Staying connected with family and friends during the pandemic.

August 19, 2020

Paano Maiiwasan ang Kalungkutan sa Panahon ng Pandemya

Social distancing, lockdown, at quarantine – ilan lamang ito sa mga pagbabagong dala ng coronavirus pandemic. Ang mga bagay na ito ay maaaring magdulot ng homesickness, stress, at anxiety sa mga taong apektado, lalong lalo na sa mga taong na-stranded at hindi makauwi sa kani-kanilang pamilya o iyong mga nangungulila sa kanilang mga kaibigan. At dahil dito ang mental health awareness ay isa pang isyu na dapat bigyang atensyon ngayong panahon ng pandemya.

Ang homesickness ay isang pakiramdam na tipikal na nagmumula sa mga pagkakataong ang isang tao ay napapalayo sa kanyang bahay. May mga pagkakataong ang mga bagay na ito ay nagdudulot ng kalungkutan na maaaring mauwi sa seryosong problema kalaunan. Gayunpaman, may mga paraan upang makaiwas sa stress at anxiety at maisantabi nang pansamantala ang pangungulila sa mga mahal sa buhay. Narito ang ilang payo para sayo.

Para sa mga nakararanas ng pisikal na sintomas ng stress

Ang mga bagay na nararanasan natin emotionally ay maaaring mag-manifest sa ating pisikal na katawan. Halimbawa, ang anxiety ay maaaring magdulot ng paninikip ng dibidb at lalamunan, labis na pagpapawis, o di kanais-nais na pakiramdam sa tiyan.

Kung ikaw ay nawawalan ng gana sa pagkain, maaring uminom ng mga bitamina na nagpapabalik ng gana sa pagkain o appetite stimulant.

Kapag ang mga ito ay iyong nararanasan, makakatulong ang breathing exercises. Paulit-ulit na huminga nang malalim upang mapakalma ng sarili. Makakatulong dun kung laging iisipin na walang dapat ikatakot o ikabahala. Iwasan ang labis na pag-iisip ng mga negatibong bagay at humanap ng mga libangan at gawain na makapagpapagaan ng loob.

undefined

(https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-beautiful-woman-thinking-while-drink-1111576217)

 

Panatilihin ang komunikasyon sa iyong pamilya kasama mo man sila o hindi. Malaking tulong ang pagpapanatili ng koneksyon sa mga mahal sa buhay lalo pa at napakaraming oras para gawin ito. Ang teknolohiya at social media ay malaking bagay lalo na sa mga taong hindi kasama ang pamilya ngayong panahon ng pandemya. Ang palagiang video-call sa pamilya o kaibigan na nasa malayo ay nakakapawi ng stress.

Para sa mga hindi alam ang dapat gawin

Ang ilan sa atin ay nababahala sapagkat hindi alam kung paano gagamitin ang oras habang quarantine. Ang totoo niyan ay napakaraming bagay na maaaring gawin upang magamit nang maayos ang oras.

Maaaring panahon na upang ipagpatuloy ang mga nakalimutang hobby o gawin muli ang mga bagay kung saan ka “passionate.” Maaari ring mag-aral ng mga bagong skills, o di kaya naman ay makilahok sa mga charitable activities online. Ang pagbabasa ng libro at panonood ng mga serye ay maganda ring libangan sa mga panahong ito.

Magandang pagkakataon din ito upang matutukan ang pag-aaral ng iyong anak. Samahan silang magbasa o i-monitor ang kanilang online class. Makakatulong din ang pagsasagawa ng mga activities upang malibang ang iyong anak. Maaaring maglaro ng board games at card games o di kaya naman ay gumawa ng mga art projects. Maganda rin na ikaw ay natututo mula sa iyong mga anak. Sa bakanteng oras, maaaring maglibang at magbonding sa pamamagitan ng Tiktok at ilan pang mga nauusong gawain.

Para sa mga walang maka-usap

Ang panahong ito ay magandang pagkakataon rin upang kumustahin ang mga kamag-anak, kaibigan, at kaklase na matagal mo nang hindi nakakausap. Maaaring mag-text o di kaya naman ay gumamit ng social media upang makusap sila. Huwag kalimutan ang mga kamag-anak na may edad na, pati na rin ang mga kaibigang naninirahan nang mag-isa at maging ang mga kakilala na may tendency na mag-self-isolate.

Makatutulong rin ang pagkausap sa therapist kung sa palagay mo ay nakakaranas ka ng stress. Tumawag rin sa mga kaibigan at huwag mahiyang mag-share ng iyong mga problema at agam-agam.

Maraming paraan upang maiwasan ang homesickness at stress na dulot ng coronavirus pandemic. Sa pamamagitan ng matalinong paggamit ng oras, positibong pananaw, at regular na pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay, mapapangalagaan natin ang ating mental health. Huwag matatakot na kumonsulta sa mga eksperto kung kailangan ng gabay.

 

Sources:

https://www.cbsnews.com/news/tips-to-ease-the-sting-of-homesickness/

https://www.unco.edu/counseling-center/pdf/Homesickness.pdf

https://www.huffpost.com/entry/what-happens-mind-body-homesick_n_5b201ebde4b09d7a3d77eee1

https://www.phillymag.com/be-well-philly/2020/03/19/coronavirus-anxiety-social-distancing-mental-health-tips/