Mga Habit Na Di Natin Alam ay Nakakasira ng Eyesight

August 08, 2022

Pagtingin sa smartphone o kompyuter ng buong araw   

 

Pinakauna sa listahan ito dahil sa panahon ngayon, walang araw ang nagdadaan na hindi ka makakakita ng tao na nakatitig sa smartphone. Ngunit hindi mo ba pansin kung bakit kapag buong araw kang nakatingin sa isang smartphone ay parang pagod ka? Kapag nagbabasa ng maliliit na letra at salita sa screen —  kung saan naka-expose ka sa blue light — bumabagal ang pagkurap ng iyong mga mata, at sunod rito ay ang paggawa mo ng luha. Sa ganitong paraan, na walang lubrication ang mata galing sa luha, napapagod at natutuyo ang iyong mga mata, na nagdudulot ng malabong paningin. Itong pakiramdam ng pagod ay maaaring tumagal ng ilang oras at magdulot ng sakit ng ulo. May mga pag–aaral rin na nagpapakita na ang mas maraming screen time ay maaari magdulot ng pagkasira ng iyong retina, isang bahagi ng ating mata, at nagpaparami ng mga nearsighted sa buong mundo.

 

Ang rekomendasyon ng American Academy of Ophthalmology ay ang “20 – 20 – 20” rule para mabawasan ang eye strain. Kada 20 minuto na nakatingin ka sa screen, tumingin ka sa isang bagay na 20 feet ang ayo, sa loob ng 20 segundo. Makatutulong ito sa mga mata mo na magrelaks.

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/overworked-stressed-asian-business-woman-employee-1408485923

 

Pagkamot sa iyong mga mata

 

Maaaring makapagbigay ng panandaliang kaginhawaan ang pagkamot ng iyong mata, ngunit kinakalat mo rin ang dumi at bacteria kapag ginagawa ito. Ang pagkamot ng mata ay nakagagasgas rin sa cornea, ang transparent ng parte ng mata na parang harang sa harap. Kapag kinamot mo ang iyong mata, maari mo rin mas palalimin pa ang posisyon ng dumi. Ang mas mainam gawin ay kumurap ng maraming beses para tanggalin ng luha mo ang dumi. Kung hindi ito gagana, maaari kang gumamit ng eye drops para linisin ang mata.

 

Paninigarilyo

 

Kapag ikaw ay naninigarilyo, mas mataas ang chance mo na magkaroon ng cataract at pagkasira ng macula o ang parte ng mata na nagproproseso ng  nakikita mo sa harap mo dahil sa edad, o age–related macular degeneration. Kapag nasira ang parte ng mata mo na ito – ang macula – magiging malabo ang nakikita mo sa harap mo. Ito ang punong dahilan ng pagkahina ng paningin ng mga tao lagpas sa edad na 50. Kapag naninigarilyo ka, doble ang risk mo  na magkaroon nito.

 

Hindi pagpapa – check-up sa Ophthalmologist o Doktor ng Mata

 

Kahit pakiramdam mo ay perpekto ang iyong paningin, maaari pa rin na may mga panahon na nanliliit ang iyong mata para makakita ng mabuti – at hindi mo ito napapansin. Ang ibang mga tao ay nagpapatsekap lamang kapag may problema na sa kanilang mata. Maigi na magpatingin sa doktor ng mata para sa wellness check – up lamang, dahil maraming mga sakit sa mata na kapag nahuli ng maaga ay magpanatili ng paningin na mayroon ka ngayon.

 

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-beautiful-woman-looking-through-auto-2077198000

 

Pagsuot ng contact lenses sa swimming pool o shower

 

Ang pagsuot ng contact lenses sa kahit anong lugar na may tubig – dagat, pool, o shower – ay maaaring magpasok ng bacteria sa iyong mata. Pwede magkaimpeksyon ang iyong mata, o mas malala ay magdulot ng pagkabulag sa iyong mata. Maiging alalahanin at tanggalin ang iyong contact lenses bago maligo.

 

Pagtulog na may contact lenses

 

Tulad ng sa taas, kapag naiwan mo ang iyong contact lenses sa mata habang tulog, maaari magkaroon ng impeksyon ang iyong mata, o magdulot ng permanente na pagkasira. Kapag tatanggalin ang contact lenses sa gabi, siguraduhin rin na malinis ang iyong mga kamay, at damihan ang contact lens solution.

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-beautiful-woman-trying-put-contact-1831412602

 

Hindi paggamit ng safety goggles

 

Karamihan ng mga aksidente ng mata ay nangyayari sa bahay at pwede silang iwasan. Ang pinaka karaniwang mga dahilan ay ang:

- exposure sa mga cleaning products katulad ng bleach

- langis na tumatalsik habang nagluluto

- mga household work na may paggamit ng turnilyo

- paglilinis ng halamanan

- paggamit ng mga styling tools malapit sa mata.

 

Kahit hindi pangkaraniwan tingnan, maigi na magsuot ng goggles kapag gagawin ang ilan sa mga akitibidad sa taas upang maharangan ang iyong mga mata kapag may aksidente man na mangyari.

 

Hindi paggamit ng sunglasses

 

Ang malakas na sinag ng araw at ang kasamang ultraviolet exposure ay maaaring sumira sa iyong retina, ang parte ng mata sa likod na nakatatanggap ng nakikita mo, at nagpapadala ng signal sa optic nerve papunta sa utak. Maari ka rin magkaroon ng mas mataas na risk para sa cataract.  Kung maaari ay sanayin ang sarili magsuot ng sunglasses kapag magtatagal sa ilalim ng araw.

 

Paggamit ng expired na makeup

 

Maaaring magdulot ng  impeksyon ang expired eye makeup. Ayon sa American Academy of Ophthalmology, maigi na itapon ang eye makeup pagkatapos ng tatlong buwan. Maganda raw tandaan na kapag nagkukumpul–kumpol na ang iyong makeup, kailangan na itong itapon.

 

Kakulangan sa pag – inom ng tubig

 

Kapag kulang ang iyong iniinom na tubig, mababawasan ang luha na ginagawa ng iyong mata. Maaari rin magmukhang tuyo at mapula ang iyong mata kapag ikaw ay kulang sa tubig.

 

Alagaan ang Paningin sa mga Maliliit ngunit Makabuluhang Habits

 

Ang ating paningin ay isang napakagandang sense na kailangan natin pangalagaan. Sa pamamagitan ng pag–alala sa mga habit na nabanggit, mapatatagal natin ang gamit ng ating mga mata, at mapananatili itong malayo sa pagkasira. Mas magiging maganda ang kalidad ng ating pang–araw–araw na pakikitungo sa mga tao sa paligid natin, mas madali natin magagawa ang ating trabaho at mas mapahahalagahan natin ang kagadahan ng ating paligid, tirahan, at kalikasan.

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/close-beauty-woman-pointing-her-eye-1205697889

 

Resources:

 

https://www.self.com/story/everyday-habits-that-are-hurting-your-eyesight

 

https://www.goodhousekeeping.com/health/a26167/habits-hurting-eyes/

 

https://ocvt.info/7-habits-that-cause-bad-vision/