How to Get Rid of Muscle Pain from Sports

December 20, 2018

Nangangailangan ng matinding disiplina ang pagiging dedicated sa isang sport. Bukod sa pananatiling malakas at malusog ng katawan, hindi rin masama na maging malayo sa pananakit nito lalo na kung kakatapos lamang ng ilang rounds ng laro.

 

Eto marahil ang hindi nakaka-enjoy na side ng sports: ang body pain. Bagama’t normal na parte ng paglalaro ng sports ang sore muscles, mainam pa rin na may baong tamang kaalaman tungkol sa muscle pain remedy nang sa gayon, sa oras ng pangangailangan, alam natin ang gagawin para maibsan ang sakit ng katawan.

 

Sa panahon din ng emergency tuwing may paligsahan o pag-eensayo, makakatulong tayo sa pagpapabuti ng kalagayan ng kasamahang nakakaranas ng pananakit ng katawan.

 

Bago ang lahat, pag-usapan muna natin kung ano ang muscle pain at bakit nakakaranas nito lalo na matapos ang isang maaksyong gawain gaya ng paglalaro ng sports.

 

Bakit nagkakaroon ng muscle aches?

 

Dahil sports ang pinag-uusapan, karaniwang sanhi ng sore muscles ay ang tension sa kalamnan, lalo na kung may mga biglaang malalaking paggalaw na ginawa habang naglalaro. Kasama na rin sa mga dahilan ng pananakit ng katawan ay ang kakulangan sa tamang warm-up bago magsimula ng kahit anong physical activity na mabigat, hindi lamang sa sports. Sigurado ring makakapagpasakit ng muscles ang dire-diretso at sagarang paggamit ng mga kalamnan at hindi pagpapahinga. Dahil dito, nawawalan ng oras makapag-repair ang mga nasirang tissue sa muscles. Hindi na rin bago ang usaping injury o pinsala pagdating sa sports, at kasama rin ito sa pangunahing sanhi ng muscle aches dahil sa labis na tension.

 

Kung nakakaranas naman ng ganitong pananakit ngunit walang sports involvement na nangyari, maaaring ito ay dala ng alinman sa mga kondisyong ito:

 

  • Trangkaso;
  • Side effect ng gamot;
  • Fibromyalgia; o
  • Mental o emotional stress;
  • Lupus.

 

Kadalasang nararanasan ang pananakit ng katawan sa likod, dibdib, balikat, at leeg. Mayroon naman ding muscle aches in legs, partikular sa binti o hita.

 

Anu-ano ang mga pwedeng gawin para mabawasan at mawala ang sore muscles?

 

Para sa muscle pain relief, may ilang remedies na pwedeng subukan base sa level ng sakit na dala ng muscle tension mula sa labis na physical activity. Ang mga sumusunod na muscle pain treatment ay maaaring subukan:

 

  1. Uminom ng pain reliever.

 

Kung hindi nawawala sa pagpapahinga ang sore body, may mga nabibiling over-the-counter na pain relievers gaya ng ibuprofen. Mainam ang pain reliever for muscle pain para sa mabilis na guminhawa mula sa myalgia, sakit ng likod, at maging stiff neck. Inirerekomenda na uminom ng isang tablet nito every 6 hours o kapag kailangan. Mainam din na sundin ang iniresetang dosis ng doktor lalo na kung dahil sa injury ang nararanasang muscle pain.

 

Paalala: Huwag uminom ng lagpas 6 na tableta sa loob ng 24 oras. Hindi rin dapat uminom nito nang mahigit sa sampung araw kung hindi ibinilin ng doktor.

 

Bukod sa ibuprofen, pain reliever din ang mefenamic acid. Isa itong non-steroidal anti-inflammatory drug o NSAID na lumalaban sa pamamaga ng muscles. Nagsisilbi itong muscle relaxant. Inumin ito nang may laman ang tiyan isang tableta sa loob ng 8 oras o depende sa payo ng iyong doktor.

 

Paalala: Gaya ng ibuprofen, huwag inumin araw-araw lagpas 10 days kung hindi ipinayo ng doktor.

 

  1. Maglagay ng hot o cold compress sa apektadong parte ng katawan.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

 

Kung matindi ang pamamaga ng kalamnan at walang galos ang paligid nito, gamitan ng cold compress o ice pack ang area. Para naman sa paninigas o stiffness na hindi gaanong malala, subukan ang hot compress sa loob ng 15 to 20 minutes.

 

  1. Magpahinga.

 

Kailangan ng oras ng mga muscle para makapag-relax at para magkaroon ng pagkakataon na makapag-repair ng mga tissue ang katawan. Makakatulong sa prosesong ito kung iinom ng Vitamin C supplements dahil napapataas nito ang resistensya at napapabilis ang paggaling. Huwag magmadaling bumalik agad sa paglalaro kung hindi pa tuluyang nawawala ang muscle pain. Maaaring magtamo ng mas malalang pinsala kung pipilitin ang sarili na sumabak muli sa sports nang hindi pa tuluyang nakaka-recover.

 

  1. Magsagawa ng muscle exercises.

 

undefined

Photo from Unsplash

 

Hindi nakakabuti sa katawan ang pabigla-biglang paggalaw nang mayroong malakas na pwersa. Dito papasok ang mabubuting benefits ng stretching o pag-uunat. Binabanat nito ang mga kalamnan para mapainam ang kakayahan at lawak ng lakas para makatanggap ng external na tension. Tinatawag itong warm up sa simula ng ehersisyo o training at cool down naman matapos gawin ang preliminary stretches.

 

  1. Manatiling hydrated.

 

Maging ang mga muscle ay nangangailangan ng sapat na hydration para mapabilis ang pag-recover mula sa tension at pagod. Siguraduhing magbaon lagi ng tubig lalo na kung pinaplanong maglaro ng sports nang matagal na oras. Bukod dito, mare-replenish din ang mga nawalang electrolytes sa katawan dahil sa pagod.

 

 

Kailan dapat ipatingin sa doktor ang sore muscles?

 

Karaniwan, tumatagal lamang ng 3 hanggang 5 araw ang pananakit ng katawan na dulot ng tension. Kung lumagpas na rito ang tagal ng muscle pain, magpakonsulta na sa iyong doktor para makasigurado. Ilan pa sa mga senyales na dapat nang mabigyan ng medical attention ng professional ang iyong body pain ay ang mga sumusunod:

 

  • Hindi nawawalang sakit ng katawan pagkatapos gamutin at ipahinga;
  • Pagsakit lalo ng mga kalamnan matapos uminom ng gamot;
  • Hindi malaman na pinagmumulan ng pananakit ng katawan; at
  • Pagkakaroon ng lagnat na may kasamang pagkahilo at pagsusuka kasabay ng body pain.

 

Malaking puhunan ang kalusugan para lubusang mahasa ang skills, lakas, at diskarte sa sports. Alagaan nang mabuti ang muscles para makaiwas sa anumang pinsalang maaaring kaharapin. Huwag kalimutang magkaroon ng nutritious diet na sagana sa protein, fiber, at calcium para mapalakas ang muscles at bones. Ugaliin ding mag-ehersisyo nang regular kahit hindi sasabak sa sports para mapanatiling masigla at malakas ang katawan, maliksi at malayo sa anumang sakit.

 

Source:

 

https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/muscle-pain

https://www.healthline.com/health/chronic-pain/treating-pain-with-heat-and-cold#cold-therapy