Mga Pagkaing Pwede Maging Sanhi ng Constipation

August 08, 2022

Ang constipation o pagtitibi ay isang karaniwang problema na nilalarawan bilang pagkakaroon ng mas mababa sa tatlong pagdumi kada-linggo. Humigit-kumulang 27% ng mga matatanda ang nakakaranas nito at ng mga kaakibat nitong sintomas, tulad ng pagkakaroon ng kabag. Mas madalas na nakakaranas ng pagtitibi ang mga mas nakatatanda at mga hindi physically active na mga tao.

 

Ang pagtitibi ay isang kumplikadong kundisyon. Madaming mga salik, tulad ng pagkain, pamumuhay, at mga karamdaman, ang maaaring maging sanhi nito. Sa karamihan ng mga taong may malusog na pangangatawan, ang pagkonsumo ng isang serving ng partikular na pagkain ay hindi kadalasang

nagdudulot ng constipation.

 

Gayunpaman, sa mga taong may problema sa pagtunaw ng pagkain o may ibang karamdaman, maaaring ang pagkain ng ilang pagkain ay nagdudulot o nagpapalala ng pagtitibi.

 

Ayon sa National Health Service (NHS) sa United Kingdom, ang isang taong ay maaaring mas madalas makaranas ng pagtitibi kung sila ay:

-Buntis

-Madalas gumagamit ng pampadumi

-Kumakain ng kakaunting fiber

-Hindi sapat ang iniimon na tubig

-Nakakaranas ng stress, anxiety o depression

-Wala masyadong pisikal na aktibidad

 

Mayroon ring mga karamdaman na nakakaapekto sa pagtunaw ng pagkain tulad ng:

-Irritable bowel syndrome (IBS)

-Small intestinal bacterial overgrowth

-Inflammatory bowel disease (IBD)

-Diverticulosis

 

Bukod dito, maaari ring magdulot ng pagtitibi ang ilang gamot at supplement tulad ng iron, gamot sa nangangasim na sikmura, at opioid na gamot sa sakit.

 

Mga Pagkaing Nagdudulot o Nagpapalala ng Pagtitibi

 

  1. Mga Pagkaing Gawa sa Gatas

 

Kung madalas na nagkakaroon ng constipation, mainam na suriin ang mga kinakain. Ilan sa mga pagkain na dapat bantayan ay ang keso at gatas. Ang mga sanggol at mga malilit na bata ay ang pinakananganganib na makaranas ng pagtitibi, dahil sa posebilidad ng pagkaroon ng reaksyon sa protina mula sa gatas ng baka. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang nakaranas ng pagtitibi dahil sa gatas ng baka ay bumuti ang pagdumi noong pinalitan ang gatas nila ng soy milk.

 

Ngunit, sa mga matatanda, hindi naman kinakailangan na iwasan ito ng tuluyan  – bawasan lamang ang pagkain nito at palitan ang mga kinakain na produkto. Subukang kumain ng yogurt na may probiotics. May mga buhay na bakterya ito na maganda para sa tiyan na maaaring makabawas sa pagtitibi.

 

  1. Fast Food o mga Nakahanda na na Pagkain

 

Ang pagkakaroon ng abalang pamumuhay ay maaaring isa sa mga dahilan kung bakit mas madalas kumain ng fast food ang mga tao. Ang mga nakahanda na na pagkain ay mas mabilis bilhin at kainin, ngunit maaari rin itong magdulot ng pagbagal ng digestion. Karamihan dito ay kulang sa fiber, na kinakailangan ng katawan upang makadaan ang pagkain sa bituka. Sa pamamagitan ng pagpili ng pagkain na madaming fiber, maaaring mapabilis ang pagtunaw ng pagkain sa tiyan.

 

Ang mga pagkain tulad ng chichirya, cookies, tsokolate, at ice cream ay maaaring pumapalit sa mga pagkaing mayaman sa fiber, tulad ng prutas at gulay, sa diyeta ng isang tao. Dahil sa kakulangan ng fiber na nakokonsumo araw-araw, nagkakaroon ng constipation.

 

 

 

 

  1. Pritong Pagkain

 

Ang mga piniritong pagkain ay puno ng taba at mas mahirap tunawin. Kapag mabagal ang paggalaw ng pagkain sa bituka, madaming tubig ang nababawas dito. Bukod dito, maraming asin ang mga pritong pagkain, na nakakabawas din sa tubig sa dumi. Ito ang nagiging dahilan kung bakit matigas at tuyo ang lumalabas na dumi.

 

  1. Itlog

 

Ang itlog ay madaming protina ngunit kakaunti ang fiber. Hindi kinakailangang tanggalin ang itlog sa diyeta, ngunit mas mainam kung magdadadagdag ng pagkain na madaming fiber. Subukang kumain ng omelette na may kamatis at sariwang gulay.

 

  1. Red Meat

 

Hindi kapareho ng ibang karne, tulad ng manok at isda, ang red meat ay mas madaming taba na nagpapabagal sa pagtunaw ng pagkain. Puno ng protina ngunit kulang sa fiber, ang pagkain ng red meat ay dapat binabalanse ng pagkain ng gulay. Makakatulong ito sa mas epektibong pagtunaw ng pagkain sa tiyan.

 

  1. Matatamis na Pagkain

 

Ang pagkain ng matatamis na panghimagas ay dapat paminsan-minsan lang, hindi pang-araw-araw. Ang mga pastry, cookies, at ibang matatamis na pagkain ay madaming asukal at taba, at kakaunti ang fiber at tubig. Kung gustong kumain ng matatamis, maaaring piliin ang prutas tulad ng strawberry at isama sa yogurt.

 

  1. Pagkain na Gawa sa Processed Grains

 

Ang pagkain ng sobrang white bread ay maaaring magdulot ng matigas at tuyong dumi. Gawa ito sa harina na kakaunti ang fiber. Ang iba pang produkto na gawa sa processed grains ay ang white rice at white pasta. Maaaring palitan na lamang ito ng whole-grain na mga produkto para mas makatulong na mapadali ang pagdumi.

 

  1. Alak

 

Tulad ng kape, ang alak ay nagpapahirap na magpanatili ng tubig sa katawan. Kung madami ang ininom na alak, maaaring maraming tubig ang mailabas sa ihi, na maaaring maging sanhi ng dehydration. Kung umiinom ng alak, siguraduhing sasabayan ito ng tubig upang maiwasan ang pagkakaroon ng matigas at tuyong dumi.

 

Hindi lahat ay nakakaranas ng pagtitibi dahil sa alak. Ang iba naman ay nagkakaroon ng diarrhea. Maaaring iba’t iba ang reaksyon ng bawat tao sa alak, ngunit ang mahalaga ay ang pag-inom ng madaming tubig upang hindi magkaroon ng dehydration.

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-man-eating-salad-393177625

 

Mga Dapat Gawin Kapag May Constipation

 

May mga pagkain na nakakatulong upang pagandahin ang kalagayan ng tiyan. Upang mabawasan ang pagtitibi, iwasan ang mga pagkain na nakalista sa taas at palitan ito ng mga pagkaing sagana sa fiber tulad ng prutas, gulay, probiotics, at mga pagkaing gawa sa whole wheat. Maaari ring magrekomenda ang doktor ng mga alternatibong gamot tulad ng mga pampalambot ng dumi.

 

Kung hindi gumagaling ang constipation sa pamamagitan ng pagbabago ng diyeta at mga gamot na pampadumi, mainam na magpatingin sa doktor upang masuri kung ano ang dahilan ng hirap sa pagdumi. Ang ilan sa mga sintomas na nagpapahiwatig na maaaring may seryosong kundisyon na kaakibat ang pagtitibi ay ang mga sumusunod:

-Pababalik-balik na pagtitibi

-Sakit ng tiyan

-Dugo sa dumi

-Pagsusuka
 

References:

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/list-of-foods-that-cause-constipation

https://www.healthline.com/nutrition/8-foods-that-cause-constipation

https://www.webmd.com/digestive-disorders/ss/worst-foods-for-constipation