Ano ang Leptospirosis?
Ang leptospirosis ay isang sakit na sanhi ng mikrobyong Leptospira interrogans, na makikita sa ihi o dumi ng mga hayop tulad ng daga. Ang bacteria na ito ay nabubuhay sa kidney ng carrier nito.
Karaniwang naipapasa ito sa tao kung ito ay lulusong sa baha habang ito ay may bukas na sugat o di kaya'y sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, tenga o ari. Maaari ding magkaroon ng leptospirosis kung nakatira sa paligid na may lupa o tubig, at doon dumidumi o umiihi ang infected animal. Sa iilang pagkakataon, pwede ding makuha ang bacteria mula sa infected na tao sa pamamagitan ng breastfeeding o pakikipagtalik.
Ang mga hayop na kadalasang nag-dedevelop o nagkakalat ng sakit ay ang daga, baka, aso, kabayo, kambing, baboy at tupa. Kung kaya't malaki ang tsansang magkasakit ang magsasaka, minero, beterenaryo, mangingisda, sundalo at mga taong nagtrtrabaho sa slaughterhouse at imburnal.
Sintomas ng Leptospirosis?
Ang mga sintomas ng leptospirosis ay lumalabas sa loob ng dalawang linggo. May ibang kaso naman kung saan walang kahit isang sintomas ang lumalabas.
Karamihan ng mga nabanggit na sintomas ay kahawig ng ibang sakit gaya ng bird flu at meningitis kaya't importanteng agad magpakonsulta sa doktor at huwag mag-self medicate.
Gamot sa Leptospirosis
Ang sakit na ito ay maaaring magamot ng antibiotics gaya ng doxycycline at penicillin. Ang ibang pasyente, kung minsan, ay nangangailangan ng karagdagang gamot bukod sa mga nabanggit. Kailangan magpakonsulta muna sa doktor para makasigurado sa gamot na iinumin. Ang leptospirosis ay tumatagal ng ilang araw hanggang tatlong linggo. Kung hindi magpapagamot, maaari pang tumagal ito o di kaya ay humantong sa pagkasira ng kidney, meningitis, liver failure, sakit sa respitatory system at pagkamatay.
Tips Para Makaiwas sa Leptospirosis
Kayang iwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Narito ang iilan sa mga tips na maaaring makatulong para hindi dapuan ng leptospirosis
-
Siguraduhing malinis ang pagkain at inumin.
-
Kung mayroong baha, mabuting umiwas lumusong dito lalo na kung mayroong sugat.
-
Kung hindi naman maiiwasang lumusong, magsuot ng bota. Huwag maglalakad na nakapaa lamang. Agad hugasan ang paa ng malinis na tubig at sabon at alcohol.
-
Huwag hayaang maligo sa baha ang mga bata. Maaaring makainom sila ng kontaminadong tubig baha.
-
Siguraduhing malinis ang kapaligiran para walang dagang mamahay. Ang daga ang main carrier ng bacteria na nagdudulot ng leptospirosis.
Leptospirosis sa Aso
Hindi lamang tao ang dinadapuan ng sakit na ito kundi pati mga hayop gaya ng aso. Kadalasang nakukuha nila ang bacteria sa mga recreational activities sa tubig o sa pagkain ng katawan ng patay na kontaminadong hayop.
Kagaya sa tao, importanteng limitahan ang exposure ng alagang aso sa mga kontaminadong tubig gaya ng baha. Huwag din hahayaang mapunta kung saan saan at baka doon ito mahawa. Mainam ding na pabakuhanan ito. Ayon sa mga pag-aaral, nakakatulong pagbibigay ng bakuna sa aso laban sa leptospirosis.
References:
-
https://rmn.ph/kaso-ng-leptospirosis-pumalo-na-sa-682-mula-january-1-hanggang-june-3-ngayong-2017/
-
http://balita.net.ph/2017/07/29/doh-leptospirosis-nakamamatay/
-
https://www.cdc.gov/leptospirosis/index.html
-
http://www.webmd.com/a-to-z-guides/what-is-leptospirosis#1
-
https://www.cdc.gov/leptospirosis/pdf/fact-sheet.pdf
-
http://capitolaveterinaryhospital.com/uncategorized/leptospirosis-important-facts-for-every-dog-owner