Paano Makatutulong ang Tatay sa Pag-alaga sa Sanggol?

August 26, 2020

Sa bagong pagsilang ng sanggol, maraming mga ama ang hindi sigurado kung ano ang maaari nilang maitulong. Karamihan sa kanila, iniisip na ang gusto lamang ng anak ay kaniyang nanay at ang suso nito. Maaari rin silang mabigla at malito dahil sa pagbabago ng lifestyle. Sa ganitong panahon, kailangan ng maayos na komunikasyon upang mas mapadali ang pag-aalaga sa anak. Isang magandang parenthood meaning ay ang pagkakaroon ng pagtutulungan sa pag-aalaga ng kasisilang pa lamang na supling.

 

Narito ang listahan ng ilang mga bagay na maaaring sundin ng mga ama sa pagtulong sa pag-alaga sa kanilang mga supling. Ang ilan sa mga ito ay hindi pisikal na tulong. Dahil sa unang mga buwan ng kapanganakan, nangangailangan ang mga nanay ng emosyonal na tulong din. Kailangan niyang maramdaman na hindi siya mag-isa sa pag-aalaga sa inyong anak.

 

Paano makatutulong ang ama sa bagong panganak na ina?

  • Sabihan sa kaniyang mahusay siya sa kaniyang ginagawa. Maraming mga ina ang nag-aalinlangan sa kanilang sarili. Palakasin ang kanilang loob sa pamamagitan ng madalas na pagpuri sa kaniya.
  • Lutuan siya at siguraduhin na kumakain siya nang mabuti. Kailangan ng kaniyang katawan ng pagkain para sa sa paggagatas niya.
  • Kung pumapasok ka sa trabaho, siguraduhin na nakahanda na ang mga gamit o mga pagkain na kakailangan niya sa buong araw sa pag-aalaga sa inyong anak at para na rin sa kaniyang sarili.
  • Bigyan siya ng sarili niyang oras. Ilabas ang inyong anak at paarawan ito. Upang makapagpahinga rin ang inyong asawa, at magkaroon kayo ng oras kasama ang anak.
  • Pahiran siya ng aromatic relaxing oil na nakakatulong sa pagpapatanggal ng stress.

Tandaan na hindi pa normal ang kaniyang hormones dahil sa panganganak. Pagod din siya sa pagpapadede at paghehele sa inyong anak. Nararapat na mas maging maintindihin para sa inyong kabiyak sa panahon na ito. Mahalagang maging parte ito ng planned parenthood na mga usapin bago bumuo ng pamilya.

Kung tingin mong nakararanas siya ng post-partum na depresyon, nararapat na dalhin agad siya sa propesyunal upang siya ay matulungan.

Paano makakatulong sa pagpapadede sa anak?

  • Siguraduhing meron siyang breastfeeding na unan at ang lahat ng kaniyang kailangan ay nakahanda at malapit lamang sa kaniya.
  • Dalhan siya lagi ng tubig. Kailangan niyang manatiling hydrated palagi.
  • Paghandaan siya ng makakain habang siya ay nagpapasuso.
  • Padighayin ang anak at kung kinakailangan, palitan ito ng diaper. Sa ganitong paraan, mayroong panahon makapagpahinga ang iyong asawa.

Tandaan na nakakapagod ang mag-alaga ng anak buong araw. Wala rin itong pahinga. Mukha man na wala siyang ginawa buong araw dahil nasa bahay lamang siya, tiyak na napagod ito sa pagpapasuso, pagliligpit at pag-papaalaga sa inyong anak. Malaking tulong ang  gawin ang lahat ng mga bagay na makakapagpagaan sa kaniyang mga gawain.

Ano ang mga maaaring gawin ng tatay kasama ang baby?

  • Nararapat na alam ng isang ama ang magpaligo, magpalit ng diaper at magpakain ng sanggol.
  • Maaaring ikaw ang magpainom ng gatas sa inyong anak sa gabi.
  • Pakainin ang sanggol sa umaga bago umalis sa trabaho (maaaring gamit ang gatas mula sa ina o ang formula na gatas) upang makatulog nang mas mahaba ang ina.
  • Kung umiiyak ang inyong anak, patahanin ito. Huwag nang hintayin na ang ina pa ang magpatahan dito.
  • Ilabas din paminsan-minsan ang anak upang magkaroon ng oras para magpahinga ang anak.
  • Kung mayroong ibang anak, maaari rin na ama na ang tumingin sa kanila upang mabawasan ang gawain ng ina.

Nararapat lamang alalahanin na mapapagaan ang pag-aalaga kung magkaroon ng pagkukusa sa mga gawain. Isa itong paraan na mapakita ang responsible parenthood. Huwag na hintayin na mag-utos ang iyong asawa, o makita na nahihirapan ito. Maging matulungin sa kaniya sa lahat ng pagkakataon, hindi lamang sa pisikal na aspeto, pati na rin sa emosyonal. Iparamdam sa kaniya na hindi siya mag-isa at kasama mo siya sa pag-aalaga sa inyong bagong supling.

 

Source:

https://www.baby-chick.com/how-dads-can-help-a-new-mom/