Isa sa mga pinaka-common na nararanasang pagkakasakit ng mga bata ang fever o lagnat. Ito ay isang kondisyon kung saan nilalabanan ng katawan ang foreign bodies kagaya ng germs, viruses, at bacteria para hindi matuloy sa tuluyang pagkakasakit ng bata. Tumataas at umiinit ang temperature ng katawan kapag mayroon nito. Sa katunayan, hindi dapat itratong sakit ang lagnat dahil ibig sabihin nito ay may kinakalaban na infection ang katawan, at lalo na kung saglit lang itong naranasan.
Susubukan nating sagutin ang ilan sa mga frequently asked questions of FAQs tungkol sa pagpapainom ng gamot sa mga bata.
Anu-ano ang mga sanhi ng lagnat?
Bago natin pag-usapan ang mabilis na lunas para sa lagnat pati na ang tamang pag-aadminister nito, talakayin muna natin ang nagdadala ng ganitong kondisyon:
- Mga kalagayan na nagsanhi ng pamamaga
- Side effect ng gamot o bakuna
- Disorder sa metabolism ng katawan
- Pagkasira ng body tissues
- Immunological diseases
- Mga infection sa baga, balat, lalamunan, tenga, o kidney
Maging mapagmasid at sensitibo sa sinasabi sa iyo ng iyong katawan kapag may lagnat o fever. Tandaan na kasama rin ito sa sintomas ng mga malulubhang karamdaman gaya ng cancer, HIV, malaria, dengue, at ebola.
Paano ito napapagaling?
Kadalasan, nakukuha lang sa tamang pahinga at water therapy ang simpleng lagnat. Kung pabalik-balik na ito, malubha ang taas, at nagdala na ng iba pang komplikasyon kagaya ng ubo, sipon, pananakit ng katawan, sakit ng ulo, sakit ng tiyan, at iba pang mga sakit, maaari nang painumin ng gamot ang bata. Bagama’t over-the-counter o OTC ang mga gamot para dito, ugaliin pa ring kumonsulta muna sa doktor bago magbigay ng gamot na walang reseta, lalo kapag baby pa ang may sakit.
Isa ang paracetamol sa pinaka-accessible na gamot laban sa lagnat na pwedeng ibigay sa inyong anak. Madalas na inirerekomenda ng doktor ang paracetamol syrup kapag bata pa para maengganyo siyang uminom dahil sa flavor. Nakakatulong din ito sa pagtanggal ng sakit ng katawan.
Ano ang tamang paracetamol pediatric dose?
Depende sa edad at kalagayan ng bata, milligrams na mayroon ang gamot, at rekomendasyon ng doktor, nag-iiba-iba ang paracetamol dosage for children. Halimbawa, sa 120 milligram na syrup, ito ang tamang paracetamol dosage:
Isa hanggang limang taong gulang: 5 mL to 10 mL
Anim hanggang 12 taong gulang: 10 mL to 20 mL
Paano naman ang paracetamol dosage for babies?
Ayon sa pag-aaral, malalaman ang tamang paracetamol dosage para sa inyong anak base sa kanyang timbang. Pwedeng patingnan ang chart na ito sa inyong pediatrician para masigurado kung pwede ninyo itong sundan:
Timbang ng Bata
|
120 mg per 5 mL
|
250 mg per 5 mL
|
5 kg o mas mababa
|
Kumonsulta sa doktor
|
Kumonsulta sa doktor
|
6.5 kg
|
4 mL
|
2 mL
|
8 kg
|
5 mL
|
2.5 mL
|
10 kg
|
6 mL
|
3 mL
|
15 kg
|
9 mL
|
4.5 mL
|
20 kg
|
12 mL
|
6 mL
|
30 kg
|
18 mL
|
9 mL
|
40 kg
|
25 mL
|
12 mL
|
When to take paracetamol?
Photo from Unsplash
Gaya ng nabanggit kanina, depende ito sa klase ng lagnat na mayroon ang bata at base sa rekomendasyon ng pediatrician. Ang karaniwang dalas nito ay tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Maaari rin kayong payuhan na ipainom ang paracetamol every 4 hours. Talagang iminumungkahi sa sundin ang payo ng doktor para hindi lumagpas sa maximum dose of paracetamol per day na maaaring ikasama ng kalagayan ng pasyente.
Bago bigyan ng susunod na dose ang bata, i-check muna kung kailangan pa niya ito. Kung may kapansin-pansing improvement sa kanyang sigla at gana kumain, baka hindi na kailangan ng pag-uulit ng pag-inom. Mabuti rin kung itatala ang mga oras na binigyan ng paracetamol ang bata, pati na rin ang doses nang sa ganoon, kailanganin man ng doktor ang record, may makakatulong sa inyo na mag-track ng talab ng gamot sa bata at progress ng kanyang paggaling.
May ibang bata na mababa ang pain tolerance. Kaya naman, kaunting sakit lang ng ulo at panglalambot na kasama ng lagnat ay gusto na nilang iinom ng gamot. Mas makabubuti kung hindi sasanayin ang mga bata na maging dependent sa paracetamol. Alalahanin na hindi lahat ng lagnat ay dapat ginagamot. Natural na reaksyon lamang iyon ng katawan sa infection.
Kung galing naman sa immunization ang bata kaya nagkaroon ng fever, hindi inirerekomenda na painumin ito ng paracetamol dahil nakakabawas ito ng bisa ng vaccinations. Kung mukhang dala ito ng hindi magandang reaksyon ng katawan ng bata sa bakunang natanggap, huwag mag-atubiling isugod agad siya sa ospital o sa inyong pediatrician.
TANDAAN: Huwag bibigyan ng paracetamol ang mga bata ng mas marami pa sa apat na beses sa isang araw dahil delikado ito sa kalusugan nila.
May side effects ba ang pag-inom nito?
Wala masyadong naitatala na hindi kanais-nais na epekto sa pag-inom ng paracetamol. May ilang kakaibang kaso lang ng skin reactions gaya ng pagkairita nito at pagra-rashes. Ang overdosage o kasobrahan sa pag-inom ng gamot ay maaaring humantong sa malalang kondisyon ng atay dahil sa damage na nagagawa nito sa katawan.
Photo from Unsplash
Sa kahit anong ipapainom o ipapakain sa mga anak, doblehin ang paninigurado lalo na kung gamot ang ia-admninister. Basahin at araling mabuti ang health records at history ng mga bata gamit ang baby book at iba pang naitatabing mga reseta para makita kung may mga pattern ba o kaugnayan ang pagkakasakit nito. Siguraduhin din na mayroon kayong nakahandang contact number ng mga malapit na health facilities gaya ng ospital at clinic sakaling may mangyaring insidente na konektado sa pag-inom ng gamot. Magbasa-basa rin ng first aid tips na pwedeng gawin sakaling wala agad makakatulong sa inyong anak. Higit sa lahat, maging in touch sa inyong pediatrician sa pamamagitan ng regular check-ups, follow-up check-ups, at well-baby or child consultations nang sa gayon ay maging kampante at maalam sa health ng mga bata.
Sources:
https://www.ritemed.com.ph/products/rm-paracetamol-120mg-syr
https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/fever
https://www.kidshealth.org.nz/paracetamol