Ang immune system ay ang natural na taga-depensa ng katawan sa iba’t ibang uri ng toxins, bacteria, viruses, at iba pang harmful substances na matatagpuan sa kapaligiran na maaaring magdulot ng sakit sa ating katawan. Ito ay isang komplikadong bahagi ng ating katawan na may mahalagang papel na ginagampanan para tayo ay mabuhay.
Ang immune system ay binubuo ng network of cells, tissues, at organs na magkakasamang kumikilos para panatilihing ligtas tayo. Ito rin ang nagdudulot sa tao para maging malusog at malayo sa anumang impeksyon.
Para sa isang magulang, ang pagiging ligtas at malusog ng kanyang mga anak sa lahat ng pagkakataon ang pinakaimportanteng bagay. Pero papaano na lang kung hindi alam ni Nanay o Tatay ang wastong paraan on how to boost child’s immune system?
Sa araw- araw, hindi mo mapapansin ang iba’t ibang elemento ng virus o germs na pwedeng dumapo sa iyong anak. Sa paglalaro sa labas ng bahay, maging sa loob ng bahay, sa pagkakadapa sa buhanginan, at pagtatago sa kung saan-saang sulok, sa pagpupulot ng bato, o paghahawak ng samu’t saring laruan, hindi mo matitiyak na walang bacteria na maaaring dumapo sa iyong anak. Kaya bago mahuli ang lahat, at kung ano pang sakit ang dumikit sa kanila, mas mabuti nang malaman ng maaga ang pamamaraan on how to strengthen immune system ng ating mga anak.
Upang matiyak na maprotektahan mo ang iyong anak sa sugat o galos, o maging sa sakit at impeksyon, narito ang ilang bagay na maaari mong i-consider na immune boosters na makakatulong on how to improve the immune system of your child.
- Breastfeeding. How to improve immune system sa mga sanggol? Mabibigyan siya ng sapat na nutrisyon kapag pinahalagahan ang pag-bebreastfeed. Ang breastmilk ay nagtataglay ng turbo-charged immunity-enhancing antibodies at white blood cells. Ito ay nakakatulong laban sa impeksyon sa tenga, allergies, diarrhea, pneumonia, meningitis, urinary tract infections, at sudden infant death syndrome (SIDS). Ayon din sa pag-aaral, ang breastfeeding ay nakakatulong para mapatalas ang kakayahang mag-isip ng bata. Makabubuti na magbreastfeed hanggang tatlong taon ng bata. Kung hindi ito posible, mahalagang sa unang dalawa hanggang tatlong buwan ay napa-breastfeed ang baby. Tandaang ang breastfeeding ay crucial sa pagpapalakas ng immune system ng sanggol.
- Maghain ng mas maraming prutas at gulay. Pinakamahalagang paraan on how to boost child’s immune system, ay bantayan at alagaan ang pagkaing hinahain sa kanila. Let your children “eat the rainbow”. Hayaan silang kumain ng makukulay na mga prutas at gulay na magbibigay ng sustansya sa kanilang mga katawan. Ang mga ito ay may taglay na immunity-boosting phytonutrients na madalas mayaman sa Vitamin C at carotenoids. Ang phytonutrients ang responsable sa paggawa ng white blood cells na lumalaban sa impeksyon sa katawan. Siguraduhing mapakain ang inyong mga anak ng limang servings ng gulay o prutas sa loob ng isang araw. Huwag ding gawing panakot o parusa ang pagpapakain ng mga gulay para hindi maging ilang dito ang inyong mga anak. Importante na habang bata pa sila ay maturuan na silang kahiligan ang mga prutas at gulay na siguradong malaking bahagi ng mas malakas na immunity laban sa sakit habang lumalaki.
Ang carrots, green beans, oranges, strawberries, at bananas ay ilan lang sa mga halimbawa ng gulay at prutas na makabubuti sa immune system ng inyong mga anak.
Image by Pexels
- Tiyaking nakakatulog ang inyong anak ng sapat na oras. Marami sa mga bata ngayon ang hindi na nakakatulog sa tamang oras. Madalas silang tutok na tutok sa gadgets, nakababad sa computer, o ‘di kaya ay walang kapaguran sa paglalaro maghapon. Pero bilang magulang, kailangang gawing priority ang tamang pahinga ng iyong mga anak para mapalakas ang kanilang immune system. Ang kakulangan sa tulog ay may malaking epekto sa immune system ng tao lalo na sa mga bata.
Nakadepende sa edad ng bata ang wastong oras na dapat ay tulog siya at namamahinga. Ang bagong panganak na sanggol ay dapat may l18 hours na tulog sa isang araw. Ang toddlers naman ay nirerekomendang magkaroon ng 12-13 hours of sleep. Samantalang ang pre-schoolers ay nangangailangan ng 10 hours na tulog. Mahalaga ang pagtulog ng tama sa mga bata para sa proper secretion ng melatonin o ang tinatawag na sleeping hormones ng katawan.
Mahalaga na sa pagpapatulog ng inyong mga anak ay patayin ang ilaw. Siguraduhin ding naka-unplug ang lahat ng gadgets o appliances sa loob ng kwarto ng bata para walang electromagnetic frequency na maaaring makaapekto sa kalidad ng kanyang tulog. Kung hindi kayang patulugin ang inyong mga anak sa tanghali, siguraduhin na lamang na papatulugin sila ng maaga sa gabi.
Image by Unsplash
- Bawasan ang stress at pagkabalisa ng bata. Sa panahon ngayon, pati mga bata ay nagkakaroon na rin ng stress. Gaya ng mga nakatatanda ay nakakaranas din ng stress ang mga bata. Ang stress ay hindi nakakatulong sa immune system ng bata dahilang emotional stress at unhappiness ay may kakayahang sairin ang lakas ng immune system nila. Dahil dito, maaaring maging mahina ang katawan nila sa paglaban sa sakit. Bigyan sila ng down time - kung may oras para mag-aral, bigyan din sila ng oras para makapaglaro hindi lang sa loob ng bahay pero maging outdoors. Bigyan din sila ng mahabang oras para makapagpahinga.
- Panatilihin ang microbiota. Ang probiotics ay ang mga friendly at helpful bacteria na nasa ating mga bituka na nangangalaga sa ating digestive tract, tumutunaw sa ating pagkaing kinain, tumutulong sa paglilinis ng toxins, at lumalaban sa iba pang viruses at bacteria. Kapag nagkaroon ng imbalance sa bacteria na ito, makikita ang pagbabago sa immune system ng bata. Habang maaga, inirerekomenda na mag-intake ng probiotic supplements ang mga bata na nagtataglay ng lactobacillus and bifidobacterial.
- Hayaan mong madumihan ang iyong anak. Haka-haka lamang na ang palagiang pag-iwas ng iyong anak sa dumi ay makakatulong on how to strengthen the immune system. Bahagi ng pagpapalakas ng immune system ng mga bata ang hayaan silang madumihan. I-encourage silang maglaro sa labas, tumakbo, at i-explore ang mga outdoor activities. Laging ipaalala na matapos ang laro, matapos gumamit ng banyo, bago kumain, at kapag may sakit, ay palaging maghugas ng kamay. Para din matulungan ang iyong anak na makawilihan ang paghuhugas ng kamay, maaari silang baunan ng hand sanitizer.
- Mag- ehersisyo kasama ang pamilya. Maliban sa ang pag-eehersisyo ay makabubuti sa katawan, ang pag-eehersisyo kasama ang pamilya ay magdadagdag din ng happy hormones or endorphins sa inyong mga anak na makakabawas ng stress. Ayon din sa pag-aaral, ang pag-eehersisyo ay pinatataas ang bilang ng natural killer cells sa matatanda at bata na lumalaban sa matitinding sakit gaya ng cancer.
Para rin mahikayat ang inyong anak na maging healthy ang lifestyle, dapat bilang magulang ay maging role model sa kanila. Maglakad kasama nila, maglaro sa labas kasama ang mga bata, at hayaan ang inyong mga anak na gumawa ng mga physical activities gaya ng pagtalon, pagtakbo, pag-akyat ng puno, at pagsayaw. Hayaan silang tumakbo ng nakayapak at i-enjoy ang kanilang pagkabata nang may active lifestyle..
Image by Pexels
Bilang magulang, ang isa sa mga hangad natin para sa ating mga anak ay ang ligtas at malusog na pangangatawan. Mahalagang subaybayan natin ang kanilang paglaki para masiguro ito. Bantayan ang kanilang kinakain at kinawiwilihang activities. Mahalaga rin na painumin sila ng bitaminang mayaman sa Vitamin C with Zinc tulad ng RiteMED Ascorbic Acid bilang dagdag proteksyon. Kung hindi sigurado at kulang sa kaalaman kung paano palakasin ang immune system ng mga bata, huwag mag-atubiling kumonsulta sa doktor.
Sources:
https://www.medicalnewstoday.com/articles/320101.php
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmedhealth/PMHT0025680/
https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/psoriasis/qa/what-is-the-immune-system
https://health.clevelandclinic.org/want-boost-childs-immune-system-5-tips/
https://www.bbcgoodfood.com/howto/guide/how-boost-your-childs-immune-system
https://www.mindbodygreen.com/0-13175/6-ways-to-boost-your-childs-immune-system.html
https://www.parents.com/health/cold-flu/cold/boost-childs-immunity/
http://pathwaystofamilywellness.org/Children-s-Health-Wellness/strengthening-your-childs-immune-system.html