Tamang Diet Para sa Healthy Liver

January 30, 2018

Ngayong bagong taon ang perpektong panahon upang bigyan ng focus ang ating kalusugan. Ating pagtuunan ng pansin ang pisikal at mental health ng ating sarili. Dapat rin nating bigyan ng atensyon ang ating mga internal organs sapagkat ang bawat isa sa mga ito ay may kanya-kanyang mahahalagang roles na ginagampanan sa ating katawan. Isa na sa mga pinakamahalaga nating internal organ ay ang ating atay o liver.

Ang liver ay ang siyang sumasala sa ating kinakain. Kung tutuusin ay isa itong key player sa ating digestive system dahil dumadaan dito ang lahat ng ating iniinom, kinakain, at maging gamot na nilulunok. Panatilihin itong healthy para lubusan nitong magampanan ang role nito sa ating katawan.

Ano nga ba ang liver?

Ang liver o atay ay isang organ na mahahanap sa bandang ilalim sa kanan ng ating ribcage. Kapag fully-developed na ay halos kasing laki ito ng isang football. Bukod sa mga nabanggit na function ng atay sa ating katawan, ay nililinis rin ng atay ang ating dugo mula sa anumang impurities o chemicals na maaaring makasama sa ating katawan. Bumubuo rin ito ng bile na siya namang tumutunaw ng taba sa ating mga kinakain. Ang ating mga kinakain ay nakakabuo ng energy deposits mula sa sugar. Ito ay ang glucose na nire-release ng ating atay sa tuwing nangangailangan tayo ng energy boost. Hindi maikakaila na isa na ang atay sa mga pinakaimportanteng organ sa ating katawan kaya naman napakahalaga na mapanatili natin itong malusog.

Tamang Diet Para sa Healthy Liver

Maraming paraan upang mapanatiling healthy ang ating liver. Ngunit isa sa mga pinaka-basic ay ang pagbantay sa ating mga kinakain. Ang ating atay ay may natural na kakayahang linisin ang sarili nito mula sa mga impurities at ang prosesong ito ay tinatawag na liver cleansing. Narito ang ilang mga pagkain na mas makakatulong sa ating atay na gawin ang role nito.
 

  1. Green Tea

    Lagi na nating naririnig ang magandang epekto ng green tea sa ating katawan. Marahil ay halos lahat na ng articles tungkol sa pagpapapanatiling healthy ay hindi makakalimutang banggitin ang pag-inom ng green tea. Ang pag-inom nito ay beneficial sa ating katawan dahil mataas ang plant-based anti-oxidants nito na kilala rin bilang catechins. Tumutulong sa liver functions ang mga catechins. Simulang idagdag ang pag-inom ng green tea sa inyong daily routine dahil bukod sa healthy ay masarap pa ito.
     
  2. Apples

    Lagi mo rin bang naririnig ang kasabihan na ‘An apple a day, keeps the doctors away’? Bukod sa mataas na Vitamin C content ay mayaman din sa pectin ang mansanas. Ang mansanas ay mayroong mga kemikal na ginagamit ng ating katawan sa pag-release ng toxins mula sa ating digestive tract. Ang pagkain nito ay tumutulong sa ating atay na i-regulate ang toxins sa cleaning process.
     
  3. Turmeric

    Ang turmeric o luyang dilaw ay kilala rin bilang favorite spice ng ating atay dahil sa mga health benefits nito. Mataas ang level ng enzymes nito na tumutulong sa pag-boost ng liver detoxification. Ang successful na liver detoxification ay mag-aalis ng mga toxins sa katawan. Dahil matapang ang lasa nito, maaaring simulang idagdag ito sa mga pagkaing ating ihinahain sa ating pamilya bilang spice o powder.
     
  4. Kape

    Sinong mag-aakala na ang isa sa mga paborito nating inumin ay may mabutin palang epekto sa ating atay? Ayon sa pag-aaral, ang pag-inom ng kape ay maaaring mapababa ang risk ng pagkakaroon ng liver cancer. Bukod pa riyan ay mayroon rin itong positibong epekto sa liver diseases at inflammation. Ang pag-inom ng kape ay nagre-resulta sa pagkakaroon ng mataas na antioxidant level sa atay habang pinapababa naman nito ang inflammation. Nilalabanan ng mga antioxidants ang free radicals sa ating katawan na sumisira sa ating cells.

 

undefined

  1. Leafy Green Vegetables

    Ang mga leafy green vegetables gaya ng pechay, kangkong, at bok choy ay beneficial para sa ating mga atay. Ang pagkaing ito ay mataas ang level ng chlorophyll na nag-a-absorb ng toxins mula sa ating bloodstream. Dahil na rin sa kakayahan ng mga pagkaing ito na i-neutralize ang mga kemikal mula sa pesticides, nagiging mas madali para sa atay na mag-linis ng ating katawan.

    Sa menu nating mga Pilipino ay normal na ang pagsahog ng mga gulay. Ngayong taon, simulang i-introduce ito sa atng mga anak dahil marami itong baong health benefits.
     
  2. Bawang

    Ang paboritong pansahog nating mga Pilipino sa ating mga lutuin ay may mabuti palang epekto sa ating katawan. Bukod sa taglay nitong enzymes na tumutulong sa ating atay na mag-flush out ng toxins mula sa ating katawan, mayaman rin ito sa dalawang natural compound na tumutulong sa liver cleansing: ang allicin at selenium.
     

Madali lamang para sa ating mga Pilipino ang pagpapanatiling healthy ng ating atay. Sa tamang diet ay maaari natin itong ma-achieve. Ang mga pagkaing nailista sa itaas ay ilan lamang sa mabuti para sa ating liver. Ang maganda pa riyan ay normal na natin itong kinakain at siguradong pasok pa sa ating lifestyle at budget!

Sources:

www.webmd.com/hepatitis/features/healthy-liver#1

https://www.globalhealingcenter.com/natural-health/liver-cleanse-foods/

https://draxe.com/liver-function/

https://www.healthline.com/nutrition/11-foods-for-your-liver#section5