5 Paraan Para Maiwasan ang Zoom Fatigue

October 14, 2020

Dahil sa mga pagsubok na dala ng COVID-19 pandemic, kinailangan magpatupad ng mga patakaran upang makatulong sa laban kontra sa paglaganap ng sakit na ito. Ilang halimbawa sa mga patakarang ito ay ang pagbabawal sa mass gatherings at pagpapahalaga sa physical distancing. Kaya naman, napilitan ang buong mundo na mag-adjust at maghanap ng mga kakaibang paraan upang makasabay sa mga pagbabagong ito.

Nagkaroon ng mga malawakang pagbabago partikular na sa working set-up ng iba’t ibang sektor. Napilitan ang mga employer, sa tulong narin ng makabagong teknolohiya, na gumamit ng remote work-from-home schemes upang mapanatiling operational ang kanilang mga industriya.

Isa sa mga makabagong teknolohiyang ito ay ang video call applications tulad ng Zoom, Google Hangouts, Skype at Viber kung saan maaring magdaos ng mga meeting at maparating ang mga mahalagang impormasyon patungkol sa pagpapatakbo ng kanilang industriya, negosyo, o proyekto.

Subalit kaakibat din ng makabagong teknolohiya na ito ay ang bagong uri ng fatigue na kung tawagin ay “Zoom fatigue” na hango naman sa pinaka sikat na video call app na Zoom. Importanteng malaman ang mga sintomas na kaakibat ng mga matagalang interaksyon sa cyberspace na kapag lumala, ay maaring makaapekto sa performance sa trabaho.

Ito ang limang hakbang na maaring gawin upang mapanatiling balanced ang pagtalakay sa iyong pang araw-araw na online interactions at makaiwas sa mga ‘di kanais-nais na kumplikasyon na maaaring dulot ng mga matagalang video call.

  1. Maglaan ng oras para sa maikling pahinga

Maraming pag-aaral na nagsasabing mainam na sundan ng maikling 15-minute break sa ang bawat 60 hanggang 90 minuto ng pagtatrabaho. Mapapababa nito ang nararamdamang fatigue at makakatulong din sa pagiging produktibo. Mainam din na bigyan ang sarili ng masahe sa likod, kamay, at leeg, pati na rin maglaan ng sapat na oras para sa lunch break na tulad ng nakaugaliang gawin sa opisina.

  1. Tumayo at mag-stretching

Ang matagalang pag-upo sa harap ng digital screens ay maaring magdulot ng long-term physical damage. Ang pagsakit ng likuran, eye strain at migraine ay iilan lang sa mga kadalasang reklamo ng mga matagal ng nakaupo sa harap ng kompyuter. Kaya naman, importateng maglaan ng ilang minuto mula sa iyong work schedule para sa simpleng stretching exercises upang maiwasan ang over fatigue na dulot ng matagalang pag-upo sa harap ng kompyuter.

undefined

Source:https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-beautiful-woman-thinking-brainstorming-future-1739722418

 

  1. Baguhin ang work environment

Gaya ng sinabi kanina, malaking bahagi ng iyong araw ay nilalaan sa pag-upo sa harap ng kompyuter o anumang device na maari namang magdulot ng masamang epekto sa overall health. Isang mabisang paraan para mahikayat ang paggalaw sa pagitan ng ilang oras ng pagtatrabaho ay ang baguhin ang iyong kapaligiran. Subukang maghanap ng work area kung saan madadalian kang mag-alternate sa pag-upo at pagtayo upang ma-refresh ang iyong isip at ma-energize para lalong ganahan sa trabaho.

  1. Sundin ang 20/20/20 Rule

Sa panahon ng social distancing, tumaas ang paggamit ng mga mobile devices, tablets, desktop computers at laptops na mahalaga upang mapanatili ang connection sa digital spaces. Dahil dito, nakasanay na ang matagal na pagtitig sa mga screen na maaring magdulot ng fatigue symptoms, partikular ang eye strain at humantong sa tuluyang paglabo ng mga mata.

Ang pinakamabisang pangontra sa eye strain ay ang simpleng paglaan ng ilang segundo o minuto ng hindi nakatitig sa screen. Sa 20/20/20 rule, sinasabing kada 20 minutes na nakatitig sa screen ay dapat magbigay ng 20 seconds para tumitig sa ibang bagay na 20 ang layo sa iyo. Mabibigyan nito ng sapat ng panahon para makapag-relax ang mga muscle sa mata at makakatulong para maiwasan ang ilang sintomas ng eye strain tulad ng dry eyes, headaches, eye redness at blurred vision.

  1. Iwasan ang multitasking

Madaling sabihin na dahil hindi na kailangang umalis ng bahay, mas magiging produktibo ka dahil maisasabay na sa trabaho ang mga gawaing bahay at responsibilidad sa pamilya. Pero sinabi narin ng ilang mga pagaaral na maaring bumaba ang kalidad ng output kapag pinagsasabay-sabay ang mga gawain. Kapag nag mu-multitask, nilalaan mo ang iyong atensyon sa ilang mga bagay ng sabay sabay na kadalasan ay nagreresulta sa kawalan ng focus at pagbaba ng productivity.

Iwasan mag multitask lalo na kapag may video call dahil nababaling ang iyong atensyon mula sa iyong kausap patungo sa ibang bagay. Ugaliing isara ang mga hindi importanteng tabs sa iyong web browser pati narin ang mga software na hindi kailangan sa trabaho. Mainam din na itabi ang cellphone at maglaan ng tamang oras para sa mga gawaing bahay.

Halos araw-araw ay mayroong mga pagbabago sa paraan ng pamumuhay dahil sa mga pagsubok na dala ng COVID-19 pandemic. Kadalasan ay binabaliwala natin ang ilang fatigue causes tulad ng matagal na pagtitig sa screen ng kompyuter na, kapag hindi binigyan ng agarang pansin, ay maaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan.

Ang “Zoom fatigue” at mga sintomas nito tulad ng migraine, muscle fatigue, at eye strain ay isang uri lang ng fatigue na kadalasang hindi napapansin ng karamihan dahil narin sa work-from-home set-up na maaring magbigay ng false sense of comfort pagdating sa kalusugan.

Ang pagkilala sa mga sintomas na dulot ng matagalang pagtitig sa screen, at simpleng pagbago ng work-from-home habits ay tiyak na magreresulta sa mas productive na work environment at kalidad na output na siya naman susi para mapanatiling balanse ang professional at personal life.

 

Source:

https://www.fastcompany.com/90532800/8-ways-to-save-your-audience-from-zoom-fatigue