Ano ang Neural Tube Defect (NTD)
Ang Neural Tube Defect ay mga uri ng birth defect na nakakaapekto sa utak, spine, o sa spinal cord ng sanggol. Ito ay nangyayari sa unang buwan ng pagbubuntis bago pa malaman ng isang babae na siya ay nagbubuntis. Ang madalas na uri ng neural tube defects ay spina bifida at anencephaly.
Sa mga unang buwan ng pagbubuntis, ang isang embryo (isang namumuong sanggol) ay may lumalaking tisyu na tawag ay ‘neural tube’. Habang lumalaki ang sanggol sa iyong sinapupunan, ang neural tube ang pinanggagalingan ng buto, iba pang tisyu at mga ugat na magiging spine at nervous system ng iyong sanggol. Kapag mayroong spina bifida ang iyong sanggol, mayroong pagkakamali na nangyayari sa pagbuo ng neural tube at ang spinal column ay hindi nagsasara ng tuluyan. Ang Spina Bifida ay nangangahulugang ‘split spine’.
Iba pang Mga Uri ng Neural Tube Defect
May dalawang uri ng Neural Tube Defect: Open at Closed neural tube defects. Ang Open NTD ay nangyayari kapag ang utak at ang spinal cord ay exposed sa pagkapanganak dahil sa depekto sa skull o bungo, o sa vertebrae o back bones. Ilang halimbawa ng Open NTD ay anencephaly, encephaloceles, hydranencephaly, iniencephaly, schizencephaly, at spina bifida. Ang hindi karaninwang uri ng NTD ay tinatawag na Closed NTD. Ang mga halimbawa ng Closed NTD ay lipomyelomeningocele, lipomeningocele, and tethered cord.
Paano Malalaman kung Ikaw ay Mayroong Neural Tube Defect
Ang neural tube defect ay nasusuri bago pa maipanganak ang iyong sanggol sa tulong ng lab test o imaging test sa iyong ospital. Isang ultrasound scan ay ligtas na pamamaraan para malaman kung mayroong neural tube defect ang iyong sanggol. 8 hanggang 14 na linggo ng pagbubutis ang mainam na panahon para malaman kung mayroong NTD ang iyong sanggol. Ang isa pang scan na maaaring gawin sa 19 hanggang 20 na linggo ng iyong pagbubuntis ay ang Anomaly Scan. Ang scan na ito ay ang magsasabi kung mayroong spina bifida ang iyong sanggol.
Mga Sanhi ng Neural Tube Defect
Ang sanhi ng Neural Tube defect ay dahil sa iba’t ibang kadahilanan:
- Genetic at environmental na kadahilanan
- Mayroong type 1 (insulin dependent) diabetes (hindi gestational diabetes)
- Obese ang nagbubuntis o ay umiinom ng anti-epileptic na gamot, lalo na ang mayroong sodium valproate o valproic acid
- Nagkaroon na ng sanggol na may neural tube defect dati ang nagbubuntis
- Ang kanilang asawa o partner ay mayroong kamag-anak na pinanganak na mayroong neural tube defect
Mga Dapat Gawin para Maiwasan ang Neural Tube Defect
Pagkonsumo ng tamang dami ng folic acid, isang uri ng Vitamin B, bago mabuntis at habang nagbubuntis ay dapat gawin upang maiwasan ang sakit na neural tube defect.
Ang pagkain ng mga pagkain na sagana sa folate o pag-inom ng folic acid supplement ay mainam. Mga mabubuting pinagmumulan ng folate ay gulay, prutas, legumes, at cereals.
Ang RiteMED Folic Acid ay mainam na supplement upang matugunan ang folic acid na pangangailangan ng iyong sanggol at para maiwasan ang pakakaroon ng neural tube defect.