Ano ba ang mental health at paano pangalagaan ito

January 17, 2020

Ano ang Mental Health

Kasama sa mental health ang emotional, psychological, at social well-being o pagiging magaling at mabuti ng bawat isa. Tumutulong ito kung paano natin hinaharap ang stress o mga pagsubok sa buhay, paano ang ating pakkipaghalu-bilo sa iba. Iba iba ang mental health sa bawat bahagi ng ating buhay, mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda.

Mga Kategorya ng Apat na Estado ng Mental Health

Ayon sa mga eksperto, may apat na estado ng mental health na mahahati sa: healthy, reacting, injured at ill.

  • Ang isang healthy o malusog na estado na mental health ay nakararamdam na sila ay normal at may magandang ugali sa pagtulog at sa enerhiya. Para sa mga taong ito, magandang lifestyle, time management o magandang paggamit ng oras ang kanilang ginagawa. Pinapahalagahan ng mga tao na ito ang kanilang mga support systems o mga taong nandiyan na maaari nilang lapitan sa oras ng pangangailangan at sa oras ng kasiyahan.
  • Ang mga tao naman na reacting at madaling mayamot ay nakakaramdam ng pakairita at pagkalungkot. Nahihirapan makatulog ang mga taong ito at mababa ang kanilang enerhiya. Maaaring nakararanas rin sila ng sakit sa katawan at ulo. Sinisimulan din ng mga taong ito ang pagbawas sa pagkita sa kanilang mga kaibigan o kahit anong social activity. Ang mahalaga para sa mga taong ito ay makakuha ng tamang pahinga, pagkain at ehersisyo. Simulan rin na alamin ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng bagabag at bigyan ng solusyon ang mga ito.
  • Ang tao naman na injured ay nakakaramdam ng anxiety o pagkabalisa, galit, kalungkutan at kawalan ng pag-asa mabuhay. Sila ay nakakaranas ng hirap sa pagtulog, pagkapagod ng walang dahilan, at sakit sa katawan na hindi rin mabigyan ng dahilan. Ang mga taong ito ay nagkakaroon ng pagbaba ng pagganap sa trabaho o sa paaralan at nag-uumpisa rin na umiwas sa mga kapamilya, kaibigan o kahit anumang social interaction. Mahalaga para sa mga taong ito ang kumonsulta sa isang doktor o isang eksperto upang mabigyan ng solusyon ang iyong paghihirap.
  • Ang mga tao naman na ill ay mayroong mataas na pagkabalisa, matinding nararamdaman na emosyon, at depression o matinding palulumbay. Hindi nakakatulog ang mga taong ito at parating pagod ang pakiramdam. Ang mga taong ito ay umiiwas sa mga kapamilya, kaibigan, o mga social interaction; pati na rin ang kanilang trabaho o pagaaral ay napapabayaan. Para sa mga taong ito, mainam ang kumonsulta sa doktor o eksperto ng mental health care upang mabigyan ng tamang rekomendasyon para mabigyan ng solusyon ang iyong mental illness.

Mga Sanhi ng Mental Health

Kung ikaw ay nakaranas ng mental health problems, ang iyong buhay at pamamalakad nito ay maaapektuhan. Ang iyong pag-iisip, kalooban, at ugali ay maaapektuhan. Marami mgg bagay ang sanhi ng mental health problems at kasama dito ang:

  • Trauma o abuse – mga masasamang bagay na nangyari sa ating buhay na nagiwan ng masamang karanasan para sa atin
  • Genes o brain chemistry
  • Family history ng mental health problems – ang problema ay nananalaytay sa bawat henerasyon ng pamilya

Hindi ka nagiisa kung ikaw ay may mental health problems at may mga tao at institusyon na tutulong sa iyo. Ang mga taong may mental health problems ay maaaring gumaling at mawala ng lubusan ang mental health problem.

Mga Sintomas ng may Problema sa Mental Health

Ilan sa mga sintomas na maaaring dahil sa pagkakaroon ng mental health problems or problema sa mental health:

  • Hindi kumakain o kumakain ng sobra
  • Hindi nagagampanan ang pang-araw-araw na mga Gawain katulad ng: pagaalaga sa mga anak o pagpunta sa trabaho o sa paaralan.
  • Pag-iisip ng pananakit sa sarili o pananakit sa iba
  • Mga naririnig na boses o paniniwala sa mga bagay na hindi naman totoo
  • Mga iniisip o mga memorya na hindi mo maalis sa iyong isipan
  • Mga mood swings na nakakaapekto sa mga personal na relasyon
  • Pakikipagaway sa mga kapamilya o mga kaibigan
  • Parating nagugulahan, nakakalimot, madaling magalit, magagalitin, malungkot, nagaalala, o natatakot
  • Paginom ng alak, paninigarilyo, at paggamit ng mga bawal na gamot higit pa sa normal na pagkonsumo nito
  • Pakiramdam na walang pag-asa
  • May mga hindi maipaliwanag na sakit sa katawan
  • Walang nararamdaman o pag-iisip na walang mahalaga sa buhay
  • Mababa ang enerhiya
  • Hindi pagsama sa mga tao at mga pakikipaghalu-bilo

 

Paano Mapanatili ang Magandang Mental Health at Paano Labanan ang Mental Health Problems o Problema sa Mental Health

Ang mga sumusunod ay mga bagay na maaari mong gawin upang mapanatili na maganda ang iyong mental health:

  • Pag-usapan ang iyong nararamdaman kasama ang pinagkakatiwalaan na tao o sa isang eksperto.
  • Kumain ng mga sariwang pagkain at kumain sa oras; Iwasan ang mataas sa asukal na mga pagkain at kumain ng mas maraming gulay at prutas.
  • Mas maging aktibo physically o sa iyong katawan katulad ng pag-ehersisyo
  • Pagtulong sa iba
  • Pakikipag-usap sa mga professional kung kailangan mo ito
  • Makipag-ugnayan o makihalu-bilo sa ibang tao
  • Maging positibo sa buhay
  • Matulog ng sapat at magpahinga ng maayos
  • Humanap ng mapaglilibangan na makabuluhang bagay
  • Tanggapin ang iyong sarili at mas magkaroon ng kompiyansa sa iyong sarili.
  • Matuto kung paano mag-meditate
  • Gumawa ng mga layunin na iyong maaring makamit. Huwag i-puwersa ang sarili na gawin ang mga bagay na masyadong mabigat para sa iyo
  • Iwasan ang pag-inom ng alak at mga bawal na droga

Maaari kang resetahan ng doctor ng RiteMED Fluoxetine para sa gamot ng iyong depression at panic attacks. Kumonsulta at makipagusap sa iyong doktor para sa iba pang pamamaraan na mapangalagaan ang iyong mental health.

 

Mental Health Awareness at Mental Health Awareness Month

Ang World Mental Health Month ay ginaganap tuwing Mayo taon-taon. Nagsimula ito noong 1949 at patuloy na nagmamasid sa mga pangangailangan ng mga taong may problema sa mental health, mga taong gumaling na sa kanilang problema sa mental health, at sa mga taong patuloy na lumalaban upang manalo sa sakit na ito.

Mental Health Law at Mental Health Act

Ang Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036 ay may layunin na mapabuti ang mental health sa Pilipinas. Ito rin ay binibigyang pansin na ang karapatan ng bawat Pilipino sa mabuting pag-aalaga ng kanilang mental health. Pinaigting na wellness programs at mental health education ang layunin din ng batas na ito. Kasama rin sa Mental Health Program na isinusulong ng batas na ito ang suicide prevention, response, at intervention para sa mga kabataan.

Philippine Mental Health Association at National Center for Mental Health

Ang Philippine Mental Health Association at National Center for Mental Health ay mga institusyon na iyong maaaring lapitan upang makipag-ugnayan sa iba’t ibang programa at tulong na binibigay nila para sa mga taong may mental health problems. Upang makipagugnayan, bisitahin ang kanilang website sa:

Sources:

What Is Mental Health? (2019, April 5). Retrieved from https://www.mentalhealth.gov/basics/what-is-mental-health

How to look after your mental health. (2019, June 20). Retrieved from https://www.mentalhealth.org.uk/publications/how-to-mental-health

University Health Service. (n.d.). Retrieved from https://www.uhs.umich.edu/tenthings

How to take care of your mental health. (2018, October 24). Retrieved from https://uwaterloo.ca/campus-wellness/blog/post/how-take-care-your-mental-health

Mental Health Awareness Month. (n.d.). Retrieved from https://adaa.org/mental-health-awareness-month

DOH LAUDS SIGNING OF PHILIPPINE MENTAL HEALTH LAW: Department of Health website. (n.d.). Retrieved from https://www.doh.gov.ph/node/14558