Sa Pilipinas, ang rainy season ay nag-sisimula ng July hanggang December. Important na malaman kung ano ang mga iba’t ibang klaseng sakit na common tuwing tag-ulan at kung paano ito maiiwasan. Ang mga sumusunod ay ang mga common na sakit tuwing tag-ulan at kung paano ito maiiwasan:
-
Ubo, sipon, at trangkaso
Ang ubo, sipon at trangkaso ay isa sa mga pinaka-common na sakit ng mga bata at matatanda tuwing tag-ulan. Dahil sa biglang pagpalit ng panahon, madalas nagkakaroon ang mga bata at matatanda nito. Para maiwasan ito siguraduhin ang bata ay nakakakuha ng sapat na Vitamin C mula sa pagkain, inumin o gamot tulad ng RM Zinc-C at RM Ascorbic Acid. Maaaring painumin ng maligamgam na tubig na may lemon ang bata dahil ito ay good source of Vitamin C. At siyempre, sapat na pahinga ang kinakailangan para lumakas ang resistensya nito laban sa mga sakit.
Ang leptospirosis ay isang bacterial disease na nakukuha sa ihi ng daga. Ang sakit na ito ay maaaring humantong sa kidney damage, meningitis, liver failure, respiratory distress and in some cases, can cause death. Dahil nakukuha ito sa tubig na contaminated ng ihi ng daga, make sure na ang mga bata ay nakasuot ng botas o boots kung maglalakad sa ulan para maiwasan na ma-expose sila sa maduming tubig sa kalye. Maliban dito, dapat wag hayaan ang mga bata na maligo sa ulan, lalong lalo na kung may sugat ito dahil ang open wounds ay madaling ma-infect ng mga bacteria. Kapag umuulan, siguraduhin na mayroong activities sa loob ng bahay para hindi na pilitiin ng mga bata na lumabas at maglaro sa ulan. Ang panahon na ito ay isang opportunity para makapag-bonding ang buong pamilya.
-
Alipunga
Ang alipunga ay isang fungal infection na nagdudulot itchiness at ordor sa paa. Nakukuha ito sa kung naglalakad ang bata na naka-paa sa pampublikong lugar o na-expose ang paa sa maduming tubig. Dahil nakukuha ito sa maduming sahig o tubig, siguraduhin na nakasuot ng botas ang bata kung maglalakad sa ulan. Kung hindi ito naka-boots, siguraduhin na hugasan ng mabuti ang paa ng bata para maiwasan ang alipunga.
-
Dengue
Ang dengue ay isang sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok o mosquito na may dalang dengue. In order to avoid dengue, siguraduhin na may takip ang mga container sa bahay na may tubig para maiwasan ang pagdami ng lamok o mosquito sa inyong bahay. Maliban dito, mainam na gumamit ng mga spray o lotion na proteksyon laban sa lamok.
Sources: