Ang menstrual pain o cramps kilala sa tawag na dysmenorrhea sa linya ng medisina ay ang isa sa mga pinaka-common na nararanasan ng isang babae sa tuwing dadating ang kanyang buwanang dalaw. Maaari itong umatake bago magkaregla (pre-menstrual syndrome o PMS) o kaya naman ay sa loob ng mga araw na nireregla.
Ano ang sanhi ng dysmenorrhea?
Nagkakaroon ng menstrual cramps dahil sa contractions na nangyayari sa loob ng uterus o matris sa panahon ng menstrual cycle. Ang matris ay isang muscle, kaya naman kapag masyadong mahigpit ang contractions, nadidiinan nito ang kalapit na blood vessels – dahilan para magkulang ng supply ng oxygen papuntang matris. Ang kakulangan na ito sa oxygen ang nagsasanhi ng dysmenorrhea.
Anu-ano ang mga sintomas ng menstrual pain?
Ang menstrual pain na ito ay madalas nararamdaman sa puson o sa likod. Kasama pa sa ibang sintomas nito ang:
- Pananakit ng tiyan;
- Pananakit ng balakang, likod, at hita;
- Pagsusuka; o
- Diarrhea.
Pamilyar na sa mga babae ang pag-experience ng menstrual pain buwan-buwan. Pero ano nga ba ang mga pwedeng gawin para maibsan ito? Alamin dito ang ilang dysmenorrhea pain remedies na pwede ninyong subukan.
How to treat dysmenorrhea?
- Gumamit ng warm compress.
Malaki ang naitutulong ng paglagay ng warm compress o heating pad sa ibaba ng lower back at puson tuwing may nararamdamang dysmenorrhea pain. Napapa-relax nito ang muscles at natutulungang maging normal ang daloy ng dugo patungong matris para magkaroon ito ng sapat na supply ng oxygen.
- Mag-warm bath.
Isa pang nakakaginhawang paraan para mabawasan ang menstrual pain ay ang paliligo gamit ang maligamgam na tubig. Bukod sa pagtulong makatanggal ng sakit ng puson, nare-relax din nito ang buong katawan na kadalasan ay masakit kapag nireregla. Nakaka-relieve din ito ng stress na kadalasan ay sinasamahan ng sakit ng ulo o migraine kapag may buwanang dalaw.
- Magpamasahe.
Photo from Unsplash
Nakakatulong ang massage sa paglu-loosen ng mga muscles na nagka-cramp tuwing nireregla. Naipapahinga rin nito ang katawan sa anumang tension na dala ng menstrual pain. Kung madaling magkaroon ng pasa tuwing may regla, ipaalala sa masahista na alalayan lamang ang pagmamasahe.
- Mag-exercise.
Ayon sa mga pag-aaral, ang mga babaeng nag-eehersisyo nang regular ay hindi gaanong nakakaranas ng menstrual pain. Kung magkaroon man ng dysmenorrhea, mas tolerable ito kumpara sa mga kulang sa ehersisyo. Bukod sa relief na naibibigay nito tuwing may regla, malaki rin ang benepisyo nito sa overall health.
- Uminom ng over-the-counter na mga gamot.
Ilan sa mga mabuting pain reliever for dysmenorrhea ang mefenamic acid, ibuprofen, at acetaminophen. Para sa mas mabilis na ginhawa, siguraduhing inumin ang alin man sa mga ito habang nagsisimula pa lamang ang menstrual pain. Samahan din ito ng pahinga para makatulong sa agad na pagginhawa.
- Uminom ng tsaa.
Ang herbs ay ilan sa mga natural na dysmenorrhea remedy dahil sa taglay nilang muscle at nerve relaxant properties. Maaaring uminom ng chamomile tea o ginger tea para gumaan ang pakiramdam mula sa menstrual pain.
- Manatiling hydrated.
Dahil sa dami ng naiipong tubig sa katawan kapag mayroong buwanang dalaw, nakakaranas ng bloating ang isang babae. Sa pag-inom ng maraming tubig, makakatulong itong patuloy na maglabas ng mga naipong tubig at ma-relax ang cramped muscles sa matris.
- Bantayan ang diet.
Susi rin ang pag-observe sa kinakain para makaiwas sa dysmenorrhea pain. Subukang isama ang mga ito sa inyong healthy diet para maging malayo sa menstrual pain:
- Poultry o fish products – Mayaman ang mga ito sa iron na kadalasang nawawala kapag may menstruation.
- Dairy products – Ang calcium na naibibigay ng mga ito ay nakakapag-reduce ng muscle cramps. Matatagpuan din ito sa green leafy vegetables at calcium supplements.
- Brown rice – Mayroon itong Vitamin B6 na nakakatulong makapagpabawas ng bloating.
- Papaya – Sagana ito sa vitamins na kailangan ng katawan para ma-supply ang mga nawawalang sustansya tuwing may dalaw.
- Almonds – Ang mga ito ay siksik sa manganese na nakakapagpabawas ng menstrual cramps.
- Prutas – Ang fruits gaya ng avocado at banana ay may mineral na tinatawag na boron na tumutulong mag-absorb ng calcium at phosphorus na na nababawasan tuwing may menstruation.
Photo from Unsplash
Ganoon din, may mga pagkain at inuming dapat iwasan kapag may menstruation dahil nagsasanhi ang mga ito ng bloating at water retention na nakakapagpalala ng dysmenorrhea pain. Ilan sa mga ito ang:
- Fatty foods;
- Maaalat na pagkain;
- Alcoholic na inumin; at
- Mga inuming may caffeine.
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor para sa dysmenorrhea treatment?
Kung malala na ang menstrual pain at kapansin-pansin na iba ito kumpara sa buwanang sakit na nararanasan, magpakonsulta na agad sa iyong doktor. Isang gynecologist ang specialist na kailangang lapitan para sa ganitong concern.
Ang dysmenorrhea cure ay dapat na ring manggaling sa gynecologist kung mahigit tatlong araw na ang nararanasang kakaibang mga sintomas. Kasama na rito ang:
- Menstrual pain na nagiging hadlang na sa daily activities;
- Lumalalang dysmenorrhea pain at bleeding;
- Hindi pagtalab ng over-the-counter medication; o
- Biglaang paghaba ng mga araw na mayroong regla.
Maaaring i-evaluate ng doktor ang kondisyon base sa mga sintomas at menstrual cycle. Kaya naman, mainam na mayroong ovulation calendar o talaan ng menstrual period para matukoy kung may mas malalim na problema pa sa likod ng menstrual pain. Magsasagawa ng pelvic exam ang doktor para masuri ang vagina, cervix, at ovaries at matukoy kung normal ang pag-function ng mga ito.
Makabubuti sa overall health kung magiging alisto sa anumang pagbabago sa sintomas at sakit na nararanasan tuwing may menstruation. Huwag mag-atubiling magpakonsulta sa espesyalista para makasigurado. Ugaliin din ang pagkakaroon ng regular na check-up para mabantayan ang kalusugan ng reproductive system. Sa ganitong paraan, maaagapan din sa mga komplikasyon na maaaring magsimula pa lamang.
Ang mga menstrual cramps remedy na nabanggit ay ilan lamang sa mga paraan para maibsan ang dysmenorrhea pain. Importante pa rin ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon, tamang ehersisyo, at tamang pahinga para mas maging manageable ang buwang-buwang sakit na dala ng menstruation.
Sources:
https://www.webmd.com/women/menstrual-cramps
https://www.healthline.com/health/womens-health/menstrual-cramp-remedies#prevention