Ano ang singaw?
Ang singaw ay maliit na sugat na maaaring tumubo sa ilang bahagi ng katawan. Madalas itong nararanasan sa ilang parte ng bibig gaya ng lalamunan.
Tinatawag na “throat ulcer”, ang singaw ay malaking abala sapagkat ang ating lalamunan ay ating ginagamit sa pagkain at pagsasalita.
Mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng singaw sa lalamunan:
- Chemotheraphy o Radiation therapy upang magamot ang cancer
- Bacterial infection
- Fungal infection dulot ng candida albicans
- Viral Infections dulot ng coxsackie A virus
- Cancer
Ano ang mga sintomas ng singaw sa lalamunan?
- Pananakit ng lalamunan o sore throat
- Lagnat at pakiramdam na nilalamig
- Pananakit ng mga kasu-kasuan
- Sumasakit ang lalamunan sa tuwing lumulunok
- Hindi makalunok nang maayos
- Pakiramdam na mayroong bukol sa lalamunan
- Madalas na pag-ubo
Anu-ano ang dapat gawin upang maibsan ang sakit na dulot ng singaw?
- Umiwas sa maaanghang na pagkain o mataas ang acidity level
- Huwag muna gumamit ng matatapang na mouthwash. I-konsulta muna sa dentista o doktor kung pwedeng gamitin ito habang ikaw ay mayroong singaw
- Pansamantalang itigil muna ang paninigarilyo at pag-inom ng alak
- Kumain muna ng mga pagkaing malalambot tulad ng yogurt, mashed potatoes, soup, o noodles
- Subukang magmumog ng tubig, asin at baking soda
- Uminom nang maraming tubig ngunit huwag biglain ang paglunok o pag-inom
- Iwasan ang mga matatamis na pagkain na maaaring makairita ng lalamunan
Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng singaw sa lalamunan:
Umiwas sa mga sakit na maaaring magdulot ng singaw sa lalamunan. Iwasan ang mga taong mayroong sakit. Palaging maghugas ng kamay bago at pagtapos kumain.
- Uminom ng gamot na inireseta ng iyong doktor
Bukod sa pag-inom ng gamot, huwag kalimutang uminom palagi ng tubig kasabay nito.
- Tumigil muna sa mga bisyo
Ang pag-inom ng alak pati ang paninigarilyo ay nakakapagpalala lamang ng singaw sa lalamunan at mas tumataas lamang ang tiyansang magkaroon ng cancer o iba pang komplikasyon sa iyong kalusugan.
- I-manage ang pagkakaroon ng acid-reflux
Hindi lamang nakakapagpabuti ng iyong lalamunan ang pag-iwas sa mga pagkaing mataas ang acidity, nakakatulong din ito sa iyong pagkalahatang kalusugan.
Huling Paalala:
Para naman tuluyang gumaling ang iyong singaw sa lalamunan, siguraduhing magpakonsulta sa doktor
para mabigyan ng angkop na gamot tulad ng Ritemed Clarithomycin. Huwag kalimutan na uminom ng maraming tubig at magpahinga para matulungan ang katawan na maka-recover.
References:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/320621.php
https://www.healthline.com/health/throat-ulcers
https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/mouth-ulcers