Masamang Epekto ng Pag-Inom ng Alak sa Katawan

August 26, 2022

Ang pag-inom ng sobrang daming alak ay masama sa kalusugan. Nitong 2015 hanggang 2019, sa America, ang labis na pag-inom ng alak ay naging sanhi ng 140,000 na pagkamatay kada-taon, at pinaikli ng humigit-kumulang 26 na taon ang buhay ng mga namatay na tao.

 

Ang epekto ng alak sa katawan ay hindi agad mapapansin, ngunit nagsisimula na ang epekto nito sa oras na uminom ng unang lagok. Maaaring makaranas ng biglaang pag-init ng pakiramdam, sakit ng ulo o hangover na nararamdaman sa sunod na araw. Dahil ang mga epekto na ito ay hindi gaanong nagtatagal, maaaring hindi nakakabahala ito, lalo na sa mga taong hindi naman madalas uminom.

 

Maraming mga tao ang naniniwala na ang paminsan-minsang pag-inom ng beer o wine sa mga espesyal na okasyon ay hindi dapat ikabahala. Ngunit, ang pag-inom ng kahit gaano karaming alak ay maaaring magdulot ng masamang epekto sa kalusugan. Ang mga taong malakas uminom ng alak o mahilig mag-binge drinking ay maaaring mas maagang makaramdam ng epekto sa kalusugan, ngunit may panganib ding naidudulot ang paminsan-minsan at pakau-kaunting pag-inom ng alak.

 

Mga Masamang Epekto ng Alak sa Kalusugan

 

Short-Term Health Risks

 

Ang labis na pag-inom ng alak ay may agarang epekto na maaaring magpataas ng tyansa na makaranas ng mga nakakapinsalang kundisyon. Kabilang dito ang mga sumusunod na kadalasan ay resulta ng binge drinking:

-Mga aksidente, tulad ng pagkabangga ng kotse, pagkahulog, pagkalunod, at pagkasunog

-Karahasan, kabilang na ang homicide, suicide, sexual assault, at intimate partner violence

-Alcohol poisoning, na isang medical emergency na nagmumula sa mataas na lebel ng alak sa dugo

-Mapanganib na sexual behaviors, kabilang na ang unprotected sex o pagkakaroon ng maraming sexual partner. Maaaring magresulta ang mga ito sa hindi planadong pagbubuntis o sexually transmitted infections, katulad ng human immunodeficiency virus (HIV).

-Pagkalaglag o pagkamatay ng sanggol, o fetal alcohol spectrum disorders (FASDs) sa mga babaeng buntis

 

Long-Term Health Risks

 

Habang tumatagal, ang pag-inom ng labis na alak ay maaaring magdulot ng pagkakaroon ng ilang karamdaman kabilang ang mga sumusunod:

-Altapresyon, sakit sa puso, stroke, sakit sa atay at problema sa pagtutunaw ng pagkain

-Kanser sa suso, bibig, lalamunan, esophagus, voice box, atay, bituka at rectum

-Panghihina ng resistensya, na nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng sakit

-Problema sa pag-aaral at memorya, kabilang ang dementia at mababang grado sa eskwelahan

-Mental health problems, kabilang ang depression at anxiety

-Mga problema sa mga relasyon sa ibang tao, kabilang ang problema sa pamilya at trabaho

-Alcohol use disorder o alcohol dependence

 

Ang regular na pag-inom ng alak ay patuloy na nagkakaroon ng epekto sa physical at mental well-being ng isang tao. Maaaring mas malala at mas kapansin-pansin ito lalo na sa mga taong umiinom ng higit sa isa o dalawang inumin sa isang araw. Sa pag-iwas sa labis na pag-inom ng alak, maaaring mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng mga short-term at long-term na negatibong epekto sa kalusugan.

 

Ano ang Ibig Sabihin ng Drinking in Moderation?

 

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang moderate drinking ay ang pag-inom ng:

-Isa o mas kakaunting inumin sa isang araw para sa mga babae

-Dalawa o mas kakaunting inumin sa isang araw para sa mga lalaki

 

Base sa mga naunang mga alituntunin tungkol sa pag-inom ng alak, sinasabi na ang moderate drinking araw-araw ay halos walang negatibong epekto sa kalusugan – at maaari pa ngang magdulot ng ilang benepisyo sa kalusugan.

 

Ngunit, may mga bagong pag-aaral na nagsasabi na walang ligtas na dami ng alak ang maaaring inumin dahil kahit ang drinking in moderation ay maaaring may masamang epekto sa kalusugan ng utak.

 

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/empty-glass-beer-on-red-light-1143048782

 

Sino ang Hindi Dapat Umiinom ng Alak?

 

May mga tao na hindi dapat uminom ng kahit gaano karaming alak, kabilang na ang mga sumusunod:

-Mga wala pa sa legal drinking age

-Buntis o maaaring buntis

-Mga nagmamaneho, o kasali sa mga aktibidad na kailangan ng pagiging alerto at koordinasyon

-Mga umiinom ng mga gamot na maaaring maapektuhan ng pag-inom ng alak

-Mga taong sinusubukang umiwas sa pag-inom o hindi  makontrol ang dami ng iniinom na alak

 

Tips para sa Ligtas na Pag-inom ng Alak

 

Walang ganap na ligtas na paraan sa pag-inom ng alak, ngunit kung pipiliing uminom,  ang ilan sa mga tips na maaaring sundin upang mabawasan ang negatibong epekto nito ay ang sumusunod:

-Sigurading kumain bago uminom ng alak. Iwasang uminom nang walang laman ang tiyan upang maiwasan na malasing agad.

-Uminom ng maraming tubig. Kada-isang serving ng alak, subukang uminom ng isang basong tubig.

-Huwag masyadong bilisan ang pag-inom ng alak. Uminom ng dahan-dahan upang mabigyan ang katawan ng pagkakataon na maproseso nang maayos ang alkohol. Ang atay ay nakakatunaw ng isang onsa ng alak kada-oras.

-Huwag ihalo ang alak sa iba pang inumin o gamot. Ang paghahalo ng alak sa kape ay maaaring makapagtago ng depressant effects ng alak, kaya maaaring lalong mapasobra sa pag-inom. Ang pag-inom ng kape upang mas magising ay maaaring magbigay ng kumpyansa na magmaneho kahit nakainom, na maaaring pagmulan ng mga aksidente. Ang pag-inom ng alak kasabay ng ibang gamot o droga ay maaaring magdulot din ng mga side effect.

-Huwag magmaneho kung nakainom o kung lasing. Kahit na hindi masyadong nakakaramdam ng pagkalasing, maaaring may alkohol pa rin sa katawan na maaaring makaapekto sa bilis na makapag-react sa mga bagay sa daan.

 

References:

 

https://www.cdc.gov/alcohol/fact-sheets/alcohol-use.htm

https://www.healthline.com/health/alcohol/effects-on-body