Tamang Kaalaman tungkol sa Psychosis

April 23, 2021

Ang psychosis o psychotic disorder ay isang mental disorder na nakakaapekto sa pag-iisip ng isang tao at sa mga pananaw o pang-unawa nito. Dahil may mga nakikita o naririnig na hindi totoo, nahihirapan ang taong may psychosis na malaman kung ano ang totoo at hindi sa kanyang kapaligiran.

 

Kilala rin ito bilang main symptom ng schizophrenia, isang mental disorder kung saan nahihirapan ang pasyente na tukuyin kung ano ang realidad at hindi.

 

 

Types of Psychosis

 

May ilang uri ng psychosis na dapat bantayan:

 

  • Bipolar psychosis – Maaaring makaranas ang mga may bipolar disorder ng psychosis kahit mataas o mababa ang mood ng mga ito.

 

  • Depression – Sa kaso ng malubhang depression, sinasamahan ito ng mga psychotic episode, dahilan para lalong mabalisa.
  • Drug psychosis – Tinatawag ding substance-induced psychosis, ang pag-abuso sa alkohol, recreational drugs, at prescription drugs ay nakakapagbigay ng psychotic break sa isang tao.

 

Bakit nagkakaroon ng psychosis?

 

Posibleng makuha ang psychosis kung mayroon ng mga sumusunod na kondisyon:

 

  • Tumor o cyst sa utak;
  • Dementia, Alzheimer’s disease, at ibang neurological problems gaya ng Parkinson’s disease;
  • Epilepsy;
  • Stroke;
  • Mababang blood sugar;
  • Multiple sclerosis; at
  • Stress.

 

Pwede ring makaaapekto sa risk ng pagkakaroon ng psychosis pagmana ng genes ng mga mayroong schizophrenia o bipolar disorder. Ang hormones ay posible ring makapag-trigger ng psychosis, lalo na sa mga kakapanganak pa lamang. Isa pa ring factor ang pagkakaroon ng chemical imbalance sa utak.

 

Psychosis Symptoms

 

Nakadepende sa sanhi ng psychosis ang degree ng mga sintomas na mararanasan o kung gaano katagal ang kada psychotic episode. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga karaniwang senyales ng psychosis:

 

  • Hallucination;
  • Nakakarinig ng mga boses na walang ibang nakakarinig;
  • Pagiging delusyonal;
  • Pagiging unresponsive o hindi palakibo at palasagot;
  • Pabago-bagong mood;
  • Pagiging hirap sa pag-focus;
  • Problema sa pagtulog;
  • Depression;
  • Kawalan ng gana makisalamuha;
  • Mahinang stress management;
  • Malakas na mga kutob at takot sa mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao;
  • Pagiging kakaiba ng ideas; o
  • Pag-iisip tungkol sa suicide.

 

 

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/mental-health-treatment-concept-stressed-asian-1687905973

 

 

Paalala: Oras na narinig o nalaman na at-risk ang isang tao sa pananakit sa sarili o sa suicide, maaaring tumawag sa 911, psychiatrist ng pasyente, at mga taong pinagkakatiwalaan ng pasyente.

 

 

Psychosis Test

 

Depende sa mga sintomas, maaaring sumailalim sa clinical examination ang pasyenteng may psychosis. Ilan sa mga posibleng itanong ang mga sumusunod:

 

  • Family history ng mental o psychiatric illness;
  • Paggamit ng gamot – ipinagbabawal at prescription drugs;
  • Mga pangyayari sa buhay ng pasyente na maaaring naka-trigger ng psychosis; at
  • Injury o surgery sa ulo.

 

Psychosis Treatment

 

May mga gamot sa psychosis na maaaring ireseta ng psychiatrist para maiwasan ang mga psychotic break. Ang antipsychotic drugs ay ginagamit hindi para gumaling ang sakit ngunit para sa management ng mga sintomas nito. Ilan sa mga ito ang haloperidol, chlorpromazine, at clozapine. Ipinapaalala na uminom lamang ng alin sa mga ito sa ilalim ng obserbasyon ng doktor.

 

Bukod dito, may mga therapy sessions ding isinasagawa para maibalik ang pasyente sa realidad. Dito, malayang nakakapagsalita ang pasyente nang walang halong discrimination o panghuhusga mula sa kanyang espesyalista. Nabibigyan din dito ang pasyente ng mga wastong hakbang para mas mapabuti ang kalidad ng kanyang buhay.

 

Ipinapayo rin na maging bukas ang mga mahal sa buhay ng pasyente sa sa pakikipag-usap tungkol sa psychosis. Importante ang suporta mula sa mga kapamilya at kaibigan para mapagtagumpayan ang ganitong klase ng mental condition.

 

 

Sources:

 

https://www.medicalnewstoday.com/articles/248159