Napakahalaga para sa ating mga Rite Mommies na lumaki ang ating mga kids na smart at healthy. Paano ba natin sila matutulungan? Anu-ano nga ba ang makakapagpatalino sa mga ating anak? Namamana ba ito?
Ayon sa pag-aaral, 40-60% ng talino ng bata ay namamana o galing sa kanyang genetics habang ang natitirang bahagi naman ay nalilinang ng kanyang environment o kapaligiran. Ang ibig sabihin nito ay malaki parin ang ginagampanan ng ating parenting o pagpapalaki sa kanilang katalinuhan at over-all development.
Ngunit alam niyo ba na ang talino ay hindi lamang ang galing sa pagmememorya? Napagalaman ng mga siyentipiko na ang talino ay may kinalaman sa dami ng bahagi ng utak na ginagamit ng tao. Dahil dito, sinasakop nito ang iba’t-ibang skills, hindi lamang ang pagmemermorya kundi narin ang ang pag-unawa sa kapaligiran at ang pagkatuto. Para hubugin ang mga ito, kailangan din ng over-all wellbeing ng mga kids. Kaya para sa smart parenting, kailangan bantayan ang holistic o kabuuang development ng atin mga anak kung saan isinasa-alang-alang ang mga sumusunod: intellectual o cognitive development, social-emotional development at physical development.
Intellectual o Cognitive Development
Kapag sinasabi ang salitang katalinuhan, kadalasan ay naiisip natin ang brain o utak. Ang brain o utak ang responsible sa mga mental processes tulad ng pagkatuto (learning), pag-alala (memory), paglutas ng problema (problem-solving) at pag-iisip (thinking). Kabilang din dito ang kaalam sa wika. Lahat ng it ang saklaw ng intellectual o cognitive skills.
Social-Emotional Development
Ang social-emotional development ng mga kids ay tumutukoy sa mga kakayahan para makasalimuha sa ibang tao. Ito rin ay tumutukoy sa kakayahang magkontrol at magpahayag ng emosyon. Mahalaga ang aspetong ito sa pagpapalaki ng smart and healthy kids. Ayon sa itang research, ang magandang emotional bond ng isang ina at anak ay nakakatulong sa brain development ng anak na nagreresulta sa mas matalinong bata. Ang mga batang may strong bond sa kanilang ina ay nagkakaroon ng sense of security kaya mas malakas ang kanilang loob na mag-explore at mas mayroon silang kumpyansa sa sarili para mag-solve ng mga simple problems.
Sa pakikisalamuha naman nila sa ibang tao, lalong na-dedevelop ang language skills ng mga kids. Upang mahubog ang language skills ng isang bata, kailangan ay lagi siyang may pagkakataon na makarinig at makapagsalita, hindi lamang kasama ang parents kundi narin ang ibang kids. Dahil dito, mahalaga na marunong silang makipag-kapwa.
Photo from Pixabay.com
Ang emotional intelligence o kakayahan na maintindihan, makontrol at maayos na maipahayag ang mga emosyon ay mahalaga din sa learning experience ng mga kids. Kahit bata pa lamang sila, nakakaranas na sila ng emotional stress tulad ng frustration o inis. Maari itong magdulot ng problem sa mental health ng mga kids. Kaya para mapanatili ang good mental health, mahalagang alalalayan nating ang mga kids sa pag-proseso ng mga negatibong emosyon at lagi silang bibigyan ng emotional support.
Physical Development
Ang pagkatuto at paghubog sa talino ay isang mahabang proseso. Para masigurong laging may pagkakataon ang mga kids na matuto, mahalagang sila’y physically healthy. Ang pangangalaga sa kanilang mga katawan ay kasing halaga ng pag-alaga sa kanila mentally at emotionally. Kapag ang kids ay healthy at hindi sakitin, hindi mahihinto ang kanilang pagkatuto. Kaya importanteng nakakakuha ang kids ng proper nutrition. Ngunit minsan, ang kinakain ng mga kids ay hindi sapat para makumpleto ang kanilang daily requirement for vitamins and minerals. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang mga batang nakakakumpleto ng kanilang nutritional requirements ay mas mabilis matuto kumpara sa mga batang hindi.
Para makatulong sa pagtugon ng kinakailangan na vitamins at minerals ng mga kids, maari silang bigyan ng food supplements tulad ng Ritemed Multivitamin+CGF Syrup na nagbibigay ng Vitamins A, B-Complex, Vitamin C, Vitamin D, Taurine, Lysine at Zinc. Mayroon din itong CGF or Chlorella Growth Factor na nakakatulong pampatangkad. Para naman matulungan ang kanilang resistensya at maiwasan magkasakit, maari silang bigyan ng Ritemed Ascorbic Acid o Ritemed Zinc-C (Vitamin C and Zinc).
Ngunit kung hindi maiiwasan magkasakit, siguraduhin na painumin ng gamot ang kids tulang ng Ritemed Paracetamol (for Kids) kung may lagnat o Ritemed Ambroxol naman kung may ubo. Kung sila naman ay may allergies maari silang bigyan ng Ritemed Cetirizine syrup o Ritemed Loratadine syrup para masigurado tuloy-tuloy ang paglalaro at pagkatuto.
Ito ang iilang activites para sa holistic development ng kids:
- Magbasa kasama ang iyong mga kids
Para lalong mapabuti ang listening, speaking at reading skills ng iyong kids, samahan sila sa pagbabasa. Magkaka-bonding time na kayo, matuturuan niyo pa silang magbasa.
- Give your kids a balanced diet
Siguraduhin na bibigyan ang kids ng proper nutrition sa pamamagitan ng balanced na diet. Ang plato dapat ng kdis ay mayroong Go, Glow at Grow foods. I-check ang link na ito for more information: https://www.ritemed.com.ph/articles/pinggang-pinoy-isang-easy-to-follow-plate-guide-para-sa-kids
- Siguraduhin na sila ay may sapat na tulog
Ayon sa pag-aaral, ang mga batang may sapat na tulog ay nag-peperform ng mas maayos sa school. Para sa mga pre-school kids, dapat daw ay mayroon silang at least 11 hours of sleep habang 10 hours naman para sa mga batang hanggang sa may edad na 12.
- Limitahan ang television time
Dahil mahalaga din na matutong makipaghalubilo ang mga bata, iwasan na magbabad sila sa harap ng TV.
- Hayaan silang maglaro
Ang paglalaro ay nakakatulong sa physical, mental at social-emotional development ng mga kids. Kaya dapat ay bigyan sila ng sapat na oras upang maglaro at makipaglaro sa ibang mga bata.
- Turuan sila ng ibang wika
Ayon sa pag-aaral, ang mga batang may hight sa isang wika ay mas mayroong focus. Kaya hanggat maari, turuan ang kids ng higit sa isang wika. Maari silang turuan ng Filipino, Ingles o ng iba pang wika sa bansa tulad ng Bisaya, Ilokano, Kapampangan at iba pa.
- Turuan silang tumugtog ng musical instrument
Nakakapagpataas daw ng IQ ng mga bata ang pag-aaral ng musical instruments. Kaya hikayatin sila na maging mahilig sa musika.
- Bigyan sila ng emotional support
Sa pagpapalaki ng bata, mahalaga na hindi lamang sila binibigyan ng mga pisikal na pangaingailangan kundi ng tamang emotional support. Maniwala sa kanilang kakayahan. Kilalanin ang kanilang mga achievments at hikayatin sila na wag tumigil matuto.
Sources:
https://www.independent.co.uk/news/science/children-intelligence-iq-mother-inherit-inheritance-genetics-genes-a7345596.html
https://www.britannica.com/science/human-intelligence-psychology/Development-of-intelligence
https://education.gov.scot/parentzone/learning-at-home/supporting-health-and-wellbeing/Mental,%20emotional,%20social%20and%20physical%20wellbeing
https://www.sciencedaily.com/releases/2016/07/160718110938.htm
https://www.famlii.com/basics-child-development-social-emotional-physical-cognitive-development/
https://www.sciencedirect.com/topics/neuroscience/cognitive-functions
https://www.kidsmatter.edu.au/sites/default/files/public/KidsMatter-Early-Childhood-neurodevelopment-web.pdf
https://nationalmentoringresourcecenter.org/index.php/toolkit/item/247-social-emotional-skills.html
https://www.webmd.com/baby/features/what-makes-kids-intelligent#2
http://time.com/12086/how-to-make-your-kids-smarter-10-steps-backed-by-science/
https://www.businessinsider.com/make-kids-smarter-2011-10