyang paliguan o punasan gamit ng tuwalya o sponge na binasa gamit ng maligamgam na tubig.
Pasuotin ng presko na damit
Siguraduhin na preskyo ang suot ng bata para kumportable ito at hindi madalas pagpawisan.
Regular na pagpalit ng damit
Kapag pinagpawisan, siguraduhin na bigyan ito ng sponge bath at palitan agad ng panibagong damit para maiwasang lumala ang lagnat nito.
Dahil nalipat ang pasukan sa panahon ng tag-ulan, importante na sapat ang kaalaman ng mga magulang sa mga sakit na maaaring makuha ng mga bata sa mga panahong ito, paano ito iwasan at paano ito gamutin, para maka-sigurado na hindi maantala ang pag-aaral ng mga kids. Tulad ng kasabihan, “prevention is better than cure”.
Sources: