Ang Leptospirosis ay isang bacterial infection na nakukuha mula sa ihi ng mga hayop, partikular na mula sa mga daga, aso, o mga hayop sa bukid. Hindi man nagpapakita ng leptospirosis symptoms ang mga hayop na ito, maaari pa rin na may dalang bakterya ang mga ito sa katawan nila.
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakamamatay ang Leptospirosis, subalit maaaring bumalik ang sakit kahit gumaling na ang taong nagkaroon nito . Tinatawag ang ganitong kondisyon na Weil’s disease at maaaring mas posibleng makaranas ng paninikip ng dibdib, at pamamaga ng mga kamay at binti.
Gayunman, mabuti na lamang ay mayroong mga paraan upang gamutin at maiwasan ang sakit na ito. Kung maramdaman ang mga sintomas ng Leptospirosis, ito ang mga dapat alamin at sundin:
Gamot at Pag-iwas sa Leptospirosis
Maaaring magamot ang Leptospirosis sa pamamagitan ng antibiotics, tulad ng penicillin at doxycycline. Sa ilang mga pagkakataon, magrereseta ang mga doktor ng ibuprofen para sa lagnat at sa kirot ng kalamnan.
Sa hindi malalang mga kaso, tumatagal ang sakit ng hanggang isang lingo lamang. Gayunpaman, kung mas malala ang nararanasang mga sintomas, nararapat na pumunta sa ospital at magpakonsulta. Posibleng makaranas ng kidney failure, meningitis, o problema sa baga ang mga taong may mas malalang impeksyon.
Prebensyon ang susi upang hindi ito maranasan. Sundin ang mga ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng bakterya:
- Iwasan ang mga kontaminadong tubig.
Huwag basta-basta uminom ng tubig na galing sa gripo kung hindi nakasisiguradong ito ay malinis. Maaaring pumasok ang leptospirosis sa body openings, iwasan ang lumangoy sa maduduming tubig lalo na sa mga baha.
- Lumayo sa mga infected na mga hayop, partikular na sa mga daga. Ang daga at iba pang mga uri nito ay ang pangunahing nagdadala ng bakteryang ito. Kahit man sa mga bansa sa kanlurang parte ng mundo, 20% ng mga kuneho ay posibleng nagdadala rin ng leptospirosis. Mag-ingat kung ikaw ay nasa kanilang mga habitat.
- Gumamit ng bota kung lulusong sa tubig. Protektahan ang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng angkop na sapatos kung lulusong sa baha, o sa tubig sa bukid. Ganito ang paraan upang hindi papasok ang bakterya kung mayroon mang sugat sa binti o paa.
Sa mga developed na bansa, karaniwang nabakunahan ang mga hayop sa bukid nila. Subalit sa mga bansang hindi pa, malaki ang posibilidad na may dala itong sakit. Lumayo sa mga hayop na may sakit dahil mapapasa sa iyo ang bakterya sa kanilang body fluids.
Alamin naman natin kung ano ang mga symptoms of leptospirosis at papaano ito nakukuha:
Mga Sintomas:
Mararamdaman ang unang signs of leptospirosis sa loob ng dalawang lingo kung kailan nagkaroon ng contact sa bakterya. Maaaring tumaas ang temperatura ng lagnat ng hanggang 40 degrees Celsius. Mararamdaman din ang mga sumusunod:
• Sakit sa ulo
• Sakit sa kalamnan
• Paninilaw ng balat at mata (Jaundice)
• Pagsusuka
• Pagdudumi
• Skin rashes
Paano ito nakukuha?
Ito ay dala ng bacterium na tinatawag na Leptospira interrogans. Mayroon ang mga organismo nito sa kanilang mga kidney at naipapasa sa pamamagitan ng ihi na napupunta sa tubig o lupa. Pumapasok ito sa mga sugat sa katawan.
Samantala, maaari rin ito maipasa sa ilong o bibig. Maliit man ang tsansa na maipasa ito mula tao sa tao, may pagkakataon pa rin na maipasa ng taong infected ang bakterya sa pamamagitan ng pagtatalik o pagpapasuso.
Kung ikaw ay isang magsasaka, beterinaryo, underground worker, mangangatay ng hayop, maging mapanuri at magdoble ingat sa panagib ng sakit ng Leptospirosis.
Source:
https://www.webmd.com/a-to-z-guides/what-is-leptospirosis