Tamang Activities to Engage our Mind & Body

April 23, 2021

Ang pangangalaga sa katawan ay hindi lang dapat nakatutok sa physical factors. Para sa tama at balanseng overall health, lahat ng aspeto ng kalusugan ay dapat binabantayan. Kasama na rito ang mental health.

 

Malaki ang ginagampanan ng mental health sa pang-araw-araw nating buhay. Dito nakasalalay ang ating mga mood at behavior, kaya naman kung may dinadala tayong kabigatan o kaya naman ay problema sa ating mental health, apektado pati ang pisikal na pangangatawan natin.

 

Biglaang bumababa o bumabagsak ang timbang, kulang kulang na ang nakukuhang nutrisyon, nahihirapang matulog, at napapabayaan na ang hygiene – ilan lamang ito sa mga epekto ng poor mental health sa ating physical health.

 

May mga activities na pwede ninyong gawin kasama ng inyong mga mahal sa buhay para mag-improve ang inyong mental state. Sa ganitong paraan, napapangalagaan din ang kalusugan ng pisikal na pangangatawan.

 

 

Anu-ano ang benefits ng fun activities?

 

Inirerekomenda ng mga eksperto ang ilang physical at mental activities para mapabuti ang kabuuang kalusugan. Bukod sa nababalanse nito ang pangangailangan pampalakas ng katawan at isip, narito pa ang ilang benefits ng activities:

 

  • Endorphins – Ang utak ang naglalabas ng chemical kontra-stress na tinatawag na endorphins. Ito rin ang nagbibigay sa atin ng good mood. Kung ang isang gawain ay nakaka-engage o stimulate ng katawan at isip, maraming nilalabas na endorphins ang utak.

 

  • Lumalakas ang resistensya – Kapag healthy ang katawan at isip, nakakaiwas tayo sa sakit. Napapabuti ng fun activities ang ating sleep habits, pagkonsumo ng masustansyang pagkain, weight management, positibong pananaw sa bahay.

 

  • Napapatibay ang puso – Karamihan sa mga dahilan ng heart diseases ang stress at unhealthy lifestyle na nakukuha kapag hindi balanse ang kalusugan ng katawan at isipan.

 

 

Anu-ano ang mga activities na nakakapag-improve ng physical at mental health?

 

  1. Exercise – Ito ay isang siguradong paraan para sanayin at disiplinahin ang katawan at isip. Napapabuti nito ang blood circulation, dahilan para makapagpadala ng normal na level ng dugo ang puso papunta sa utak at iba pang bahagi ng katawan. Karamihan sa treatment para sa iba’t ibang sakit ay sinasamahan ng ehersisyo.

 

  1. Dancing – Bukod sa pagiging active ng arms at legs, nakakatulong ang pagsayaw para mag-improve ang focus, mind-body coordination, at mood. Pwede itong gawin kahit saan, mag-isa man o may kasama.

 

undefined

 

Image from:

https://www.shutterstock.com/image-photo/happy-asian-family-preparing-food-kitchen-1010484394

 

 

  1. Art therapy – Ang music at iba pang uri ng arts gaya ng pagpipinta ay napag-alamang importante sa patuloy na paghasa ng isip kung saan naroon ang imagination at creativity. Kasabay nito, nakakatulong din ito sa katawan, lalo na sa joints at muscles sa kamay at braso. Garantisado rin itong makakapagpabuti ng mood dahil nakakapag-express ng emosyon ang isang tao sa pamamagitan ng arts.

 

  1. Meditation at spiritual practices – Ang pagme-meditate ay hindi lang exercise para sa isip. Nasesentro rin nito ang katawan sa pamamagitan ng relaxation para mawala ang stress at anxiety. Pwede itong sabayan ng yoga na nangangailangan ng koordinasyon ng katawan at isipan.

 

  1. Cooking – Isa sa mga pinakasikat na home activities, ang pagluluto ay kilala bilang therapeutic na paraan ng pagpapatalas ng isipan at pagpapagaan ng pakiramdam ng katawan. Natuturuan tayo nito ng organization skills at creativity, at nasi-stimulate din ang ating senses dahil sa amoy at lasa ng pagkain. Dahil ginagawa rin ito nang nakatayo, nananatiling active ang katawan at mga bahagi nito.

 

 

Marami pang paraan para patuloy na maging mabuti ang physical at mental health. Mas masayang gawin ang activities na mga nabanggit kung may kasamang kapamilya o kaibigan. Sa ganitong paraan, may pagkukuhanan  ng encouragement, lakas ng loob, at gana sa pagpapanatiling malusog ng overall health.

 

 

 

Sources:

 

https://my.clevelandclinic.org/health/articles/17231-exercise-mind-body-exercises--heart-health