Masakit na Kasukasuan: 8 Karaniwang Dahilan | RiteMED

Masakit na Kasukasuan: 8 Karaniwang Dahilan

September 15, 2023

Masakit na Kasukasuan: 8 Karaniwang Dahilan

Kapag masakit ang iyong mga kasukasuan, tiyak na nais mong malaman ang dahilan nito at kung ano ang maaaring gawin upang maibsan ang iyong sakit. Narito ang walong pinakakaraniwang dahilan ng kirot sa kasukasuan at kung paano ito ginagamot.

 

  1. Osteoarthritis

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/crop-shot-random-caucasian-woman-doing-2082376375

Kung minsan ay tinatawag na "wear-and-tear arthritis," ang osteoarthritis ay ang pinakakaraniwang sanhi ng kirot sa kasukasuan. Ito ay nagaganap kapag ang lining ng mga kasukasuan, na tinatawag na cartilage, ay nasisira o napupunit.

Bagamat maaaring maapektuhan ng osteoarthritis ang anumang kasukasuan, karaniwang apektado ang mga tuhod, kamay, at hips. Ang pangunahing mga salik na nagdadala ng panganib para sa osteoarthritis ay ang sobrang timbang, traumatic injury, o kakulangan sa pisikal na aktibidad.

Ang pagbabawas ng timbang, pag-eehersisyo at pagkakaroon ng physical therapy ay makakatulong upang mabawasan ang sintomas ng osteoarthritis. Ang over-the-counter na gamot para sa kirot at anti-inflammatory topical gels at creams ay makakatulong, gayundin ang mga injection ng corticosteroid o platelet-rich plasma (PRP). Sa tuhod, maaari rin ang mga injection ng hyaluronic acid. Gamit ang PRP, maaaring i-extract ng mga doktor ang mga platelet mula sa dugo ng pasyente at ito'y ini-inject sa nasirang kasukasuan o tendons upang magdulot ng ginhawa.

 

  1. Tendon Injuries

Ang pangalawang pinakakaraniwang dahilan ng kirot sa kasukasuan ay ang pinsala sa mga tendon, na sumasaklaw sa pamamaga lamang hanggang sa bahagya o kumpletong pagkapunit ng tendon

Ang mga tendon ay extension ng mga muscle na nakakabit sa buto at kadalasang nakakabit sa mga kasukasuan. May mga pagkakataon na ang nararamdamang sakit na ang akala natin ay nanggagaling sa mga kasukasuan ay maaaring nagmumula sa tendon at muscle.

Para sa mga atleta, ang pagkasira ng tendon ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng operasyon. Para sa karamihan ng mga tao, ang gamutan ay maaaring kombinasyon ng pahinga, mga gamot na mabibili over-the-counter para sa kirot, corticosteroid injection, PRP, at physical therapy.

Ang physical therapy ay makakatulong sa pagpapalakas ng iba pang mga muscle na nakapaligid sa napinsalang muscle, upang hindi ito magtrabaho nang husto.

 

  1. Ligament Injuries

Ang ligament ay matibay na piraso ng tissue na nag-uugnay ng buto sa kapwa buto. Ang mga ligament ay maaaring magdulot ng kirot sa kasukasuan, lalo na sa mga tuhod at bukung-bukong. Ang mga pangunahing sanhi ng ligament injuries ay trauma at aksidente.

Katulad ng tendon, maaaring bahagya o ganap na mapunit ang mga ligament. Ang ilang ligament injuries ay maaaring kusang gumaling habang ang iba ay nangangailan ng pagsusuot ng brace. Ang malalaking punit sa ligament ay kinakailangan ng operasyon.

 

  1. Gout

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/foot-pain-asian-woman-holds-her-2138558489

 

Ang gout ay isang uri ng arthritis na nagdudulot ng pananakit at pamamaga ng kasukasuan. Kapag tumataas ang uric acid sa dugo, maaaring magkaroon ng crystals na namumuo sa paligid ng kasukasuan, na nagdudulot ng pamamaga. Subalit hindi lahat ng may mataas na uric acid ay nagkakaroon ng gouty attack

Ang mga crystal ay maaaring magdulot ng sobrang sakit at malalang pamamaga, kirot, at pamumula sa mga kasukasuan, tulad ng iyong malalaking daliri sa paa, kamay o tuhod.

Ang mga taong may gout ay dapat umiwas sa alak, pulang karne, at mga shellfish dahil maaaring  magdulot ito ng gout. Kung ang pagbabago ng diyeta ay hindi nakakapagpabawas ng kirot, maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot upang mabawasan ang uric acid sa iyong dugo.

 

  1. Nasirang Meniscus

Ang meniscus ay ang cartilage sa tuhod na nagbibigay proteksyon at stabilisasyon sa kasukasuan ng tuhod. Kapag ito ay nasira o napunit, dahil sa arthritis o sa paglalaro ng sports, maaari itong magdulot ng kirot sa tuhod.

May mga pagkakataon na mangangailangan ng operasyon ang napinsalang meniscus ngunit maaari rin itong magamot sa pamamagitan ng physical therapy o injection ng corticosteroid o hyaluronic acid.

 

  1. Autoimmune Diseases

Maraming autoimmune disease tulad ng lupus at rheumatoid arthritis ang nagiging sanhi ng kirot sa kasukasuan.

Mas karaniwan ito sa mga kababaihang nasa mga 20s at 30s kaysa sa mga kalalakihan, at karaniwang nagdudulot ito ng kirot sa maliliit na kasukasuan, tulad ng mga daliri sa kamay at mga daliri ng paa.

Ang pagiging aktibo ay makakatulong upang mabawasan ang stiffness ng mga kasukasuan na dulot ng lupus at rheumatoid arthritis, ngunit sa ilang pagkakataon, pwedeng magbigay rin ng gamot depende sa autoimmune disease ng tao.

 

  1. Frozen Shoulder

undefined

https://www.shutterstock.com/image-photo/asian-woman-stretching-relaxation-resting-office-622634141

 

Kilala rin bilang adhesive capsulitis, ang frozen shoulder ay nagdudulot ng kirot at paninigas ng balikat.

May isang capsule na nag-uugnay sa dalawang buto ng balikat at nagpapahintulot sa ball and socket joint na gumalaw. Ang capsule na ito ay maaaring mamaga at magdulot ng kirot. Sa huli, maaaring magdulot ito ng hirap sa paggalaw ng mga balikat.

Ang isang frozen shoulder ay karaniwang gumagaling sa paglipas ng panahon, ngunit ang pag-inject ng steroid ay makakatulong sa pagbawas ng pamamaga. Ang physical therapy rin ay makakatulong sa paggamot ng frozen shoulder.

Sa pagsakit ng kasukasuan, isang mahalagang hakbang ang agarang pagkonsulta sa doktor. Sa pamamagitan nito, maaagapan ang paglala ng kondisyon at maiiwasan ang mga posibleng komplikasyon. Huwag tayong mag-atubiling humingi ng propesyonal na payo para sa ating kalusugan. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng wastong kaalaman at tamang pangangalaga, maaaring mapanatili natin ang kalusugan ng ating mga kasukasuan.

 

References:

Health Hive. (2021). 8 Common Causes of Joint Pain. Hive.rochesterregional.org. https://hive.rochesterregional.org/2021/07/common-causes-of-joint-pain

UNC Health. (2021). 7 Reasons Your Joints May Ache. https://www.wayneunc.org/wellness/health-talk-blog/health-talk/2021/7-reasons-your-joints-may-ache/

Branch, N.S.C. and O. (2017). Gout. [online] National Institute of Arthritis and Musculoskeletal and Skin Diseases. Available at: https://www.niams.nih.gov/health-topics/gout/basics/symptoms-causes.



What do you think of this article?