Idineklarang National Children's Month ang buwan ng Nobyembre ayon sa Republic Act. No. 10661. Ngayong taon, ang selebrasyon ay naka-focus sa positive parenting na may temang "ISULONG: TAMANG PAG-AARUGA PARA SA LAHAT NG BATA." Isa sa mga objectives ng National Children's Month ay maturuan ang mga magulang o mga taga-pangalaga kung paano tuturuan ang mga bata sa cyberspace. Isa sa mga tungkulin ng mga magulang ay ang i-manage ng tama ang pagkahilig sa gadgets ng kanilang anak para maiwasan ang excessive use of gadgets.
Sa panahong kung saan importante ang teknolohiya sa buhay ng tao, mapa-bata o matanda ay may kahit isang gadget na pag mamay-ari. Hindi maikakaila na karamihan ng mga bata ay mas nauuna pang makahawak ng gadget bago matutong magsalita. Base sa research ng Common Sense Media noong 2013, ang mga batang may edad walo pababa ay gumugugol ng 15 minutes sa isang araw na nakatutok sa mobile screen. Nasa 42% na din ng mga batang 8 years old and below ay may sariling table devices.
Negative Effects ng Paggamit ng Gadgets
- Speech or language delay
Ayon sa isang pag-aaral sa Amerika, isa sa bawat tatlong bata ay marunong ng gumamit ng table o phone bago pa sila magsalita.
Isa sa mga bad effects ng gadget ay ang speech o language delay. Ayon sa mga researchers, mas likely na magkaroon ng delay sa pagsasalita ang isang bata kung mas madaming oras ang ginugugol nito sa smart phones o tablets. Sa bawat 30 minutes na screen time, may 49% na tsansang magkaroon ng speech delay.
Ang mga bata ay natututong makipag-communicate sa pamamagitan ng pagkakaroon ng interaksyon sa tao kaya kung walang interaksyon, hindi sila matutong makipag- communicate. Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng tablet habang nasa byahe. Imbis na kausapin ang bata tungkol sa mga tanawing nadadaanan, kadalasan ay gumagamit na lang sila ng gadget at naglalaro. Isa sana itong pagkakataon para matuto sila sa mga nakikita nila.
- Sleeping Problem
Ang excessive use of gadgets ay nagdudulot ng sleeping problem lalo na sa mga bata dahil ang blue light na nakukuha sa mga smart devices ay nagiging sanhi ng mabagal na produksyon ng melatonin, ito ang hormone na nag-cocontrol ng sleep and wake cycle ng katawan. Kapag bumaba ang melatonin, mas mahirap makatulog.
Nagiging alerto din ang utak kapag gumagamit ng gadget bago matulog kung kaya't mas nahihirapang makatulog ang mga bata. Ang poor academic performance na sanhi ng sleep deprivation is one of the effects of electronic gadgets among students. Nasa 43% ng mga magulang ang nagsasabing hirap ang mga anak nilang teenager na makatulog o magising at ang excessive use of gadgets ang pangunahing salarin.
- Childhood depression
Ang childhood depression ay isa sa mga pinaka common at severe medical illness na may negative effect sa behavior ng bata. Ang excessive use of gadgets at dependence on technology ay maaaring maglead sa mental health issues ng mga bata.
Positive Effects ng Paggamit ng Gadgets
- Better Motor at Cognitive Skills
Ang motor skill ay ang skills na konektado sa muscles na ginagamit sa maliliit na movements. Kapag ang mga bata ay gumagamit ng gadgets, ang kanilang mga daliri at kamay ay nagagamit din at na-woworkout. Mas accident-free ang paggamit ng devices para ma-exercise ang kamay at daliri kaysa maglaro sa labas.
Ang cognitive skill naman ay ang kakayahang mag-process ng information at reasoning. Konektado ito sa memory at language. Ang teknolohiya ay nakakatulong para mapabilis ang development ng cognitive skills ng mga bata.
- Education
Ang paggamit ng techonology ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga bata. Madali silang nakaka-access sa mga educational websites. Malaking tulong ang mga visual presentations, educational videos at interactive programs para maging masaya ang pag-aaral.
Gaya ng lahat ng bagay, dapat may balanse sa paggamit ng gadgets para ma-maximize ang mga benefit na maaaring makuha. Narito ang ilang simple steps para maiwasan ang excessive use of gadgets:
1. Iwasang bigyan ng sariling gadget ang bata
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Asianparent Insights at Samsung Kidstime sa Singapore, Malaysia, Thailand, Indonesia at Pilipinas, 98% ng mga bata edad tatlo hanggang walong taon sa Southeast Asia ay gumagamit ng mobile devices at 14% dito ay may sariling cellphone.
Ayon sa lead author ng American Academy of Pediatrics' recommendations for media use, mas mainam na huwag munang bigyan ng sariling cellphone o tablet ang bata para ma-control ng mga magulang ang kanilang paggamit. Magandang ma-practice na dapat magpaalam muna bago gumamit ng any device. Mainam din na huwag itago o i-charge ang mga gadget sa kwarto ng mga bata.
2. Mag-set ng screen time
Ang pag-seset ng oras sa kahit bagay ay importante lalo na kung ito ay may epekto sa paglaki ng bata. Mahalagang mapag-usapan ng magulang at anak kung kailan lamang pwede gumagamit ng tablet o cellphone. Dapat ay maging firm ang magulang dito.
Mainam din ito para masigurong may sapat na tulog ang mga bata. Nakakatulong ito sa pag-recover mula sa eye strain na sanhi ng pagkababad sa screen.
- Maglaan ng oras para sa mga bata
Isa ito sa mga pinaka importanteng at pinaka epektibong paraan para hindi magkaroon ng dependence on technology ang mga bata. Maaaring kahit simpleng kwentuhan lamang o physical activity ang gawin. I-encourage silang maglaro sa labas kasama ang mga kapatid o pinsan o kahit mga kapitbahay para magkaroon sila ng interaksyon sa ibang tao. Di kaya ay mag-isip ng activities na pwedeng gawin na magkasama gaya ng gardening, paglilinis ng bahay o pagpunta sa palengke o malls. Huwag kalimutang pa-inumin ng multivitamins ang mga bata nakakatulong sa tamang paglaki.
Reference:
https://cwc.gov.ph/children-s-month/background.html
https://www.sleep.org/articles/ways-technology-affects-sleep/
https://www.dailypioneer.com/2018/pioneer-health/late-night-use-of-gadgets-leaves-kids-sleep-deprived--study.html
https://ph.theasianparent.com/being-smart-about-kids-and-gadgets/
https://www.omicsonline.org/open-access/the-impact-of-using-gadgets-on-children-2167-1044-1000296.pdf
https://edition.cnn.com/2017/10/19/health/children-smartphone-tablet-use-report/index.html