Malaria Meaning
Isa ang malaria disease sa mga sakit na nakukuha sa tropikal na bansa sa Southeast Asia gaya ng Pilipinas. Ito ay dala ng isang parasite na nalilipat sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na lamok o malaria mosquitoes.
Malaria Causes
Nagkakaroon ng malaria mosquitoes kapag nakakagat ang mga ito ng mga taong may malaria. Pumapasok ang parasite mula sa lamok papunta sa atay hanggang mag-mature ito nang hanggang isang taon. Kapag matured na, kinakalat na nito ang impeksyon sa red blood cells. Dito na simulang makakaranas ng mga malaria symptom ang isang tao.
Symptoms of Malaria
Ang mga sumusunod na sintomas ay dapat bantayan para matukoy kung may malaria. Dahil common symptoms ang mga ito, mabuting kumonsulta sa doktor para makasigurado:
- High fever o malaria fever;
- Pagkapagod;
- Chills;
- Pananakit ng ulo;
- Pananakit ng tiyan na maaaring may kasamang diarrhea;
- Pananakit ng muscles o joints;
- Ubo; at
- Mabilis na heart rate at paghinga.
Image from:
https://www.shutterstock.com/image-photo/delicious-orange-juice-fresh-fruit-on-1924577768
Tamang Alaga para sa may Malaria
Kung may mahal sa buhay na tinamaan nito, narito ang mga pwedeng gawin:
- Maglagay sa noo ng warm water compress nang hindi lalampas sa 15 minutes para mapabuti ang body temperature. Kumutan din ang pasyente hangga’t maaari. Ingatang matuyuan ng pawis ang pasyente.
- Dahil magpapawis ang pasyente, taasan ang fluid intake nito. Painumin sila ng tubig, natural fruit juices, at mga inuming may electrolytes para manatiling hydrated.
- Sundin ang payo ng doktor sa pagpapainom ng gamot. Kahit umiigi na ang pakiramdam ng pasyente, ituloy ang pag-inom ng gamot para sa mas mabilis at kumpletong recovery.
Paalala: Kapag hindi nakukuha sa gamot at pahinga ang malaria symptoms, huwag mag-atubiling dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na doktor o ospital para makaiwas sa mga komplikasyon.
Gamot sa Malaria
Nakadepende sa uri ng parasite ang gamutan para sa malaria. Maaaring magreseta ang doktor ng chloroquine phosphate, isang antimalarial drug. Ang kombinasyon naman ng dalawa o higit pang gamot ay tinatawag na artemisinin-based combination therapies o ACTs. Ilan sa mga gamot na isinasama rito ang atovaquone-proguanil, quinine sulfate with doxycycline, at primaquine phosphate.
Malaria Prevention
Para maiwasan ang malaria disease, ugaliin ang mga sumusunod na hakbang, lalo na sa mga nag-aalaga ng mga bata:
- Matulog nang may kulambo o mosquito net. Lalo na sa mga may alagang sanggol, ingatan ang inyong mag-anak sa kagat ng mga lamok para makaiwas din sa iba pang mosquito-borne diseases gaya ng dengue.
- Gumamit ng insect repellent. Maraming mabibiling insect repellent para maprotektahan ang balat mula sa kagat ng lamok. Maaari itong lotion, spray, at stickers sa mga bata.
- Magsuot ng damit na natatakpan ang balat. Kung pupunta sa mga lugar na malamok gaya ng damuhan, playground, at iba pa, magsuot ng long-sleeved na shirts at pantalon.
- Panatilihing malinis ang paligid. Maglinis din ng mga alulod at ng mga lalagyang may stagnant water para hindi pangitlugan ng mga lamok.
- Iwasan ang paggamit ng scented soaps o mga sabong mababango para hindi maka-attract ng mga lamok.
- Gumamit ng insecticide sa loob at paligid ng bahay lalo na kapag summer, kung kailan mas dumadami ang mga lamok.
- Palakasin ang immune system. Gaya ng sa kahit anong sakit, patibayin ang katawan laban sa iba’t ibang sakit sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, sapat na pahinga, active lifestyle, at pag-inom ng supplements gaya ng RM Ascorbic Acid o RM Ascorbic + Zinc Syrup para naman sa mga bata.
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/malaria/diagnosis-treatment/drc-20351190
https://nurseslabs.com/malaria/
https://nmcep.net/resources/iec/2020/Info_4.jpg