First Aid para sa Muscle Pain at Bone Injuries Ngayong Summer
May 26, 2017
Ngayon summer ang panahon kung kailan uso ang paglalaro sa kalye ng mga bata, mga pa-liga ng basketbol sa barangay at kung anu ano pang pisikal na gawain. Kung kaya’t ito rin ang panahon kung kailangan marami ang natatapilok, napipilayan at nababalian ng buto.
Isa-isahin natin ang mga injury na maaaring mangyari sa buto at kalamnan maging ang first aid para dito.
1. Fracture o Pagkabali ng buto
Ang fracture ay ang medical term para sa bali ng buto. Ang isang tao ay maaaring magkaranas ng fracture dalawang beses sa buong buhay nito. Nababali ang buto kapag hindi nakayanan ng buto ang pwersa mula sa labas tulad ng pagkakadagan o pagkakabangga sa mabigat o matigas na bagay.
Ang sarado at bukas na bali ay ang dalawang uri ng bali. Walang sugat sa parte ng saradong bali, samantalang sa bukas na bali naman ay may sugat at mayroong parte ng buo o laman na lumalabas mula sa sugat.
Ito ang mga palatandaan na ang isang tao ay may fracture:
- Nakakaranas na sakit malapit o sa mismong bahagi ng injury.
- Hirap gumalaw ng normal.
- Pamamaga ng apektadong bahagi ng katawan.
- Mayroong pasa o di kayaý nangingitim ang apektadong area.
First Aid Para sa Fracture
- Kung may sugat na nagdudugo, patigilan ito. Lagyan ng malinis na bandage ang sugat.
- Sabihan ang pasyente na huwag galawin ang bahaging apektadong.
- Gumamit ng malapad na bandage para maiwasan ang paggalaw ng mga joints sa taas at baba ng fracture. Icheck ang bandage every 15 minutes.
- Lagyan ng cold compress ang apektadong bahagi dahil napipigilan nito ang blood vessels para mawala ang pamamaga.
- Tumawag ng ambulansya.
- Huwag susubukang ibalik ang buto sa posisyon nito.
2. Sprain o Pilay
Ang sprain o pilay sa tagalog ay ang pinsala sa ligaments at muscles na nasa paligid ng kasukasuan. Nangyayari ito kapag gumalaw sa maling paraan gaya ng pagkatapilok. Ang pinaka karaniwang sprain ay ang sprain sa bukong bukong. Halos 250,000 katao ang nagkakaroon ng ankle sprain araw-araw.
Ang mga sumusunod ay ang mga palatandaan ng sprain:
- Matinding sakit sa bahagi ng katawan na naapektuhan.
- Limitadong paggalaw.
- Pamamaga at pagkakaroon ng pasa sa paligid ng injury.
Gawin ang RICE bilang first aid sa sprain.
- R - Rest. Iwasan ang paggalaw ng apektadong bahagi.
- I - Ice. Gumamit ng yelo para sa pamamaga.
- C - Compression. Lagyan ng bandage ang injured na bahagi para mabawasan ang pamamaga at maibsan ang sakit. Huwag masyadong sikipan ang bandage.
- E - Elevation. Hangga't maaari, itaas ang apektadong bahagi mas mataas kaysa sa puso.
3. Muscle Pain
Ito ay ang pananakit ng kalamnan na sanhi ng injury, pagod o pamamaga. Maaari itong mangyari sa iba't-ibang parte ng katawan pagkatapos ng isang matinding pisikal na aktibidad lalo na kung hindi nag-warm up o nagamit ng matagal na oras ang mga muscles. Kung bago lamang sa paglalaro ng basketbol o kakasimula palang mag-ehersisyo, paniguradong makakaranas ng muscle pain. Karaniwang nawawala ito ng kusa sa loob ng ilang araw.
Kung mayroong muscle pain, ito ang mga maaaring gawin para maibsan ang sakit:
- Lagyan ng ice pack o cold compress ang apektadong bahagi sa loob ng 15 minuto kung ito ay namamaga. Kung wala namang pamamaga, maaaring heat pack ang ilagay para gumanda ang daloy ng dugo.
- Ipamasahe ng dahan dahang ang bahagi na masakit. Malaking tulong ito para mawala ang tension sa mga muscles.
- Maaaring uminom ng pain relievers gaya ng paracetamol, ibuprofen o di kaya’y mefenamic acid.
- http://news.abs-cbn.com/lifestyle/12/11/14/how-provide-first-aid-fractures
- http://www.webmd.com/first-aid/understanding-sprains-strains-symptoms
- http://healthywa.wa.gov.au/Articles/F_I/First-aid-for-fractures-and-dislocations
- http://healthywa.wa.gov.au/Articles/F_I/First-aid-for-sprains-and-strains
- http://www.firstaidguide.net/sprains-and-dislocations/
- https://www.stjohnqld.com.au/getmedia/cc270c3e-a69e-43ad-a286-68a0fb394a74/sprainsandstrains2012.pdf.aspx?ext=.pdf
- http://www.webmd.com/a-to-z-guides/understanding-fractures-symptoms
- http://www.webmd.com/a-to-z-guides/understanding-dislocation-symptoms
- https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-hakbang-para-malunasan-ang-muscle-pain
- https://www.healthxchange.sg/fitness-exercise/sports-injuries/how-relieve-sore-muscles-pain
- http://www.webmd.com/fitness-exercise/features/art-sore-muscles-joint-pain#1
- https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/muscle-pain