Tamang gamot para sa mga bata

October 23, 2017

Ang pagbibigay ng tamang gamot sa mga bata ay hindi madali. Maraming mga magulang o kaya ay mga nakakatandang guardian ang nahihirapan kapag kailangan ng painumin ng gamot ang isang bata. Ito ay dahil alam nila na ang pag-bibigay ng sobra o kulang na gamot ay maaaring magkaroon ng matinding side effect sa bata.

May mga sakit na hindi kinakailangang inuman kaagad ng gamot gaya ng sipon o sinat. Matinding pahinga at maraming tubig at juice na mayaman sa vitamin C ang kailangan ng mga ganitong sakit. Nakakatulong din sa pag-ginhawa ng pakiramdam ang pagkain ng gulay na may sabaw gaya ng bulanglang o sinigang na gulay.

Pero hindi maiiwasan na hindi uminom ng gamot ang mga bata, lalo na kapag ang simpleng sipon ay tumuloy na sa ubo o kaya ang simpleng sinat ay tumuloy sa pagiging trangkaso.

undefined

Alamin ang mga tamang gamot para sa mga batang may:

 

UBO - RiteMED Ambroxol Syrup at RiteMED Isoniazid + Pyridoxine Hydrochloride

Ang RiteMed Ambroxol ay isang over-the-counter na gamot na pinapainom sa mga batang matagal ng inuubo at mayroon ng plema ang ubo.

1-2 taong gulang - 2.5 mL o isang kutsarita, kada 12 oras

3-6 taong gulang - 2.5 mL o isang kutsarita, kada 8 oras

7-12 taong gulang - 5mL o isang kutsara, kada 8-12 oras

Samantala, ang RiteMed Isoniazid + Pyridoxine Hydrochloride naman ay gamot para sa TB o Tuberculosis.

Tandaan na ang Isoniazid + Pyridoxine Hydrochloride ay hindi katulad ng Ambroxol na over-the-counter mabibili. Kailangan ng reseta ng doktor para makabili Isoniazid + Pyridoxine Hydrochloride. Mahalaga ang tamang diagnosis ng doktor para magamot ng tama ang matinding bacteria na kumakalat sa pulmonary area ng bata.

 

LAGNAT - RiteMED Paracetamol Syrup

Ang RiteMed Paracetamol ay pinapainom sa mga batang may lagnat at may iniindang  sakit kaakibat ng lagnat. Ang pananakit na ito ay maaaring pananakit ng ulo o ng mga kasu-kasuan. Iniinom ang RiteMED Paracetamol Syrup ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw o depende sa nireseta ng doktor.

1-5 taong gulang - 5mL - 10 mL o isa hanggang dalawang kutsara

6-12 taong gulang - 10mL - 20 mL o dalawa hanggang apat na kutsara

BACTERIAL INFECTION - RiteMED Cefaclor, RiteMED Cefalexin (Zelexin), RiteMED Cotrimoxazole, RiteMED Cloxacillin, RiteMED Amoxicillin

Ang mga gamot na ito ay mga antibiotic. Ang trabaho ng antibiotic ay pumatay ng mga bacterial infection sa katawan. Ilan sa mga bunga ng bacterial infection sa katawan ay:

  • UTI o Urinary Tract Infection
  • Respiratory Tract Infection
  • Impeksiyon sa tenga, ilong at lalamunan
  • Impeksiyon sa gastrointestinal tract
  • Impeksiyon sa genitourinary tract
  • Impeksiyon sa balat
  • Impeksiyon sa buto
  • Impeksiyon sa gall bladder
  • Lyme Disease
  • Dental abscess

Huwag kalimutan na hindi basta-basta nabibili ang mga gamot na ito dahil ang pag-inom nila ay base sa ibinibigay na dosage at schedule ng doktor. Importante na tama ang diagnosis ng doktor patungkol sa sakit para masiguradong mapapatay ang mga bacteria na naghahasik ng lagim sa katawan at para rmaiwasan rin ang mabibigat na side effect na dala ng maling pag-inom ng antibiotic, lalo na kung mga bata ang iinom.

 

HIKA – RiteMED Salbutamol

Ang RiteMED Salbutamol ay isang syrup na gamot na nagpapahupa ng pagbabara sa daluyan ng paghinga na dulot ng hika. Ito ay inirereseta para sa mga batang may hika na nakakaranas ng mga sintomas gaya ng pag-uubo at paninikip ng daluyan ng paghinga.

Ang pag-inom ng salbutamol, lalo na para sa mga mas bata sa apat na taon, ay nangangailangan ng masusing gabay mula sa doktor. Importanteng kumonsulta muna sa doktor bago painumin ang bata ng gamot na ito.

Makabubuting umiwas sa mga sanhi o triggers ng atake ng hika gaya ng pollen ng mga halaman, alikabok, at balahibo ng hayop.

 

Sources

https://www.ritemed.com.ph/

https://aboutkidshealth.ca

https://medicinesforchildren.org

https://kalusugan.ph