Bakit nga ba delikado lumusong sa tubig baha? | RiteMED

Bakit nga ba delikado lumusong sa tubig baha?

January 16, 2020

Bakit nga ba delikado lumusong sa tubig baha?

Kasabay sa panahon ng tag-ulan ay ang mga sakit na nauuso dahil dito. Karaniwan na sakit tuwing tag-ulan ay leptospirosis. Ang leptospirosis ay isang bacterial disease na nakakaapekto sa mga tao at hayop. Galing ito sa baceteria na Lepstospira. Ito ay nanggagaling sa mga daga na may sakit o impeksiyon.

Tuwing bumabaha, ang mga daga ay nagdudulot ng kontaminasyon sa tubig at naipapasa ang kanilang impeksiyon sa tao sa pamamagitan ng mga sugat sa balat. Ang paglusong sa baha ang nagiging sanhi ng sakit na leptospirosis.

Ang Leptospirosis ay karaniwan rin na makukuha sa urine o feces ng mga hayop: aso, daga, at mga alaga sa bukid. Wala man silang sintomas ng sakit na ito ngunit maaaring sila ay nagdadala nito. Kapag hindi naipagamot, ang sakit na ito ay tatagal ng mahigit isang linggo. Makakaranas ka ng sakit sa iyong dibdib, namamagang mga braso at binti kung ikaw ay may sakit na ito. Ang iba pang sintomas ng leptospirosis ay:

Maari ring malaman kung ikaw ay may leptospirosis kung ikaw ay magpapakuha ng blood test. Ang sakit na ito ay hindi naman napapasa o nakakahawa kapag galing sa isang taong may leptospirosis. Madalas din na makuha ang sakit na ito sa mga bansang may temperate climate.

Para sa mga nagbubuntis, ang leptospirosis ay nakakaapekto sa iyong fetus. Dapat na magpakonsulta agad sa iyong doktor at magpamonitor sa ospital kapag ikaw ay mayroon nito.

Upang gumaling sa leptospirosis, malaking dosage ng antibiotics ang kailangan at kung malala na ang iyong kalagayan, maari lamang na magpakonsulta sa doktor upang magamot ng tama ang iyong nararamdaman. Isa sa mga maaaring ireseta ng doktor ay ang RiteMED doxycycline. Ang mga mas malalang sintomas ng leptospitosis ay:

  • kidney failure,
  • meningitis, at
  • problema sa baga o respiratory problems

Para makaiwas sa leptospirosis gawing ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang maglakad sa tubig baha. Kung ikaw man ay nakaapak, hugasan ang iyong mga paa ng mabuti.
  • Huwag hawakan ang iyong mukha matapos na maglakad sa maulan na lugar o sa tubig baha, linisin ang iyong mga kamay ng mabuti. Ito ay gawin para maiwasan ang mahawa ang iyong mukha sa bacteria na nasa iyong kamay.
  • Kung mayroon kang mga sugat o open wounds, gumamit ng bendahe at panatilihing malinis ito. Palitan ang iyong bendahe kung kinakailangan. Linisin ang iyong sugat gamit ang disinfectant bago gamitin ang bendahe.
  • Gumamit ng tamang proteksyon katulad ng bota o guwantes bago pa man humawak o dumikit sa kontaminadong tubig.
  • Alisin ang mga kontaminadong tubig sa kapaligiran.
  • Panatilihing malinis ang iyong bahay lalo na sa mga daga. Gumamit ng mga panghuli ng daga o panlason sa daga.
  • Lumayo sa mga hayop na nagdadala ng impeksiyon na ito. Karaniwan na pinanggagalingan ng sakit na ito ay mga daga.

Narito pa ang ibang sakit na maaaring makuha ngayong tag-ulan:

Dengue

Ang dengue virus ay dulot ng babaeng lamok na Aedes aegypti. Ang lamok na ito ay laganap sa mga lugar na madilim at basa tulad na lamang ng mga lumang drum o gulong na may tubig.

Narito ang ilan sa mga sintomas ng dengue:

  • Sobrang pananakit ng ulo; maaaring uminom ng RiteMED Paracetamol para maagapan ang lagnat
  • Pagsusuka
  • Rashes
  • Joint pains

Huwag isawalang bahala ang mga sintomas na ito dahil mapanganib at traydor ang sakit na ito. Kapag nakaranas ng mga sintomas, siguraduhing uminom kaagad ng gamot at pumunta sa pinakamalapit na doktor para maagapan ang pagkakaroon ng malalang dengue.

Cholera

Ang cholera ay isang malalang sakit na nagdudulot ng diarrhea na maaaring magdulot ng dehydration at pati pagkamatay kapag hindi naagapan agad. Maaaring makakuha ng cholera sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng tubig na kontaminado ng bacteria na tinatawag na Vibrio cholerae.

Sa panahon ng tag-ulan, kadalasan itong lumalaganap dahil sa maduming tubig dulot ng mga landslides at pagbaha.

Ilan pa sa mga sintomas ng cholera maliban sa diarrhea ay ang sumusunod:

  • Mabilis na tibok ng puso
  • Low blood pressure
  • Pagkauhaw
  • Muscle cramps

Maaaring makatulong sa diarrhea ay ang RiteMED Loperamide. Ganunpaman, dapat magpakonsulta sa doktor para makasigurado.

Maliban sa mga sakit na nabanggit sa itaas, kailangan din mas mag-ingat dahil marami pang sakit na maaaring makuha sa panahon ng tag-ulan. Maaari rin makakuha ng skin diseases sa paglusong sa baha. Isa sa mga maaaring ireseta ng doktor para sa mga sakit sa balat ay ang RiteMED Mupirocin.

Ugaliing komunsulta sa iyong doktor para makaiwas sa mga usong sakit ngayong tag-ulan. At syempre, huwag kalilimutan kumain ng tama at uminom ng vitamins tulad ng RiteMED Ascorbic acid para sa mas malakas na resistensya.

Sources:

Sampath, P. (2015, June 10). Prevent Leptospirosis, do not walk in puddles of rain water! Retrieved from https://www.thehealthsite.com/diseases-conditions/prevent-leptospirosis-do-not-walk-in-puddles-of-rain-water-61586/

All About Leptospirosis. (2018, June 29). Retrieved from https://www.stlukes.com.ph/news-and-events/news-and-press-release/All-About-Leptospirosis

Nordqvist, C. (2018, August 9). Leptospirosis: Treatment, symptoms, and types. Retrieved from https://www.medicalnewstoday.com/articles/246829.php

Leptospirosis | CDC. (2019, March 13). Retrieved from https://www.cdc.gov/leptospirosis/index.html

https://www.who.int/denguecontrol/human/en/

https://www.webmd.com/a-to-z-guides/cholera-faq#1



What do you think of this article?