Ayon sa pag-aaral noong 2013 ng JAMA Pediatrics, isang medical journal na inilalabas ng American Medical Association, 70% ng mga batang nasa edad anim hanggang labing-isa ang nakakagawa ng at least 60 minuto ng aerobic activity gaya ng paglakad at pagtakbo. Ang ganitong klase ng mga gawain ay nakabubuti sa kalusugan ng mga bata. Kaya't importanteng pakainin ng masusustansyang pagkain at inumin ang mga chikiting para manatiling energized at aktibo.
Narito ang tatlong recipe na maaaring ihain sa mga batang aktibo:
- Meatloaf na binalot sa pastry
Photo from GettyImages
- Harina
- Butter
- Itlog
- Sibuyas
- Spring onion
- Giniling na baboy
- Bread crumbs
- Chili Flakes
- Asin
- Paminta
Paraan ng pagluto:
- Lagyan ng asin ang harina pang palasa. Pagkatapos, lagyan ito ng butter.
- Haluin gamit ang kamay para madurog ang buo buong harina. Dapat maging madilaw ang kulay ng mixture.
- Unti-unti lagyan ng malamig na tubig hanggang sa mag-dikit dikit ang mixture.
- Lagyan ng harina ang flat surface, at doon masahin ang dough mixture. I-rest ang dough sa loob ng 15 minuto.
- Habang inaantay ang dough, timplahan ang giniling ng asin at paminta.
- Maglagay ng chili flakes, hiniwang sibuyas at spring onions.
- Ilagay ang isang itlog na magsisilbing binder ng meatloaf. Haluin ng maigi.
- Ilatag sa flat surface ang giniling.
- Ipwesto sa gitna ng giniling ang pinakuluang itlog. Balutan ng giniling ang itlog.
- Prituhin ang giniling. Saka ibalot sa dough.
- Ilagay sa oven toaster ang meatloaf. Lutuin ito sa loob ng sampung minuto.
Ang tinapay ay may carbonhydrates na nagbibigay ng heat at energy sa katawan. Samantalang, mayaman naman sa protina ang giniling na baboy at nilagang itlog. Sa halagang 120 pesos, pwede na itong kainin ng limang katao.
- Patties na gawa sa kanin at isda
Photo from Rough Fish
- Kanin
- Spring onion
- Isda
- Keso
- Harina
- Bawang
- Itlog
- Bread crumbs
Paraan ng pagluto:
- Ilagay sa bagong saing na kanin ang tirang isda na hiniwa.
- Ihalo ang spring onion, bawang at keso.
- Bilugin ang mixture saka ilagay sa harina, itlog at bread crumbs.
- Prituhin ang mga patty hanggang sa maging golden brown.
Maaaring mag-serve ng gulay bilang side dish para mas maging masustansya ang pagkain. Ang isda ay nakabubuti sa puso dahil sa taglay nitong Omega-3. Mainam naman sa buto ng mga chikiting ang calcium na mula sa keso. Sa halagang 80 pesos, maaaring makakain ng limang patties ang mga bata.
- Lunch box Sushi
- Kanin
- Mayonaise
- Toyo
- Spring onion
- Tortilla
- Nori
- Isda
- Abokado
- Pipino
Paraan ng pagluto:
- Ilagay ang mayonaise at spring onion sa kanin.
- Ilatag ang tortilla na may nori sheet sa ibabaw sa sushi mat.
- Ikalat ang kanin na may mayonaise sa nori sheet at tortilla.
- Ilagay ang pipino, abokado at hinimay na isda sa kanin.
- I-roll ang sushi at hiwain.
Ang sushi na ito ay nagkakahalaga lamang ng P80. Pwedeng pwede ito sa mga aktibong bata dahil sa fiber at carbohydrates na taglay nito mula sa abokado at kanin. Ang pipino naman ay nakakatulong sa hydration ng katawan.
Source: